Part 46

800 23 0
                                    


Chel's pov

"Grabeh... Sobrang sakit na talaga ng balikat ko sa buong araw na practice ngayon." bulalas ni dindin ng makapasok kami sa coffee shop ni abby. "Di pala ako magtatagal ha... Lam mo naman..."

"Aba... Si hubby na naman..." sabat ni abby ng makaupo na kami. "Minsan na nga lang kayo tumambay dito."

"Okey lang naman... Maya pa ko uwi." sabi ko nalang.

"Aba... Himala... Dati lagi kang uwing uwi." kantyaw ni din. "Isa lang ibig sabihin nyan... Nag-away kayo ni Jovs... na naman!"

Umiling ako. "Hindi naman."

"Hmmmm... Sistah... Me kakaiba lang sayo lately.." pansin ni abby.

"Ano naman?"

"Hindi ko malaman kung anong tamang tawag dun.. Hmmm.." at napaisip ito. "Yung parang.... Tuliro?"

Krinnggg. Kkrinnggg....

"Iyo pala.." pansin ni din ng makita ang phone ko na nakapatong sa lamesa.

Kringgg. Kringgg...

"Hindi mo ba sasagutin?" taka ni abby at tiningnan ang phone ko. "Si john?"

Kringgg krinnggg..

"Wala yan." at pinatay ko nalang phone ko.

 "Magtapat ka nga.... Meron bang kayo?... I mean..." tanong ni din.

"Wala.." sabat ko.

"Wala... E bat ayaw mo sagutin?. Hmmm... Kagabi lang magkausap kayo after ng game... Tapos ngayon wala?" sabi ni Abby.

"Hangang don nalang yon."

"Teka... So muntikan na?... Oh no!... " napatitig nalang si abby. "Nagparamdam ba sya?... E hindi ba nya alam yung tungkol sa inyo ni Jovs?"

"Wala nga... Ano ba.." diin ko. Wala nga ba kong naramdaman para sa kanya? E bakit para akong guilty?

"Ate chel... Payo lang..." singit ni din. "Minsan kasi madali tayong matukso... Madali tayong mabighani sa mga nakikita natin... Pero... Minsan kasi.. Hinahanap lang natin yung kung ano ang wala.." paliwanag nito. "Pero sa totoo lang... Tayo lang ang me pagkukulang."

"Ano ba kasi!... E wala nga!. Ano ba kasing iniisip nyo?" alma ko.

"Na inlove ka ke John pero ayaw mong aminin!" kibit balikat ni Abby.

"Ano ka ba?" tapik ni din ke Abby. "Hindi sya inlove no?"

"Inlove kaya ano!" pilit ni Abby."Di mo kasi napansin kagabi yung ngiti nya habang nag-uusap sila."

"Hindi nga!" sagot ni din."Bakit bawal bang ngumiti pag nakikipag usap?"

"Pag untugin ko kaya kayong dalawa?" sabat ko. "Walang ibig sabihin yon. Period!"

"Ate... Pag ang lalake... Nagsimula ng tumawag... Iba na yan... " sabi ni Abby.

"Okey lang siguro yan pag pareho kayong single... Pero kung ang isa me sabit na, ibang usapan na yan!" sagot ni din.

"E pano naman kung nainlove sila ng di sinasadya... E pano kung yun pala ang soulmate mo?"

"Aba... Soulmate na ba kagad matatawag yun e kelan lang naman sila nakapag usap? Porke ba kampante ka sa sandaling magkasama kayo... True love agad? Eh kung tutuusin matagal naman silang magkakilala na."

"E yun nga kasi when the right time comes... Yun na! Ang tamang panahon!"

"E bakit yung ke Jovs? Hindi ba yun yung tamang panahon? Sa haba haba ng prusisyon, naging sila parin!" sambit ni Din.

"E yun nga e, bakit titibok pa sa iba ang puso mo kung nahanap mo na ang soulmate mo? So ibig sabihin, hindi sya ang soulmate mo!"

"Mali... Naghahanap ka lang ng comfort sa iba dahil feeling mo hindi ka kampante sa kanya.. Kasi ang kadalasang iniisip natin kung ano ang magpapaligaya sa tin. Kaya maraming naghihiwalay kasi feeling nila hindi na sila masaya... E kung tutuusin, me pagkukulang rin sila!"

"E di ba yun naman ang dapat... Na mahanap natin ang tunay na kaligayahan!" seryosong sabi ni Abby. "Sa tamang panahon!"

"Tantanan nyo na nga yang tamang panahon na yan!" napalakas ng boses ko. Napatingin nalang sa amin ang ibang customers.

Natawa nalang si din. "... Lola Nidora..Ikaw ba yan?"

---

"Ate.... " bungad ni yaya licelle ng mabuksan ang pinto. "Maghahain lang ako." at agad ngtungo sa kusina.

"Hindi na... Kumain na ako." sabi ko.

"Ah... E sige... Si Jovs nalang pala.." sabi nito.

"Hindi pa kumakain si Jovs?"

"Hindi pa... Sabi nya hintayin ka daw nya... " sagot nito. "Init ko lang yung ulam."

Anong oras na at di pa pala sya kumakain. "Yung dalawa?"

"Parehong nasa kwarto nyo.."

Kaya minabuti ko ng pumasok sa kwarto at naabutan ang tatlo na natutulog na. Himbing na himbing na natutulog si Jaz sa crib at si baby pat katabi naman ni Jovs.

Ano pa nga bang hahanapin ko? Me dalawa na kaming pagkagandang anak. At si Jovs... Sa dami ng pinagdaanan namin, ngayon ko pa ba sasabihin na hindi ako masaya sa piling nya. Tama nga si Dindin, ako ang me pagkukulang. Kung magagawa ko mang ulitin ang lahat... Si Jovs parin ang mamahalin ko...


 


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon