Part 44

885 19 0
                                    


Chel's pov

Umaga na pala. Nagising nalang akong nakayakap sa likuran ni Jovs. Tulog na tulog parin ito. Ang ganda talaga ng umaga kung ang unang masisilayan mo ay ang taong mahal mo. Kahit buong araw ko lang syang titigan, solve na.

Tok.. Tok...

"Chel..." boses ni yaya.

Kaya agad na kong bumangon.

"Morning chel.." bungad ni yaya ng mabuksan ko na ang pinto. "Pacensya... Maaga kasi alis ko... Sasabay na rin si licelle sa kin."

"Ay oo nga pala... Sige ya... "bigla kong naalala na day off nga pala nila. "Gising na ba yung dalawa?"

"Nasa stroller si bunso... Si Jaz naglalaro sa tent nya... Napakain narin si bunso... Kaso si Jaz ayaw pa kumain.." sabi ni yaya.

"O sige ya... Kami na bahala... Balik ka naman bukas?"

"Oo... Dadaan lang ako ke madame belle tapos diretso na dito. Si licelle balik mamyang gabi."

"Sige ya... Salamat.." at hinayaan ko na silang makalabas ng bahay.

"Jaz?..." tawag ko ng makapasok ako sa kabilang kwarto.

"Mum...mummy!" takbo nito sa kin.

"Aba... Nasasabi mo ng mommy ha.. " at agad kong kinarga ito. "kain ka na baby."

Umiling iling ito at nagpababa. "Likot mo talaga." at hinayaan ko na muna syang magtatatakbo. Bumaling naman ako ke bunso na tahimik lang na naglalaro sa stroller nya. "Buti nalang at di kayo parehong malikot.

"Jaz... Gisingin mo na si mama dali... " utos ko sa paslit at agad naman naintindihan. Dirediretsong pumunta ng kwarto at nilapitan si Jovs.

"Mamm... Mumm.." bigkas nito.

Napadilat nalang si Jovs. "Baby... Antok pa si mama eh."

"Par.... Par..." utal na sabi ni baby Jaz.

"Park?... Sabihan mo si mommy..." utos nito kaya kumaripas ito ng takbo papunta sa kin.

"Oo na... Narinig ko baby.." ngiti ko ke baby Jaz. "Jovs... Ikaw na magpaligo sa dalawa.. Ayusin ko lang mga labahin dito." baling ko ke Jovs.

"Ha?" napakamot nalang ito sa ulo at bumangon narin. "Oist lingit punta na sa kabilang banyo." sabi nito at nakipaghabulan pa ke baby jaz.

"Jovs baka madapa naman yan.." saway ko ng makalabas sila ng kwarto.

Kring... Kring...

"Hello... Ha? Ngayon? Kala ko bukas?... Naku... Sige.. Punta ako." sabi ko sa kausap ko sa kabilang linya.

----

"Mum...mummy..." sigaw ni baby jaz ng nakapagbihis na ito.

Naku... Lagot na... Pupunta nga pala kami sa park.

"Chel... Tapos na.... " biglang natigilan ito ng makita akong bihis na bihis. "San lakad mo?"

"Jovs sorry... Pwede ba kayo nalang?... Ngayon pala promo tour ng volleyfriends... Kala ko bukas pa." paliwanag ko.

"Ano?... Chel naman... Nakita mong dalawa ito, kakayanin ko bang ako lang? Baka pwedeng wag ka ng sumama."

"Jovs... Hindi pwede... Sige na bawi nalang ako... "

Kring... Kring...

"Hi... O sige... Pababa na ko." paalam ko sa kausap ko sa phone.

"Baby..." yakap ko sa likuran ni Jovs ng lumabas ito ng kwarto. Alam kong nagtatampo na to. "Sorry na... Maaga nalang ako uuwi."

Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon