Part 47

853 23 0
                                    


San Juan Arena

Kahit medyo alanganin ang laro ko, nagawa parin namin maipanalo laban sa phil navy. Di ko nga inaasahan na ako pa ang tatanghaling player of the game.

"Jovs... " tawag ng isang crew. "Ikaw na isasalang sa AskVolleybolista corner... Si aly ang magiinterview sayo."

"Ha?... Bat..."

"O bakit ayaw mo?" ngiti ni aly ng makalapit sa akin. "Kala mo ha!"

"Kung mamalasin ka nga naman. Ayusin mo mga tanong mo ha?" bilin ko at napakamot nalang ako sa ulo.

"Takot ka no... Meron naman silang binigay na mga questions pero... Pwede daw din ako magtanong." nakakalokong ngiti nito.

"Okey start na tayo." kaway ng crew. "on que..."

"Hi Jovs... Buti naman at nabigyan kami ng pagkakataon na mainterview ka." panimula ni aly pero halatang natatawa ito kaya pinipigilan ko nalang ding matawa. "Excited ka naman ba sa ating interview."

"Syempre naman... At hindi ko akalain na ikaw mag iinterview sa kin." natatawang sagot ko. Hirap magseryoso pag eto kaharap ko. Haiz!

"Gusto pala namin malaman kung pano ka nagsimula.... As a volleyball player... Lalo na ngayon at maraming gustong makilala kung sino nga ba si Jovelyn Gonzaga."

"Talaga lang ha."

"Umayos ka..." pabulong na sabi ni Aly.

Natawa nalang ako. "Simula pa noong bata pa ko... Hilig ko na talagang maglaro ng volleyball.. Kaya nung me pagkakataon sa school namin na makapaglaro... Sinubukan ko na agad."

"Pwede mo ba sa min ikwento kung pano ka nagsimulang maglaro para sa Phil. Army?" medyo naging seryoso na ito pero ako pigil ko parin ang tawa ko.

"Nagsimula yun nung naging guest player ako ng St. Benilde sa SVL nun... Tapos nakita nga ako ni coach kungfu kaya inimbitahan nya akong maglaro para sa Army sa Tuguegarao. Uhm... Dun nagsimula tapos ng makapagtapos ako ng college, inalok nila ako kung gusto kong maging enlisted personnel ng phil army." kwento ko.

"Marami nga rin nakapagsabi noon nung unang salang mo palang, maraming namangha sa husay mo.  Naging madali ba para sayo na mapabilang sa Powerhouse Team?"

"Mahirap nung una... Kasi lahat sila magagaling... Pero naging kampante naman agad ako kasi magaan silang pakisamahan." kwento ko... Pwera lang ke Chel... Sungit kaya non at sobrang ingay pa.

Biglang natawa lang si Aly kaya natawa narin ako. Pareho siguro kami ng iniisip.

"Eh... Jovs... Ito.." nangingiti parin ito. "Ito galing sa mga fans... Mga tweets nila... Me nagtanong dito kung me.... " biglang natigilan ito.

"Ayusin mo kasi..." tapik ko sa binti nya. Hinahayaan nalang kami ng crew na naglolokohan. Hirap ng live!

"Eto... Uulitin ko nalang... Me oras pa ba sa love si bionic gwapa... Tweet yan ha.." tawa nito.

"Yung next question nalang..." hirit ko.

"Aba... Ako ang nagtatanong... Sagutin mo muna!" tawa nito at nagtawanan din ang mga taong nakapaligid sa amin.

"A... "

"Gusto mo akong sumagot..." biro ni Aly. "Haha... Anong sagot mo?"

"A... Eh..."Hirap sagutin lalo na't di pa open for public ang relasyon namin ni chel. "Meron naman."

Biglang tawa si Aly. "Kala ko... Erase erase... O sige next tweet... Actually marami sila ha." sabi nito habang tinitingnan ang mga tweets sa hawak nyang tablet. "Maraming nagtatanong kung kelan daw... Kelan daw ulit magtatambal ang Gonzaquis duo."

"Ako bang tinatanong mo?" biro ko.

"Ah.. Eh hinde... Syempre ikaw!.. Ano ba?" hampas nito sa tuhod ko.

"Ako ba?" tawa ko. "Ah.. Eh.. Sya nalang tanungin mo." ngiti ko.

"Ikaw ha... Showbiz.." sabi nito. "Maraming nagsasabi na hindi daw buo ang team Army pag wala si Rachel Anne Daquis... Marami ring nagsasabi na miss na nilang makita si Rad sa Army... Ang tanong... Ikaw... Namimiss mo rin ba si ate chel?" ngiting ngiti Ito."Tweet talaga yan ha..."

Napangiti nalang ako. Miss? Sobra... Kahit magkasama kami sa iisang bubong, sa iisang kama natutulog... Pero... Pero bakit ganon? Parang ang layo nya... O ako ba ang lumalayo?

"Jovs..." tapik ni aly.."Nu sagot mo?"

"Ha?... A eh... Lahat naman talaga mamimiss sya... Buong Army Team namimiss sya." sabi ko nalang.

"Ehem.. Showbiz..." loko nito. "Haiz! Ang dami dami pang nagtwetweet... " biglang baling ni Aly sa sumesenyas na crew. At tumango nalang ito. "Jovs... Gustuhin man namin basahin lahat ng tweets kaso kulang na tayo sa oras..."

"Buti naman..." sa wakas tapos narin.

Natawa nalang si Aly. "Kainis ka.... Teka... Pwedeng last nalang?" hirit ni aly sa segment producer at tumango naman ito. "Kala mo ha... Eto uhm... Kanina ko pa kasi binabasa mga tweets para sayo... Galing ito... Ke... Team daquis.... Ang tanong ay... Me tampuhan ba daw kayo ni RAD?" napailing na natatawa ito.

"Ayusin mo kasing tanong mo!" hatak ko sa braso nya.

"Nu ba?... Totoo.... Eto o.. Basahin mo pa." sabi nito at pinakita sa kin ang tweet. "So... Sagot?" ngiti nito na halatang inaabangan ang sagot ko.

Ano nga ba?... Tampuhan?... Hindi ko rin alam... Isa lang naman ang gusto kong malaman... Kung ako parin ba ang tinitibok ng puso nya?

"Jovs..." tawag ni Aly.

"A.. Eh pwedeng bumati... Wala ka ng oras oh." palusot ko. "Binabati ko ang aking dalawang anghel... Si baby Jaz at baby Pat... Hi!"

"Daya mo!... Sige na nga... Thank you Jovs... "

"Cut!" sigaw ng crew. "Kaloko kayo ha." ngiti nito.

"Si Jovs kasi... Pashowbiz!" alma ni Aly.

"OA mga tanong mo kaya." sabi ko nalang at inakbayan ito. "Libre mo ko... Gutom na ko."


----
"Jovs... Buti nakarating ka na." bati ni yaya.

"Grabe galing mo kanina" sabi naman ni yaya licelle. "Nakakatawa rin yung interview portion mo."

"Oo nga eh..." sabi ko nalang. "Yung dalawa?"

"Tulog na... Sa crib sa kwarto nyo." sabi ni yaya kaya agad akong pumasok ng kwarto. Miss ko na mga anghel ko.

Nilapag ko ang bag ko sa sahig.

"Jovs... " tinig ni chel mula sa banyo. "Kumain ka na ba?" lapit nito at hinalikan ako sa labi. "Galing ng baby ko kanina." at yumakap ito.

"Na...napanood mo?" ilang kong sabi.. Hindi ko akalain na maaga syang makakauwi.

"Oo... Pati yung lokohan nyo ni Aly." sabi nito at hindi parin bumibitaw sa pagyakap nya sa kin. "Jovs... Hindi mo naman sinagot lahat ng tanong ni Aly. "

"Loko loko lang yung mga tanong nun... Si Aly ka pa!" sabi ko nalang at gusto kong iwasan pag usapan ang interview kanina kaya humakbang akong palayo at kinuha towel ko.

"Jovs... Kung ...kung a-ako ba ang magtatanong sa iyo nun.... Sasagutin mo ba?" nauutal na sabi nito.

Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya. "Maliligo muna ako."

"Jovs..." pigil nito sa braso ko. "me problema ba tayo?... Bakit napacold mo lately? Me nagawa ba ako?"

Di ko nagawang lumingon sa kanya. Me nagawa ka nga ba? Naramdaman ko nalang ang hapdi sa puso ko. Na parang natatakot ... Natatakot akong malaman.... Na magagawa mo akong ipagpagpalit... Ke John...

Pilit nya akong pinaharap sa kanya,"Jovs...  " at tumulo na ang luha sa mata nya. "Jovs... Sobrang miss na kita."


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon