Part 28

912 24 3
                                        

"Ate... Si Jovs po..." sabi ni Yaya. "Nagpumilit makapas..."

 Di na ako nagdalawang isip na pumasok sa kwarto. Kelangan na naming magtuos!

"Chel.... Kelangan natin mag-usap."kunot noong bungad ko.

"Sige na yaya..." sabi ni Chel ke yaya at iniwan na kami nito.

"Hindi ka na nakakatuwa ha?... Bigla ka nalang nawala kahapon at hindi mo pa sinasagot ang phone mo!" sigaw ko pero medyo kabado. Kasi sa totoo lang, nag-aalala na ako. Na napipikon dahil sa sobrang pag-aalala.

 "Hinaan mo boses mo... Baka magising yung dalawa." mahinahong sabi nito. Nagawa pa nyang kumalma eh halos di nga ako nakatulog kagabi.

Napabuntong hininga nalang ako at lumapit ako sa kanya. Hindi ko na talaga mapigilan ang galit ko kaya agad ko syang hinatak palapit sa kin.

"Bakit ba ang sarap mong tirisin?" Bulong ko at mariin ko syang hinalikan sa labi. Oo, galit ako pero hindi ko na kaya ito.. Na sobrang namimiss na kita.

"Chel..." sabi ko nalang at dalawang kamay ko na hinawakan ang mukha nya ng hindi sya tumugon sa halik ko. Wala ka na nga bang nararamdaman?

"Jovs......."pigil ni chel. "Ano na ba talaga tayo?.... Ano ba ako sa puso mo?"

Napapikit nalang ako na inilapat ang noo ko sa noo nya. "Hindi ko alam..." hikbi ko.

Di sya sumagot at napayuko nalang. 

"Ang alam ko lang....naiinis ako...pag hindi kita nakikita..." dugtong ko. "Naiinis ako...pag kausap mo si Peter!... Naiinis ako dahil kahit nasasaktan na ako... nag-aalala pa rin ako sayo..."

"Jovs...."

"Naiinis ako dahil lagi na kitang hinahanap...pero balewala lang naman yon sayo!... "

"Jovs..."

"Na kahit nakipaghiwalay na ako sayo... Sobra naman akong nasasaktan.... Dahil hindi ko magawang limutin ka..." at tuluyan na akong naiyak kaya napaupo nalang ako sa kama.

"Sshhhh...." alo nya habang hinawakan ang mukha ko at napaluhod na sya sa harapan ko. "Jovs...." at bigla nya akong hinalikan sa labi. "Ikaw naman kasi..."

"Chel...."

"Ikaw lang ang aking mahal ....ang pag-ibig mo'y aking kailangan... " at kumandong ito sa akin. "Pag-ibig na walang hangganan...maniwala ka sana...."natatawang kanta nito.

"Mali naman eh." ngiti ko.

"Mali ka dyan... "tawa nito at pinahiran ang luha ko.

"Maniwala ka sana.... Sa akin ay walang iba...." dugtong ko.

"Hmmpp.. Pinagpalit mo na nga ako!" irap nito.

"Ha???... Di pa nga ko nakahanap ng kapalit mo!" at pinanggigilan ko ang leeg nya...

"Jovs naman...ang bilis mo talaga!" sabi nito at pinipigilan ako.

"Chel.... " sabi ko at inihiga sya. "Sundan na natin si baby pat..."


Just a dream (Book 4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon