Chapter 8 : Bonding Moments
Christian's POV
Ano kayang dahilan nun kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin yung name niya? Kahit ano kasing isip ko ng rason, wala pa ring tumutugma eh. Kung takot siya na kung anong gawin ko sa kanya, bakit okay lang sa kanya sumama siya sa akin? Waa. Hirap mag-isip ng rason. Wala kasi talaga eh.
Haaaay, ano ba yan. Maghahanda na nga lang ako ng isusuot ko bukas. Gusto ko kasing maging presentable diba. Di ko na kailangang gustuhin na maging gwapo ako. Gwapo na mana kasi ako eh :D
Ang tagal naman niya. 3:30 na kaya. 3:15 ang usapan namin ah. Ayoko pa man din sa lahat yung pinagaantay ako sa isang public place. Paano ba naman kasi, madaling makaakit ng babae yung kagwapuhan ko. Katulad ng mg babaeng nakapaligid sa akin ngayon. Akala siguro nila di ko napapansin na kanina pa sila kuha ng kuha ng pictures ko. Buti nalang mapagbigay ako. Pictures lang naman eh :D
After 30 Minutes, nakita ko na siyang tumatakbo papalapit sa akin. Lolokohin ko sana siya na nagagalit ako sa kanya dahil nag-hintay ako ng matagal, kaso nung mas papalapit na siya sa akin. Parang miski yung joke na "galit" hindi ko magawa. Bigla kasing tumibok yung puso ko ng napakabilis.
Mahal ko na kaya siya? Siya na ba yung babaeng magpapamove on sa akin kay Coleen??
" So *breaths* Sorr *breaths* "
" Teka nga, umupo ka muna at huminga ng maayos bago ka mag salita okay? "
Kasi naman eh, kada syllable hinga, madagdagan ng isang letter hinga ulit. O diba? Ano pang naintindihan ko dun. Atsaka mas okay na rin to. Parang nanlalambot na rin kasi tuhod nito. Mukhang ang layo sobra ng tinakbo eh.
" Eto na, Sorry ah. May pinagawa pa kasi sa amin yung mga teachers kaya ako na late. Sorry. So, lika na start na tayo. "
" Ah eh, dun na lang tayo sa coffee shop na yun para makaorder tayo ng maiinom at makapag palamig na rin "
Dinala ko na siya dun sa tinuturo kong coffee shop. Kawawa naman to, talagang nagmadali siya para lang mapuntahan ako. Yiee. Kinikilig ako. :> Ay Takte!! Nababakla na ako >.< Dibale na nga lang. Ang ganda talaga niya, ang sarap niyang titigan. Pero, natatawa din ako. Paano ba naman kasi ang gulo ng buhok niya napupunta na sa maganda niyang mata.
" Tignan mo yung buhok mo oh, nasa mata mo na. "
Inayos ko yung buhok niya. Yung tipong nilagay ko sa gilid ng tenga niya. Bakla na ata ako, natutuwa na akong ayusin yung buhok niya eh. HAHA Pero kung bakla man ako, atleast pogi pa rin ako diba. Atsaka, may bakla bang nagkakagusto sa babae? Ano ba yan! Puro bakla iniisip ko ah. Guilty ata ako? Psh
" Ayan ayos na. Mas maganda ka na ulit tignan "
" Ah eh. Salamat :) Start na tayo? "
Her smile. Aahh, parang pwede na akong pumunta sa langit pag nakikita ko yung magaganda niyang ngiti. Pero syempre, wag muna. Kung pupunta na ako, paano ko pa makikita yung mga susunod pa niyang ngiti? Atsaka pag nawala ako ng maaga, edi mababawasan ng 1 gwapong lalaki sa mundo diba?
After 1 hour natapos na kami mag-aral. Grabe, di ko inexpect na ang talino pala niya. Grabe, mas lalo pa akong nainlove. Maganda, Mabait, Sweet, Masarap Kasama, Matalino pa. O diba? Package na siya eh.
Dahil tapos na kami, gusto na niyang umuwi agad. Kaso ayaw ko pa eh. HAHA >:D< Dahil nga ayaw ko pa siyang umuwi, sabi ko mag kwentuhan muna kami tutal pumayag naman ako na hindi ko malaman pangalan niya. Sabi ko nalang, para kahit papano may alam ako tungkol sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
MizahLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...