Chapter 46 : Revelation

54 4 0
                                    

Chapter 46 : Revelation

Christian's POV

Kausap ko ngayon ang kuya ko. Pano ba naman kasi, pag tingin ko sa 10 Steps, ang nakita kong susunod ' Have a Fight with her. '

Me : Pwede bang wag ko ng gawin yung Step 6 & 7?

Vince : Bakit naman? Importante yun, para may thrill sa panliligaw.

Me : Eh, kakabati nga lang namin. Isang buwan nga akong di kinausap e.

Vince : Hahaha. Ganun ba? Sige na, wag mo ng gawin yan. Kakabati niyo lang pala.

Me : So, proceed na ako sa Step 8?

Vince : Malamang, nainlove ka lang di ka na marunong magbilang?

Me : Baliw. Ge. Nahihirapan lang kasi ako kung paano ko siya ililigtas e wala namang banta sa buhay niya.

Vince : Bahala ka na jan. Ge. Bye na. May trabaho ako.

Saturday ngayong araw. Syempre, walang pasok. Wala tuloy magawa. Idagdag pa yung 1 Week na walang pasok next week. Pahinga daw muna.

' Christian? '

' Bukas po yan, Ma. '

Pumasok na si mommy sa kwarto ko. Ano kayang meron?

' Birthday ni Abigail sa Monday diba? In-invite niya tayong pumunta. We cant say no. '

' Alam ko naman po yun. Walang problema dun. Pupunta po ako. '

' Sure? Yacht party yung gustong gawin ni Abi. '

' Po? '

Nagulat ako sa gustong theme ni Abi para sa birthday niya. Seryoso? Pagkatapos ng nangyari sa kapatid niya, gusto niya pang magkaron ng yacht party?

' Pupunta ka naman diba, Christian? '

' I'll try. '

' Hindi pwede. Kailangan nating pumunta. '

' Okay. I will. '

-

Nandito ako ngayon sa Mall, naghahanap ng pwedeng regalo para kay Abi. Hindi naman mahirap hanapan ng regalo yun e.

Pumasok ako sa isang shop, kung hindi ako nagkakamali, dito mahilig bumili si Abi ng mga sapatos.

Hiningi ko nalang sa babae yung pinakabagong design at sinabi yung size. Ayoko namang magtagal dito, baka mapagkamalan akong bakla.

Palabas na sana ako, nung may nakita akong isang sapatos. Simple lang naman. Black yung color, pero yung heels niya, puno ng studs.

' Kukunin niyo rin po ba, Sir? Limited Edition lang po yung ganyang design at konti na lang po yung stock. '

' Sige, size 8. '

Wag niyo na ako tanungin kung paano ko nalaman, hindi ko naman sya stinalk. Naalala ko lang, nung binilhan ko siyang damit. Tinanong ko yung nagtitinda nun kung ano kaya yung size ni Kim. Kaya ko nalaman.

Kim's POV

Kanina pa ako paikot ikot dito sa kwarto ko. Pano ba naman kasi, parang may nararamdaman akong mali. Ewan ko ba.

' Huy Kim. May problema ka ba? '

' Wala naman. Nagtataka lang ako, niyaya kasi ako ni Abigail na sumama sa yacht party niya. '

My Long Lost Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon