Chapter 21 : Try outs
Kim’s POV
1 Month na rin akong nandito sa school na to. Well, nung una medyo nabadtrip ako dito pero after nung audition ko sa glee club. Nabawasan na yung mga nambu-bully sa akin. Lalo na nung natanggap ako sa glee club! Nawala na talaga yung nambu-bully sa akin. Ewan ko ba, basta biglang nalang naglaho yung mga ugali nilang masama. Buti nalang nag-audition ako sa glee club, medyo na boost kasi yung confidence ko eh :D Atsaka, si Mystery Guy, lagi niya akong pinapapaalahan ng mga kung ano ano. Naging super secret friends tuloy kami xD
“ Class, yung mga nag sign-up para sa basketball team ng school natin pwede na kayong lumabas at magpalit ng mga jerseys niyo. Pag nagstart naman yung try outs niyo, ma ca-cut yung klase at manunuod ang lahat sa inyo. So goodluck! :) ”
“ Wooooooooh!!! Cut yung klase!! ” sigaw ng isa kong kaklase xD
Nagsilabasan na lahat ng nag sign up, pati pala si Christian nag-sign up para dun. Ma-cheer nga siya, tutal parang na cheer niya din ako nung ngumiti siya eh.
Basketball Court
Wow! Ang daming tao, atsaka parang kahit mag cheer ako dito, di rin ako maririnig. Haaaay. After 10 minutes, nagsilabasan ng yung mga players. Hala ang tatangkad at ang lalaki ng mga kalaban ng team ni Christian. Kaya kaya nila yun?? Sabi nila, 10 minutes lang daw ang ibibigay ng coach ng basketball team para paglaruin sila. At kung sino man daw yung makakakuha ng 25 points sa time na binigay, makakapasok sa team.
2 Minutes
Christian – 3
5 Minutes
Christian – 15
8 Minutes
Christian – 20
9 Minutes
Christian – 22
Hala! 1 Minute nalang yung natitira, 3 points pa kailangan niya. Atsaka parang nagiging brutal na yung ibang players kasi naniniko na, naninipa. Pero hinahayaan lang ng coach para daw may thrill =_= Psh. Maloko ang coach nila
“ 10…. 9….. 8….. 7….. 6…..5 ” hala, nag ka-countdown na yung referee. Anak ng teteng nakay Christian na yung bola pero parang nag-aalangan pa siya makashoot.
“ GO CRISTIAN!! I-SHOOT MO NA YAAAAAAN!!! ” sumigaw ako kahit di ko alam kung narinig niya ako, basta ang mahalaga nag cheer ako sa kanya
“ 4….. 3…. 2…. ” wala na, nakapikit na ako habang nag bibilang yung referee.
“ 1!!! ”
“ Aahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!! ” napadilat naman ako kasi biglang tumili tong katabi ko
“ Hoy anuba! Ang sakit sa tenga! ”
“ Ay sorry te! Kasi naman tong si Christian, naka 3 points bago matapos yung time. Aaaaaah!!!!!! ”
“ TALAGAA!!!?? Aaaaaaaaaah!! ” tapos pinagpapalo ko siya sa braso sa sobrang tuwa ko xD
“ Aray ko teh! Ang brutal mo masyado!! ”
“ Hahahaaha. Peace xD Natuwa lang ako masyado (^_^)V”
Christian’s POV
“ 10…. 9….. 8….. 7….. 6…..5 ” anak ng teteng! Nagbibilang na yung referee. Shet naman kasi ang lalaki ng kalaban ko dito, di ko sure kung pag binato ko to eh mag sho-shoot ba
“ GO CRISTIAN!! I-SHOOT MO NA YAAAAAAN!!! ” nagulat ako sa narinig kong sumigaw. Paano ba naman kasi, kahit ang daming nagtitilian, boses niya talaga yung nangibabaw sa lahat.
“ Go Christian, kaya mo yan ” pag che-cheer ko sa sarili ko
“ 4….. 3…. 2…. ”
Shooooooooooooooooot shet sana umabot. Sana umabot!!
“ 1!!! ” nakapikit na ako nung binanggit yung last number na yun pero nagulat ako sa tilian ng madaming tao. Pag mulat ko ng mata ko, nalaman ko na umabot pala yung last shot ko sa 3 points!!
Nakangiti akong tumingin sa upuan ni Kim kaso ngalang nagulat ako dahil kasalukuyan niyang hinahampas yung katabi niya. May kaaway nanaman kaya siya??? Mamaya nalang ako mag tha-thank you sa kanya :)
Dismissal
Nag-aabang ako dito sa may labas ng gate, sabi kasi nila hindi pa naman daw umuuwi si Kim kaya inaabangan ko nalang siya lumabas dito. At sakto naman dahil, palabas na rin siya ngayon
“ Kim!!! ”
“ Uy Christian! Congrats ah!! ”
“ Salamat. Congrats din sayo, kasi natanggap ka sa Glee Club diba?? ”
“ Hahaha, oo eh. Well, sorry nga pala sa ginawa kong pagsigaw sayo ah. Nadala lang ako ng galit ko nun ”
“ Ayos lang. Di naman ako talaga, nagalit nun. Tama ka naman eh, siguro kung di kita kinulit nun, edi hindi ka napagtripan ”
“ Wala yun. So, friends na ulit tayo?? :)”
“ Syempre naman :D ”
After naming mag-usap, bumili kami sa kanto ng streetfoods, katulad lang nung dati tapos nagkwentuhan. Kaya ko pala siya nakitang nakatira sa malaking bahay at nakasakay sa mamahaling sa sasakyan ay dahil sa kaibigan niyang si Daniel. Aaminin ko, medyo nagselos ako kasi mas close sila kesa samin. Pero sabi niya na friends at magkapatid lang daw ang turing nila sa isa’t isa. After naming magkwentuhan, hiningi ko yung number niya at umuwi na rin pagkatapos. Pagod na rin kasi ako dahil nga dun sa try outs.
To : Kim ^_^
Goodnight Kim! See you tomorrow :)
Pagkatext ko nun, natulog na rin ako agad ng mahimbing
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Kim’s POV
From : Christian :D
Goodnight Kim! See you tomorrow :)
Haaaaay. Sa wakas! Friends na kami ulit ni Christian :D
A/N : Kung may typos man, pagpasensyahan nalang :D
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...