Part 33

930 25 0
                                    


Chel's pov

Asan na ba yung red dress ko? Kaloka! Mahuhuli na ako! Dito lang nakahanger yun kagabi.

"Ayun si mommy oh!" bungad ni Jovs ng pumasok ito sa kwarto. Akay akay si Jaz at karga karga naman si baby pat.

"Ay ang mga babies ko...." salubong ko sa kanila at agad nagpakarga si baby Jaz. "Wow, bagong ligo."

Lumapit din si Jovs. "Si baby pat din bagong ligo." kaya hinalikan ko rin ito. "E ako?... Walang kiss?" alma nito.

"Bakit naligo ka na ba?" biro ko.

"Ay... Hehe..hindi pa... Pero kahit na!"

"Aysus... Tong baby ko talaga..." at kiniss ko sa pisngi.

"Nagtoothbrush naman ako!" reklamo nito at humirit pa ng lips to lips.

"Ikaw..." biglang humalik sa akin. "Baby... Nasa harapan tayo ng dalawa..."

"Isa pa..." lambing nito kaya hinalikan ko nalang ulit.

"Tama na!"

"Baby sabihin mo na ke mommy..."

"Ano yon baby?" ngiti ko.

"Pa... Par..." nauutal na sabi ni baby Jaz.

"Ano daw?" baling ko ke Jovs.

"Park... Punta daw tayo ng park" linaw nito.

"Ay sori baby... Me lakad si mommy..."

"San ka naman pupunta..." sabat ni Jovs.

"Baby... Di ko ba nasabi sayo?... Me rampa ako kasama ang SMB beermen para sa PBA opening ceremony."

"Ngayon?... E kala ko ba pupunta pa tayo ke doc?"

"Sorry baby... Nakalimutan ko nga eh... Bukas nalang tayo pumunta ke doc... Punta rin tayo ng park bukas..."

"Wag na..." tampo nito at agad kinuha si baby jaz sa akin. "Kami nalang pupunta sa park."

"Baby...." habol ko at niyakap sya sa likuran. "Promise bukas."

"Sige na..." halata paring nagtatampo ito. Pero hinayaan ko nalang at baka humaba pa ang usapan.

Teka... Yung damit ko pala.

"Jovs... Nakita mo ba yung red dress ko?" habol ko bago sila makalabas ng kwarto.

"Anung red dress?"

"Nakahanger lang yun dito kagabi."

"Aba... Malay ko.... " sagot nito. "Baka yung naisama kanina sa labahan..nasa sahig kasi."

"Ano? Jovs naman eh." agad akong tumakbo papuntang kusina. Buti nalang andun pa si yaya.

"Yaya... Nakita mo ba yung red dress?"

"Ah yun ba?... E pinasama ni Jovs sa labahan... Buti hindi pa ako nagsisimulang maglaba." at kinuha ang damit sa basket. "Eto oh."

"Hay... Yaya salamat... Salbahe talaga tong si Jovs!" inis ko.


----
"Jovs..." sabi ko ng madatnan ko sya sa kwarto matapos kong makapagbihis. "Hindi mo ba ako sasamahan?"

Tumingin naman ito mula ulo hangang paa. "Yan talaga suot mo?"

"Ayan ka na naman. Alangan naman magpajama ako!" irap ko. "Ikaw ha... Sinadya mo talagang maisama tong damit ko sa labahan ha!"

"Tingnan mo nga itsura mo!... Para kang pokpok... Yan naman gusto mo eh... Yung pinaglalawayan ka ng mga lalake!" napalakas ng boses nito.

Pinigilan ko nalang sarili ko at baka masira pa ang make-up ko. "Bahala ka na nga." iwas ko sa kanya at kinuha ko ng gamit ko para makaalis na.

"So talagang aalis ka na ganyan suot mo?" habol nito.

"Jovs naman..."inis ko. "Ano pa bang ipagseselos mo? E hangang tingin lang naman sila! Iyong iyo na nga ako di ba?" at lumabas na ako ng kwarto.


---
"You're so beautiful sistah!" bati ni aby ng magkasalubong kami sa lobby ng Moa Arena. "Asan si Jovs?"

"Hay naku... Wag ng hanapin ang wala." sagot ko.

"Me sumpong na naman ba?" katyaw nito.

"Ayaw nga akong paalisin na ganito ang suot ko."

"Eh talaga naman mag-aalala yon na marami talagang magkakandarapa sayo." ngiti nito.

"E wala na naman syang dapat ikatakot no... Sya naman mahal ko."

"Hi chel!" boses ng isang lalaki sa likuran namin. "Geez.... You look wow in that red dress!" titig na titig ito na para bang gusto akong hubaran.

"Uy Arnold." bati ni aby.

"Hi aby... Chel... Ako ng escort mo ha!" ngiti ng SMB point guard. "We surely look good together." Lakas naman ng hangin oh!

"Well... Remind ko lang... I'm taken na ha."

"Ouch... Hahaha..."Tawa ni Aby.

---

Buti at natapos narin. Sobrang nakakapagod din ngumiti.. Masaya na nakakapagod. Buti nalang at nakauwi narin ako. Galit pa kaya si Jovs?

"Iha... Napanood ka namin!" bati ni tita belle ng makapasok ako sa sala. "Ikaw ang pinakamaganda don."

"Tita naman.." ngiti ko. "Si Jovs po pala?"

"Hindi mo ba kasama? E paalam nun susunod sayo."

"Po?... Hindi po kami nagkita... Hindi rin naman tumawag." bigla tuloy akong nag-alala.

"Naku... San na naman pumunta ang bata..." di na natapos ni tita ang sasabihin nya ng biglang bumukas ang pinto.

"Jovs.... " pansin ko. "San ka ba nanggaling?"

"Sa shop... Nasiraan ako." malumanay na sabi nito. Halata nga sa itsura nito at sobrang dumi ng suot.

"San ka naman nasiraan... Wala naman ngyari sayo?" napatayo tuloy si tita belle at lumapit ke Jovs.

"Okey lang po... Pumutok lang naman gulong kaso butas din pala spare tire ko... Pero okey na po..." paliwanag nito. "Ligo lang ako."

"Jovs..." agad akong sumunod sa kanya. "Sigurado ka bang okey ka lang?"

"Oo.." sagot nito at nilapag sa sahig ang bag nya ng makapasok kami sa kwarto.

"Hindi ka ba bumanga? San naman banda ngyari?"

"Okey nga lang ako..." matamlay na humarap ito sa akin.

"Teka... Me pasa ka oh..." pansin ko sa kaliwang pisngi nya kaya agad kong hinawakan.

"Aray!" biglang iwas nito.

"Tingnan mo...Jovs naman eh..." pag-aalala ko. "Magsabi ka nga ng totoo... " Alam kong me tampo parin ito kaya ayaw magsabi kung ano ba talagang nangyari. "Wala ka bang kasama? Si Aly? Kasama mo ba?"

"Meron..."

"Sinong kasama mo?"usisa ko. "Si M9?... Si Tin?"

Napapikit nalang ito. "Si.... Si Steph..."


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon