Part 36

795 20 1
                                    


"Jovs... Tara na!.. Andyan na sundo natin." tawag sa kin ni aby matapos namin matalo ang PLDT fast hitters.

"Oo na.." sagot ko at basta ko nalang isinaksak sa bag ang mga gamit ko matapos kong makaligo.

"Tagal naman oh." kantyaw nito.

"Eto na..." karipas ko. Naghihintay na kasi sa labas ang shuttle na maghahatid sa amin sa Tarlac para sa UAAP exhibition game.

"Nga pala... Bakit di na naman nanood si ate chel?" usisa nito. "Nag-away na naman kayo ano?"

"Haiz!... Bakit kayo ganyan? Pag hindi kami magkasama ni Chel... E nag-away kami!" sambit ko.

"Hahaha... E away bati kasi kayo!" tawa nito. "Kasama kaya sya ngayon?"

"Oo naman..." agad kong sagot. Sumama nga ba sya? E di nga ako inimik nun pagkagising palang kanina.

"Ayun na shuttle..." turo nito at nagmadali ng sumakay. Agad narin akong sumunod.

"Hey yah" bati ni Aby ng makasakay kami sa shuttle. "Oy batiin nyo naman kami... Wagi kami!" sabi nito sabay taas ng kamay.

"Aba.... Galing galing!... Sorry di na ko nakahabol ha." bati ni Dindin.

"Okey lang... Syempre galing ni Jovs eh... Buwis buhay ulit." parinig nito ke chel ng makaupo na ito sa kabilang upuan kahilera ng kinauupuan ni dindin at ni chel.

"Dito ka na Jovs..." aakma na si dindin para tumayo pero pinigilan sya ni Chel.

Ngumiti nalang ako at umupo nalang sa tabi ni Aby.

"Ano yon? LQ?" biro ni aby.

"Hahaha... Mulang... Lagi naman e!" hirit ni dindin.

"Pwede ba,..wala ako sa mood." irap ni Chel.

"Naku Jovs... Lagot... Ano na naman ginawa mo?" loko ni Aby.

"Ako?... Wala no!" tangi ko."Bait ko kaya!"

"Hahaha!... Pag tulog!" tawa ni Dindin.

Kriiiinggg.... Krinnnggg....

"Uy kaninong phone yun?"pansin ni dindin.

"Jovs... Sa bag mo ata?" sabi ni aby kaya agad kong binuksan ang bag ko at hinanap ang phone.

Akin nga... Takte! Bakit na naman tumatawag si Steph? Kaya agad ko nalang nireject.

Nakakaloko naman tingin ni Dindin. "Oist... Ikaw ha..."

Napatingin nalang din si chel pero nanlilisik mata nito. Jusko day... Malamang outside d kulambo na naman ako nito. Galit parin ba sya dahil sa text sa kin ni Steph kahapon?

---

Sobrang saya lang namin lahat matapos ng UAAP tour kahit deadma ang inabot ko ke chel. Ano pa bang magagawa ko? Lagi naman nya akong hinuhusgahan kahit wala naman akong ginagawa. E d sige deadmahan nalang! Haiz! Nakakapikon na!

Matapos naming magdinner. Sabay sabay na kaming nagcheck-in sa hotel.

"O aby... Eto sa inyo ni Din... Chel..sa inyo ni Jovs." sabi ni Ate Terese na isa sa mga organizers  sabay abot ng card keys.

"Teka... Pwedeng tabi nalang ako sa inyo?"agad nakiusap si chel sa dalawa.

Aba.... Talaga lang ha,...

"Chel ano ka ba?"  di ko na talaga napigilan ang pagkainis ko. "Kung umasta ka parang gusto mo na kong ipagtabuyan... Kanina ka pa ha!"

"Anong gusto lang? Kung pwede lang maghiwalay na tayo!" galit nito.

"Oooppps..." Awat ni Din. "Wag naman dito girls...!" at inakay na ni dindin si Chel sa elevator.

"Jovs naman... "Saway ni Aby at nanatili na muna kami sa lobby. "Andon na ko... Pansin ko rin.. Na kanina pa galit sayo si Chel... Hayaan mo nalang muna. Ikaw naman kasi..."

"Lagi naman ako eh!" inis ko. "Kahit kayo iniisip nyo me ginawa na naman ako!"

"Jovs hindi..."

"Anong hindi... Sige... Magkampihan kayo..."galit na talaga ako. "Kung alam ko lang...Haiz! Di nalang ako sumama!"at bigla akong tumalikod.

"Wait..." habol ni Aby at pinigilan ako sa braso. "Jovs... Hindi sa ganon... Pero syempre... Sana iwasan mo nalang si Steph.."

"Kitam!" harap ko sa kanya."Mismong galing na sa bibig mo! Sa tingin nyo... Nakikipagkita ako ke Steph dahil gusto ko!"

"E kung wala talagang namamagitan na sa inyo... E bakit nag-uusap pa kayo?" tanong nito.

"Ikaw... Kilala mo si Steph... Magkasama kayo sa LaSalle... Ganyan ba ang pagkakakilala mo sa kanya!" at tumalikod ako ulit sa kanya.

"Kilala ko si Steph... Pero Jovs... Me nangyari kasi sa inyo..."paliwanag nito. "Alam mo ba minsan naiiyak nalang si ate chel sa practice pag naaalala nya yon... Tapos ngayon nakabasa pa sya ng text messages nyo... "

Haiz! Bakit ba ang daming nangingialam?.... Kung pwede ko lang iuntog ulo ko sa pader....

Teka.... Parang pamilyar ang lalaking yun na nakatayo sa me entrance... At kanina pang nakatingin...

"Jovs... Palipasin mo nalang galit ni ate chel..."

Sya nga!... Malapitan nga.. At nagmadali akong nglakad papunta sa kanya.

"Jovs... San... " habol ni Aby.

Shet... Napansin nya. Kaya agad itong tumakbo palabas.

Binilisan ko na ang pagtakbo ko. Kelangan ko syang maabutan. Anong ginagawa nya dito?

Kaso... Ang bilis nyang nawala... Lumabas nalang din ako sa kalsada para hanapin sya.

"Jovs..." hiyaw ni aby ng makasunod sa kin. "San ka ba pupunta?"

"Teka..." senyas ko. "Manong guard.. Kilala nyo ba yung lalaki na kalalabas lang."

"Ay yun ba?.. Sabi nya me reservation din sya... Kaso bigla na nga lang umalis." sagot nito.

"Jovs... Sino ba yon?" lapit ni aby.

Di parin ako mapakali... Anong ginagawa nya dito?

"Teka... Tingnan ko lang sa kabila." sabi ko at nagsimula na akong tumawid ng me rumaragasang motorsiklo...

"Jovsssss!!!!"


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon