Flashback.....
"Aaahhh...." hikab ko. Bakit parang ang bigat naman ng nakadagan sa akin? Ng maimulat ko ang mga mata ko, kaakit akit ang una kong nasilayan. Ang mahimbing na natutulog na si ate chel. Halos magkalapit na ang mga mukha namin. Kalahating katawan nya ang nakadagan sa kin. Suot nya ang paborito nyang red nightie. Halos nakalislis na nga ito at tanaw na ang panty nya. Nakatanday naman ang kamay at legs nya sa akin. Hmmmmnnnn.. Ang swerte ko naman... Haiz Jovs! Ano ba kasing iniisip mo?
Dahan dahan kong hinaplos ang maganda nyang mukha.
"Ate chel, pwede bang sayo nalang ako?" bulong ko.
Bigla nyang idinilat ang mga mata nya. Nakatingin lang ito at napangiti. Narinig kaya nya?
Lalo pa nyang hinigpitan ang pagkatanday nya sa akin at pumikit ulit. Pwede bang di na matapos ang oras na ito? Patuloy lang ako sa paghaplos ng kanyang mukha. At ang labi nya...... Sobrang namiss ko...
Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko para halikan sya... Konti nalang at magkadikit na ang ilong namin. Kaya ipinikit ko narin ang mga mata ko. Mahahalikan narin kita....
"Jovs!" gulat ko sa narinig ko kaya napadilat na ako. Gising na si ate chel.
Bigla itong napaupo at inayos ang suot nyang pantulog. "Umaga na pala.... Baka hinahanap ka na." sabi nito at agad tumayo.
"Ha.... Nagpaalam naman ako."
Umiiwas ka ba ng tingin sa akin?
"Pero kelangan mo ng umuwi.... Ka- kasi aalis pa ako..."
"E di sabay na tayong lumabas." sabi ko at bumangon narin.
"Hi-hindi,... Mauna ka na..." pilit nito.
Para naman tong ewan at pinapaalis nalang ako agad. "Di mo ba ako paghahanda ng breakfast?... Nagugutom na kasi ako."
"Wala akong stock sa ref." agad nyang sagot.
"Ha?.... Ang dami kaya.... Nakita ko kagab...."
"Matagal ng stock yon." singit nya.
"E di kape nalang..."
"Jovs!.... Umuwi ka na!" napalakas ng boses nito. Mukhang nairita na.
Di na ko umimik at dumiretso na akong banyo. Naghilamos nalang ako at nagtoothbrush. Inayos ko ng gamit ko at lumabas ng kwarto. Kaloka... Palayasin ba... E di sige... Makaalis na nga!
Naabutan ko syang nagtitimpla ng kape.
"Alis na ko ate chel.... Salamat." paalam ko.
"Magkape ka na muna." bawi nito.
Aba... Natauhan bigla....
"Okey lang.... Sa bahay nalang." agad kong sagot.
"Saglit lang naman to.... Dito ka narin magbreakfast." dagdag nito.
Aba.... Me breakfast na rin....
"Hindi na.... Salamat... Baka hinihintay na ko..."
"Ano ka ba?" sigaw nito. "Nag iinarte ka pa... Eh pagluluto na nga kita!" alma nito.
"Ikaw kaya tong praning!" napataas narin boses ko. "Kanina... Pinapalayas mo na ako... Tapos ngayon kakambyo ka!"
"Eh... Ka- kasi...."
"Eh kasi ano?" sigaw ko.
Natigilan ito. Bakit ba kami nag-aaway? Kaaga-aga. Haiz!
"Sorry na.... " nahihiyang sabi nito at nagsimula ng magluto. "Inumin mo na ang kape mo... Baka lumamig pa."mahinahong sabi nito.