Chapter 4 : The Voice
Christian’s POV
Haaaaay, sarap mag-inat. Saglit lang naman kasi yung byahe. 30-45 minutes lang ata? Wala akong ibang ginawa kundi ang magpanggap na natutulog habang naka headset.
Paano naman kasi ako makakatulog kung yung 2 pumapagitna sa aking babae ay titig na titig sa akin at dahil mabait naman ako. Hinayaan ko na sila, bihira lang ata silang makakita ng napakagwapong nilalang eh?
Nasaan na kaya si Mang Teban? Siya kasi yung tinawagan ni Ma na susundo daw sa akin dito sa Airport.
Hanap
Hanap
Hanap
Hanap
Hanap
Ayun! Nakita ko na siya na nakasandal sa gilid ng van. Aba, grabe pumosing si manong ah. Pero teka, bakit van ang dala nito eh isa lang naman akong dadating??
“ Mang Teban! “ sigaw ko habang papalapit sa kanya at habang kumakaway para mas mabilis niya akong Makita.
“ Sir Chris! Aba ang laki niyo na po pala. Binatang binata na. Siguro po, mga babae pa ang nanliligaw sayo eh noh? “
“ Aba, galling mo Mang Teban ah, paano mo nalaman yun? HAHA. Kunsabagay, kahit di mo sabihin yan alam kong pogi ako. Heartthrob nga ako sa School namin eh “
Lakas mang-bola nito ni Mang Teban ah, pero di ba pag bola hindi totoo. Eh yung sinabi niya totoo. Kaya Fact yun >:D<
“ Ngapala, bakit po pala Van ang dala niyo eh ako lang naman po ang pupunta dito?”
Tanong ko kay Mang Teban habang pinapasok ko yung maleta sa sasakyan.
“ Ah, eh, Akala ko po kasi kasama mo yung Mommy at Daddy mo. Akala ko din, nagbalik na si Kuya Vince mo galing London kaya bigla kayong pupunta dito. Ikaw lang pala ang dadating. Kumusta na nga po pala sila? Matagal na rin po kasi simula nung huling punta niyo dito eh “
Kunsabagy, matagal na nga pala simula nung huli naming punta dito. Dito kasi kami nag stay nung nawala si Coleen since ito naman yung pinakamalapit na land area mula sa yacht namin. Atsaka, may resort kasi kami dito kaya okay lang.
Dito na rin napagpasiyahan ng Parents namin na lumipat nalang kami sa States para makapag move on ng mas mabilis.
*Flashback*
“ Ralph, Ellaine nakikiramay kami sa pagkawala ni Coleen. Di namin inexpect na kung kelan tayo magpapahinga sa trabaho bigla naman mawawalan ng isang napakahalagang tao sa buhay natin “
“ Okay lang, wala namang may gusto mangyari yun. Pero nangyari na eh. Kaya napagpasiyahan namin ni Ralph na lilipat muna kami sa States, para makalimot kahit papano. “
“ Ganun ba? Eh pre, tutal halos magkapamilya na tayo, sasama na lang din kami at mag dagdag na rin tayo dun ng iba pang branch ng business natin. Ayos lang ba yun?”
Maganda yung suggestion ni Dad, makakatulong kasi ang pagmigrate namin at pagkakabusy nila sa trabaho para mabawasan naman ng konti yung pagkalungkot namin.
*End of Flashback*
“ Iho, tulala ka nanaman jan? Sabi ko kamusta na ang Mommy’t Daddy mo pati si Kuya Vince mo? “
“ Ay sorry po, may naalala lang. Si Dad po nasa States inaayos po nila yung branches na naestablish nila dun. Si Ma naman, asa Manila para siya yung mag-aasikaso ng Company namin. Si Kuya Vince naman po, nasa England pa rin. Professional Doctor na po siya dun”
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
ComédieLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...