Continuation of the previous part …..
Kim’s POV
Wednesday
Ano naman kayang gagawin nila sa akin ngayon?? Yan ang tanong ko habang papasok sa school. Kung kahapon nilagyan nila ng pulang pintura palda ko, ano naman ngayon?? Haaay. Pagpasok ko ng room nakita ko na silang lahat na nakaupo sa kanya kanya nilang upuan. Medyo kinabahan tuloy ako kasi baka may ginawa nanaman sila or gagawin pa. Pero nung nakaupo na ako sa upuan ko wala namang nangyari kaya medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Tinignan ko si Christian pero still, di niya pa rin ako pinapansin. Maya maya pumasok na yung teacher namin. Introduction sa swimming lessons pala kami ngayon. At kaya pala tahimik ang lahat ay dahil yung teacher namin dito ay strict.
“ Okay class, pumunta na kayo sa may pool at magpalit na kayo ng mga proper swimsuits niyo. Lahat yun nakaprovide na sa mga lockers niyo diba? ”
“ Yes Ma’am! ”
Habang papunta sa pool, ingat na ingat ako sa mga kilos ko kasi baka anytime may kung anong gawin nanaman sila. Pero hanggang sa makapagpalit ako wala pa rin namang nangyayari kaya mas nakahinga na ako ng maluwag. Takot ako lumangoy pero sa tubig dagat lang yun sa mga pools na katulad nito hindi naman. Pero aminado ako na hindi ako magaling lumangoy. Kunbaga, may alam lang.
“ Okay class, that’s all for today. Introduction lang naman kaya okay lang yung sa mga hindi pa masyadong marunong mag-aral kayo sa mga bahay niyo okay? And Miss Kim, isa ka na dun ”
“ Yes Ma’am ”
Medyo may narinig akong nagtawanan nung binanggit yung pangalan ko. Ay nako, kung alam lang nila kung bakit. Haay, pero kunsabagay wala din namang magbabago kung alam nila na naaksidente ako dati kaya di ako magaling lumangoy. After matapos yung klase, nagsipuntahan na kami sa locker room para magpalit ng damit. Nagulat naman ako kasi bigla akong tinawag ni Anna.
“ Ate Kim, pwede niyo po ba akong tulungan?? ” aminado akong isa din tong si Anna sa nakikiasar sa akin. Pero hindi naman ako katulad ng iba na naghihiganti kaya okay lang na tulungan ko siya.
“ Ah sige. Ano ba yun?? ”
“ Yung kwintas ko po kasi, nalaglag po ata sa may gilid ng pool. Kaso di po ako makalabas kasi di pa po ako nakakapgpalit ”
“ Ah sige sige. Ano bang itsura nun?? ”
“ Silver po siya tapos yung pendant heart. Thank you po ah ”
Lumabas na ako para hanapin yung kwintas niya, naikot ka na yung buong gilid ng pool pero wala pa rin akong nakikita, kaya sinubukan kong sumilip sa mga gilid ng pool kaso ngalang nung naikot ka na ulit at patayo na sana ako, biglang may tumulak sa akin kaya nalaglag ako sa pool.
“ Tulong tulooong! Ahhhh!! ” sigaw ko kada lumulutang ako ng konti at tinataas ko yung kamay ko. Masyado na ring masakit yung mata ko kaya blurred na yung paligid pero nagulat ako kasi biglang may umabot ng kamay ko at inahon ako. Kaso ngalang bigla din siyang umalis at hindi ko na nakita yung mukha niya. After ilang minutes, lumabas na rin yung mga classmates ko at nakita ko yung iba sa kanila nagtatawanan. Kasama na si Anna. Ugh, plano nanaman nila to para pagtripan ako >.<
Thursday
Uwian na ngayon. Mukha namang wala nang mangyayari ngayon kasi tapos na yung klase. Pauwi na sana ako kaso bigla akong tinawag ni Gemma.
“ Kim. Sorry nga pala sa mga pinaggagawa naming sayo nitong mga huling araw ah ”
“ Sige okay lang yun. Pero sana hindi na maulit ”
“ Opo. Actually gumawa nga kami ng paraan para makabawi sayo eh. Puntahan mo daw po si Christian sa may stock room dun sa lumang building. ”
“ Bakit daw dun?? ”
“ Para daw po walang manggugulo sa inyo ”
Bakit naman dun? Yung lumang buiding ang pinakanakakatakot na puntahan na buiding dito sa univ, Extra lang naman kasi yung building na yun kaya walang gumagamit. Bakit pa kaya dun?? Natatakot ako ah! Dibale atleast magbabati na kami ni Christian diba? Nung nasa tapat na ako ng stockroom biglang may lalaking tumulak sa akin kaya sumubsob ako sa sahig at nagulat dahil sinara yung pinto. Triny kong tumawag kaso buset! Walang signal dito.
“ Tuloooong! Tulooong! Please kung may tao man jan! May tao dito! Tulong ”
Umiiyak na ako dito kakaantay kasi isang oras na akong sigaw ng sigaw pero wala pa ring nakakarinig sa akin. Shiit! T^T
After 1 hour, biglang bumukas yung pinto at may pumasok na lalaki pero hindi ko makita yung mukha niya. Medyo natatakot ako kaya ang nasabi ko lang sa kanya ay isang ‘thank you’. Pero bago siya umalis may sinabi siya sa akin.
“ Naranasan ko din yang mga naranasan mo. Kung hindi mo papakita sakanilang matapang ka, di ka nila titigilan. Sorry nga pala kung ngayon lang kita natulungan. 2hours kasing nagbabantay sayo yung nagkulong sayo dito ”
Pagkasabi niya nun. Bigla nalang siya umalis. Sobrang thankful ako dito kay Mystery Guy. Tama siya dapat nga na ipakita ko sa kanila na kayak o silang labanan. Tototohanin ko na talaga to. Makikita na nila kung pano maging matapang at palaban ang isang katulad ko .
A/N : Eto na po!! Tatry ko kung makakapag UD pa ako ulit ngayon :D
BINABASA MO ANG
My Long Lost Bestfriend?
HumorLahat naman siguro ng tao, may maituturing na bestfriend. Kasama mo sa mga kakulitan. Kalokohan at kaharutan. Pero pano kung bigla siyang kinuha ni Tadhana? At paano kung kahit ilang beses mo na siyang kalimutan, di mo magawa. Kasi, narealize mo na...