Part 3

1.2K 31 0
                                    

Paniniwalaan mo ba ang nararamdaman mo kung alam mo naman na walang patutunguhan? Lalo na kung nagsimula lang naman ito sa isang panaginip? At malinaw naman kung gaano kahirap ito dahil nakita mo na ang buong naganap sa panaginip palang. Pero bakit ganon? Hindi naman din lahat ng nangyayari ay umaayon sa panaginip mo.

"Jovs.... Layo ng isip ah." tapik ni Tin at umupo sa tabi ko. "Wag mong sabihin, napapaisip ka parin sa panaginip mo?"

"Ha?.... Hindi..." tangi ko.

"Ay sus... O sige si Alex nalang iniisip mo." biro nito.

"Yun nga eh... Ni minsan hindi ko napanaginipan si Alex."

"Kitam.... Wag mong sabihin me iba kang napanaginapan ha?... Kilala ko ba yan?" usisa nito.

"Ehhh..." sasabihin ko bang si ate chel ang napanaginipan ko? "Teka muna pala.... Gaano katotoo na kabaliktaran ang ngyayari sa panaginip?"

"Actually, sabi ng iba... Pag gabi mo ito napanaginipan... Kabaliktaran ang mangyayari" paliwanag nito. "Pero kung madaling araw mo naman ito napanaginipan, magkakatotoo yon."

"Ganon?.... E pano kung tuloy tuloy lang yung panaginip mo at nagising ka nalang ng umaga na?"

"Hahaha... Teka nga.... Sino ba kasi yan ha?"

"Sagutin mo muna tanong ko." pilit ko.

"Hindi ko rin alam... Hahaha!" tawa nito. "Baka half half... Pwede  mangyari o kabaliktaran yung iba."

"Ahhh.... Kaya pala."

"Kaya pala ano?"tanong nito. "Sino ba kasi?"

"Hindi mo kilala!" sabi ko nalang.


Flashback......

"Lover ko."

Napatingin lang ito at biglang....

Paaaakkkk....

"Aray! Bakit mo ko sinampal?" daing ko ke ate Chel.

"Binabastos mo ba ako?" sigaw nito. "Iniisip mo bang porke close tayo me gusto na ko sayo!"

"Ano ka ba!... Sinabi ko bang me gusto ka!... Sinabi ko lang naman kung ano ka sa panaginip ko ah!... Tinanong mo tapos ngayong sinabi ko, sinampal mo naman ako!" galit ko.

"E kasi pinagpapantasyahan mo siguro ako kaya mo napanaginipan yon!"

"Bakit ko naman gagawin yon? E type ba kita?... Me boyfriend ako, at sya ang madalas kong naiisip at hindi ikaw!"

Natahimik nalang ito. Pero matalim parin ang tingin sa kin. Haiz! Bakit ko pa kasi nasabi.

"Uuwi nalang ako!... "Sambit ko. "Wag mo narin ibigay pasalubong mo! Saksak mo nalang sa baga mo!" todo walk out na ko. Kaimbyerna! Haiz!

"Teka... " habol ni ate chel ng palabas na ko sa unit nya. Pero deadma ang peg ko. Paki ko sayo!

"Jovs..." pinigilan ako sa braso. "Sorry.... Nabigla lang naman ako."

"Nabigla rin ako sa sampal mo!" sagot ko at hinarap sya. "Kalimutan mo na yon!... Sige na uuwi na ko." sabi ko nalang para di na lumala ang alitan namin.

"Sobrang late na..." sabi nito na nakahawak parin sa braso ko. "Dito ka na matulog."

"Baka masabi mo pang marape kita... Wag na!"

"Ano ka ba! ... Concern lang naman ako... "sabi nito sabay hatak sa kin papasok sa unit nya. "Wag ka ng mag inarte. O sige... Sampalin mo nalang ako para quits na tayo."

"Aba.... " sampalin ko kaya ito? Kaso hindi sampal ang gusto kong ipadama sa kanya.... Haiz Jovs! Ano ba kasing iniisip mo!

"O ano?.... Sampal na!" at inilapit pa nito ang mukha nya.

Magagawa ba kitang sampalin?... E never nga kitang sinampal sa panaginip ko..

"Hindi na..." sabi ko nalang."Hindi mabigat kamay ko... Baka ako pa ang masaktan."

"Sure ka?.... So bati na tayo?" ngiti nito.

Haiz! Bakit ba nakakatunaw ang ngiti mo? "Oo na.... Basta wag mo lang uulitin yon ha."

"Opo... Halika na... Maligo ka na ng makatulog na tayo."

"Tingnan mo.... Ikaw nga tong me pagnanasa!" bulalas ko.

Bigla naman akong hinampas. "Ikaw ha!... Walang ibig sabihin yon!"

"Ayan ka na naman eh... Kasasabi ko lang."

"Hehe.... Sorry na... Hindi naman malakas eh.... Sige na maligo ka na." at pinagtulakan ako papasok ng banyo. "Eto towel at damit... Me undies na rin yan."

"Bago ba to?"

"Oo no... Me extra ako dito... Alangan naman pati panty ko ipahiram ko sayo!"

"Naniniguro lang."

Nakalipas ang thirty minutes, natapos narin akong maligo.

Asan kaya yung suklay ni ate chel? At asan na rin kaya ang babaeng yun? Kaya minabuti ko nalang lumabas ng kwarto. Aba, nagkakape pa eh gabi na. Teka..... Parang nakita ko na to?

Dahan dahan akong lumapit sa kanya sa kusina. Ayun pala yung suklay sa buhok nya.

"Ate..." sabi ko sabay kuha sa suklay sa buhok nya.

"Aaayyyy!" sigaw ni ate chel at naibuhos sa kin ang kape.

"Sheeeetttt!.... Ang init!" sigaw ko dama ang mainit na kape sa braso ko.

"Ay sorry... Ikaw kasi ginulat mo ko."

"Bakit ba puro kamalasan dinanas ko sayo!" daing ko sa sobrang hapdi.

"Teka... Itapat mo braso mo dito sa gripo." sabi nito at inalalayan ako na basain ang braso ko. "Ikaw naman kasi eh... Lagyan nalang natin ng ointment"

"Haiz... Papatayin mo ba ako?"

"Sorry na nga." sabi nito at inakay na ko papasok ng kwarto. "Umupo ka muna dyan... Kunin ko lang yung ointment."

Haiz! Ang hapdi... Kainis naman.. Bakit ibang iba sa panaginip ko? Dapat nga nghahalikan na kami nun gaya sa panaginip. Bakit kabaliktaran naman ngyayari?

"Eto..." tumabi sakin at pinahiran ng ointment ang braso ko. "Di yan mgtutubig... Magaling tong gamot ko." dugtong nito sabay hinipan ang braso ko para mabawasan ang hapdi.

Nakatingin lang ako sa kanya. Ang sarap nyang batukan pero di ko magawa. Haiz Jovs! Babae ka at mahal mo si Alex at hindi pwedeng umibig ka sa babae.

"Mahapdi parin ba?" pag-aalala nito habang patuloy lang sa pag-ihip sa braso ko.

"Medyo okey na." sabi ko. Bakit ba lalo kang gumaganda sa paningin ko? E dati di naman ako nagagandahan sayo. Maputi ka lang.

"So okey ka na ha." ngiti nito at hinawakan pisngi ko. "Matulog na tayo."

"Siguro bang wala kung ano dyan? Baka me patibong ka dyan ha!"

"Praning ka talaga." tawa nito at hinila ako sa kama.

"Teka...Ayyy!" na out of balance ako at napadagan sa kanya. Eto na ba yon? Simula na ba ng first making love namin?

Nakapako lang ang tingin namin sa isa't isa. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko. Hahalikan ko na ba sya? Hindi parin kami kumikilos. Jovs! Ano ba? Gagawin mo ba?

"Jovs... Ang bigat mo!" sabi nito at tinabig ako.

"Ah... Sorry... Ikaw kasi... Hinila mo ako."

Di na sya umimik at tila umiwas ng tingin sa kin. Bakit kaya?

Binuksan nalang nya ang lampshade sa gilid at pinatay ang ilaw sa kwarto. Agad narin itong nahiga ng patalikod. "Good night."

Yon na yun? Matatapos ang gabing ito na walang mangyayari sa min? Kaya nahiga narin ako.

"Jovs..." mahinang sabi nito.

Jusme.... Eto na siguro... Haharap na to para halikan ako. "Yes..." pa bedroom voice pa ang epek.

"Pakipatay ang lampshade."

"A... O sige." ganun? Haiz Jovs! What a night!

Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon