Chel's pov
"Hindi parin ba tapos?" inip kong sabi.
"Ate naman... OA karin ano?... Wala pa ngang isang minuto sa loob si cha... " sambit ni Aly habang nag hihintay kami sa labas ng kwarto ni Jovs. "Wag mong sabihin nagseselos ka pa nyan e wala na ngang malay si Jovs."
"E baka kasi... Baka kasi me gawin sya!" diin ko.
"Haha... Ikaw no... Nagsisisi na nga yung tao... Tyaka pinaliwanag naman nya diba? Na hindi rin nya kagustuhan yon..." paliwanag nito. "Inamin naman nya."
"Pero hindi nya sinasabi lahat..."
"Panong hindi sinasabi?... Iniisip mo bang me kasabwat sya?" agad na tanong nito.
Biglang bumukas ang pinto sa likuran namin.
"Ate chel..." taranta ni Cha. "Nagising na si Jovs!"
"Ha?..." kaya agad akong pumasok ng kwarto at nilapitan si Jovs. "Jovs..." bigla nalang tumulo luha ko.
"Jovs... Gising ka na nga... Teka.. Tatawag ako ng doctor." agad kumaripas ng takbo si Aly.
"Jovs..." sabi ko at hinawakan ang mukha nya. "Naririnig mo ba ako?"
Tila nahihirapan pa si Jovs. Nakatingin lang ito sa akin pero pilit ngumingiti.
"Jovs..." at hinalikan ko sya sa pisngi. "Alam kong hindi mo ko iiwan Jovs."
"Ch...chell..." mahinang sabi ni Jovs at napapikit ito. "Chel..."
"Andito lang ako... Hindi ako aalis sa tabi mo." hikbi ko.
"O... Oo.... Chel..." napangiti narin ito at me isang luhang pumatak sa mata nya.
"Andito lang ako.... " at niyakap ko sya.
-----"Pwede bang sa ibang araw ko nalang sagutin mga katanungan nyo." sabi ni Jovs sa mga pulis. "Kakauwi ko palang... Gusto ko lang munang magpahinga."
"Sige Jovs... Pasensya kasi binilin ka samin ni Lieutenant Rico... Gusto kasi nyang maresolba na ang nangyari sayo... Hihintayin nalang namin ang tawag mo. " sabi nito at hinatid na sila ni Jovs sa pintuan.
"Sige... Salamat ha.." paalam ni Jovs.
"Baby.... Okay ka na ba talaga?" pag-aalala ko. Nagpumilit kasi itong umuwi ngayon ng nagkamalay sya kahapon.
"Hindi ko na kayang magtagal pa sa ospital." sabi nito at umupo sa sofa. "Sobrang tagal ng six months na nakaratay ako don."
"Pero hindi ka pa malakas." sabi ko at tumabi ako sa kanya.
"Kaya ko na... Dito na muna ako sa bahay... " ngiti nito at hinarap ako. "Hindi ko kasi akalain na magigising pa ako.... Lam mo... Para kasing totoo... Kung san mang lupalop ako naroon, ikaw parin tinitibok ng puso ko..."
"Jovs... " at nagsimula ng mamuo ang luha ko.
"Parang nananaginip lang ako... Pero parang totoong totoo."ngiti nito at dalawang kamay na hinawakan ang mukha ko. "Sobrang miss kita." at hinalikan ako sa labi.
Sobrang tamis ng halik ni Jovs na kaytagal kong hinintay. "Jovs.... Sorry..." iyak ko at hinimas ang 7months ng tyan ko.
"Ssshhh...." alo nito at inilapat ang daliri nya sa bibig ko. "Excited narin ako sa 2nd baby natin."
Di ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko. "Jovs.... "
"Halika nga dito." sabi nito at pilit akong niyakap kahit medyo nahirapan sya dahil sa laki ng tyan ko. "Di man lang kita naalagaan... Biglang laki na pala... Ano bang kinain mo at lumaki ng ganyan yan." biro nito.
"Jovs naman eh..." sabi ko at pinulupot ko braso ko sa leeg nya.
"Asan na pala isa pang baby ko?"
"Nasa bahay nyo si baby Jaz... Bukas dadalhin ni tita dito."
"Hmmmnnn... So ibig sabihin... Tayo lang buong araw dito?"nakakalokong ngiti ni Jovs.
"Tumigil ka nga... Ang laki na ng tyan ko... Hihirit ka pa!" hampas ko sa kanya.
"Chel naman.... Tagal kong tulog... Di mo man lang ako pagbibigyan... Dadahan dahan lang naman.." lambing nito.
"Maniac ka talaga!" natawa nalang ako.
"O ano ayaw mo?" irap nito. "Di mo ba ko namiss?"
"Namiss syempre..."
"Hmmmnnn..." at sinimulan na akong halikan ni Jovs sa leeg. Para naman akong nakoryente sa ginawa nya.
"Jovs... " at napapikit nalang ako ng inangkin ni Jovs ang labi ko. Mapusok ko rin syang hinalikan. Naramdaman ko nalang na nasa dibdib ko na ang isang kamay nya kaya mabilis nag-init buong katawan ko.
"Baby...." bulong nya at dahan dahan itinaas ang damit ko.
"Jovs... Teka..." nahiya akong bigla na bumungad ang tyan kong me stretch marks. Dahan dahan namang dumampi ang labi nya sa tyan ko. "Baby... Ang pangit ng tyan ko... "
"Ano ka ba.... Maganda ka pa rin..."
"Hindi eh... Ang laki laki ko na nga eh... " reklamo ko.
"Baby ko... Payat o mataba ka man... Maganda ka parin." kumbinsi nito.
"Niloloko mo na ko nyan eh..." tabig ko at sinuot ko ang damit ko.
Napakamot nalang ito sa ulo nya. "Haiz... Kabitin ka naman oh."
"So galit ka!" angas ko.
"Hi...hindi..." tangi nito pero halatang nabitin. " Halika na nga at matulog na tayo." aya nito at inakay akong makatayo.
"Jovs... 11am palang... Aayusin ko muna yung binili nating pagkain para makakain na tayo."
"Pwede bang ikaw muna appetizer ko." lambing nito at niyakap ako sa likuran. "Ang laki mo na nga pala talaga."
"Kitam... Ayaw mo na sa kin!" inis kong sabi.
"Hehe... Joke lang... Pang S.o.s ka nga eh... "
"Bakit?"
"Para ka lang namang salbabida... Hahaha." tawa nito.
"Nakakainis ka na ha!" irap ko at pumunta nalang ako ng kusina.
"Eto naman... Pikon agad..."kantyaw nito. "Me nakalimutan ka ngang sabihin sa kin eh."
"Sasabihin?" agad kong tanong. Napaisip tuloy ako.
"Oo... Me sasabihin ka dapat sa kin." pilit nito.
