Hold to talk... Then throw your message into the sea... Or type your message.... Ahhh type nalang...
Do dreams happen in real life?
Ithrow daw.... Hmmmnnnn.... Tingnan nga natin kung me kukuha ng message ko...
Aba... Me sumagot nga....
At me sumunod pa...
Haiz kaloka naman tong drift a bottle ng we chat.... At talagang me sasagot ha... Kaso mga taga ibang bansa... Wala ka na talagang magawa sa buhay mo Jovs!"Jovs!" sigaw ni Tin at lumapit sa kin. "Tingnan mo bagong shirt ko, pasalubong to ni ate chel nung bumalik sya galing canada."
"Bakit ako wala?"
"Haha... Eh wala ka pa kasi dito nun nung dumating si ate chel."
"Kahit na... Asan ba sya?" tanong ko.
"Nasa gym... Nagboboxing."
"Tara.... Hindi pwedeng wala ako no!" angas ko at dumiresto na ko papuntang gym.
"Ate chel." sigaw ko ng namataan ko agad sya sa gilid na inaalis ang boxing gloves. Whew.... Bakit napakalakas naman ng hatak sa kin nito? Kakabighani talaga sya kahit pawis na pawis.
"Oh... Kaw pala." sabi nito habang pinupunasan ang pawis nya sa mukha. Maya maya pa, inangat nya ng bahagya ang suot nyang sando para mapunasan ang katawan nya. Shet.... Parang nahalikan ko na yan ah. Napalunok nalang ako.
"Oh.. Bakit ba?" nakatingin na ito sa kin.
"E kasi.... Kasi..." ano nga bang sasabihin ko? "Ah... Bakit wala akong pasalubong?" padabog kong tanong.
"Aba... Demanding ka rin ano?... Wala ka kasi dito nung dumating ako. E kahapon me dala ako, bigla ka naman nawala after lunch..." alma nito.
"E kasi sinundo sya ni boyps!" singit ni Tin.
"E kahit na... Pero dapat bigyan mo pa rin ako." diin ko.
"Si alex dumating?" tanong ni ate chel.
"Oo..."
"E di sa kanya ka nalang humingi ng pasalubong!" angas nito at bigla nalang naglakad palayo.
"Ano ngyari don?" napakamot nalang ako.
"Kaw kasi... Actually, hinanap ka nya kahapon... Malaki pa nga yung supot mo kesa sa kin eh... Kaso bigla ka ngang nawala... Parang ang bigat pa nga ng laman nun." kinonsensya pa ako ni Tin.
"Ganun... Teka nga..." kaya agad ko nalang sinundan si ate chel.
"Ate... Wait..." sabi ko ng makita ko na syang papasok ng shower room.
"Kulit mo ha!" sabi nito at bigla nalang hinubad ang suot nyang sando. Nakabra at shorts pa naman sya.
Napanganga nalang ako... Parang namiss ko yan...
"Wag mong sabihin sasama ka sa kin sa shower?" nakapamewang na sabi nito.
"Pwede?" ay mali! "Ay hinde!" napakamot nalang ako sa ulo pero mukhang namula ata ako kaya agad nalang akong tumalikod."Hahaha... " tawa nito. "Ikaw ha... nakakarami ka na!"
Paalis na sana ako kaso... "Nakakarami saan?" agad akong humarap ulit sa kanya.
Ngumiti nalang ito. "A basta!" irap nito at binuksan nya na ang pinto ng shower room. Pero agad ko syang hinawakan sa braso.
"Ate... Kukunin ko nalang sa condo mo yung pasalubong ko."
"Wish mo lang kung mahanap mo bahay ko." nakakalokong ngiti nito.
"Alam ko no... Sa Da fort ang condo mo. 21st floor... Unit 214!" pagmamayabang ko.