Chapter 50 : Last

55 3 3
                                    

Chapter 50 : Last

Coleen's POV

' Oy! Sino ka ba! Kanina pa kita tinatanong!!! ' kanina pa ako sigaw ng sigaw dito pero hindi pa rin ako sinasagot ng kumuha sa akin. Baka nalaman nilang mayaman kami kaya ako kinidnap? Hala!

' Ahhhhhhhh! Weeeeeeh!! Ohhhhhhh!! Yeaaaaaah! ' ewan ko ba kung anong kabaliwan pinagsisisigaw ko dito. Gusto ko lang mag-ingay.

' Ang ingay naman talaga. ' teka, parang narinig ko na yang boses na yan dati ah.

Tinanggal na niya yung takip sa mata ko kaya nagulat naman ako nang makita ko ang isang familiar na mukha.

' Kevin, diba nagbagong buhay ka na? Bakit ka bumalik! Bakit ka nandito? Akala ko ba tapos ka ng maghiganti? Bakit? Bakit mo ako kinikidnap nanaman? Bakiiiiit!? '

' Ang ingay mo pa rin, Kim. Napagutusan lang ako okay. Atsaka hindi naman kidnap tawag dito. Hindi ka naman nakatali. Tinakpan ko lang mata mo. Diyan ka na nga muna. Sumakit tenga ko kakabantay sayo. '

Bigla namang umalis si Kevin at iniwan akong mag-isa. Tatayo na rin sana ako para umalis, kaso bigla kong napansin yung lugar.

' Nagandahan ka? ' bigla akong napatingin sa nagsalita sa may likod ko.

' Xian? Anong ginagawa mo dito? ' lumapit lang siya sa akin at umupo sa tabi ko habang nakatingin sa dagat.

' Ang ganda no? Kwinento lang sakin ni Daniel tong part na to ng resort. Ewan ko ba dun. Gala masyado. Ang daming alam na resort at mga lugar dito sa Batangas. '

' Mahilig kasing mag-adventure yun. Miski dati sa probinsiya. '

Tumayo naman siya bigla at tinapat yung kamay niya sakin.

' Anong gagawin ko sa kamay mo? '

' Tara, date tayo. ' dahil hindi pa rin ako tumatayo, inabot na niya yung kamay ko at hinila ako patayo.

' Alam mo. Malapit na akong mapilayan ngayong araw. ' tumawa nalang siya at hinawakan yung kamay ko.

Parang may bago dito kay Christian. Parang ang seryoso ng mukha at hindi ko nararamdamang may diperensya sa utak ngayon.

Sumakay kami ng Tricycle para makapunta sa terminal ng jeep papuntang Lipa. Tahimik lang siya sa pwesto niya kaya tumahimik nalang din ako.

Pagdating sa Lipa, pumunta muna kami sa 7/11 para bumili ng maiinom. Napansin ko na parang ang lapad ng ngiti nung babaeng nasa Cashier kaya tinanong ko siya kung bakit.

' Ang sweet niyo po kasing dalawa. Parang ayaw bitiwan ng boyfriend mo yung kamay mo. ' kukunin ko na sana yung kamay ko kaso ayaw akong.bitiwan ni Christian.

Nginitian lang ni Christian yung babae at kinuha na yung binili naming Mogu Mogu. Hanggang paglabas, hindi parin ako binibitawan ni Christian.

' Huy! May sakit ka ba ngayon? Bakit parang ang seryoso mo? ' natawa naman bigla siya sa sinabi ko.

' Baliw ka talaga. Minsan lang ako magseseryoso ng mood tapos ayaw mo pa. Tara na nga, punta nalang tayong SM. '

Pagdating namin sa mall, nag-ikot ikot lang kami. Bumili ng ice cream, nanuod ng sine at naglibang. Ang lame ng date namin, pero masaya, kasi magkasama kami.

' Uwi na tayo? ' tanong ko sa kanya pagkatapos kong ubusin yung iniinom kong shake.

' Bili muna tayong relo. '

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon