Part 8

924 24 0
                                    

Minsan nga naman kung magbiro ang tadhana, tagos hangang laman. Kumbaga, inaakala mong tinapay na naging bato pa. Inaakala mong natupad ng pinapangarap mo, naging bangungot pa. Pano ko ngayon ipapaliwanag ke Aly ang nangyari sa amin ni Denden? Paano?

Kung nagawa ko mang makaiwas noon sa kanya. Pero hangang kailan?

Minabuti ko ng umiwas ulit kesa mag-abot pa kami ni Aly matapos naming talunin ang DLSU. Sila pa naman ang susunod na maglalaro.

"Beh!...." sigaw ng babae kaya agad akong napalingon.

Ate Chel.... Nabitawan ko tuloy ang bag ko.

"Galing mo talaga.... " bati nito at agad akong niyakap. "Yaka nyo na talagang mag champion ulit!"

Napangiti nalang ako... Sayang.... Kala ko ikaw na...

"Jovs... Okey ka lang ba?" pansin nito at dalawang kamay na hinawakan ang mukha ko.

"Wa-wala...." matamlay kong sagot. "Pwede bang...."

"Ate chel!... Jovs!" sigaw ni aly at palapit sa min. Teka.... Sinong kaholding hands nya?.... Si denden????

"Oi... Next game na kayo ah?" sabi ni ate chel

"Oo .... Gusto ko lang ipaalam sa inyo..." ngiting ngiti ito at bumaling ke denden. "Kami na ni den."

"Ano?????" gulat ko.

"Congrats!" ngiti ni ate chel.

"Teka... Den.... " singit ko. Bigla naman akong nakonsensya.... Alam na kaya ni Aly na mas nauna pa ako sa kanya?

"Bakit jovs?" tila biglang naguluhan ito.

"Inamin mo ba?" agad na tanong ko.

 "Anong aaminin ko?"

"Yung ano...." haiz pano ko ba sasabihin. "Yung ano...."

"Anong ano?" naguluhan narin si Aly.

"Den... Hindi ko kayang ilihim to.... Tapos kayo na agad agad?"

"Ano bang sinasabi mo?" taka ni denden.

Shit!... Hindi ko kayang manahimik lang... Na lokohin si aly ng harap harapan. "Yung ngyari sa tin!" bulalas ko.

"Anong ngyari sa tin?" kunot noong tanong ni denden.

Napahawak nalang ako sa noo ko. "Den naman.... Aly.... Sorry.... Pero di ko kaya to." kabado kong sabi.

Nakatingin lang si aly at tila gulong gulo.

"Aly.... Me..... Me nangyari sa min.... Sa amin ni Denden... Nung gabing..... "

"Ano????" napataas boses ni Denden.

PAKKKK......

Biglang nahilo ako at inalalayan ako ni ate chel.

"Teka Aly.... "awat ni ate chel ke aly at pumagitna na ito sa amin.

"Tarantado ka!" mura ni Aly.

"Aly.... Hindi ganon..." pigil ni denden ke aly. "Jovs ano bang sinasabi mo?"

"Isa ka pa!" nagpumiglas si aly at agad tumakbo palayo sa amin. Agad namang sumunod si denden.

"Okey ka lang ba?" pag-aalala ni ate chel at hinawakan ang pisngi ko. "Putok labi mo.... Tara dun na tayo sa kotse baka me makakita pa sayo." dagdag nito at binitbit ang bag ko. Inakay na kong palabas ng Arena patungong parking lot.

"Halika.." hawak ni ate chel sa mukha ko ng makapasok kami sa kotse nya. Inilapat nya ang panyo nya sa bibig ko. Dahan dahan nyang pinunasan ang namuong dugo sa labi ko.

"Okey na.... Ako nalang... " sabi ko at kinuha ko ang panyo.

Tahimik lang ito at pinaandar ang sasakyan. Ano bang iniisip nya? Masama na ba ako sa paningin nya?

"Wala ka man lang bang sasabihin?" mahina kong tanong.

"Ano naman ang sasabihin ko?" sabi nito at nakafocus lang sa pagmamaneho.

Takte naman oh.... Wala ka ba talagang nararamdaman para sa kin?

"Wala.... "sabi ko nalang. Bakit nasasaktan ako? Haiz.... Pleaseeee wag kang umiyak Jovs!

Di ko na napigilan ang luha ko. "Pakihinto nalang sa tabi ate... Bababa ako..."

Tila hindi ako narinig nito at patuloy lang sa pagmamaneho.

"Ate please... " ulit ko pero tila mas binilisan pa nito.

"Ate ano ba!...." sigaw ko.

Bigla nyang inihinto ang sasakyan. Binaling nito ang tingin sa malayo.

Bakit parang sobrang bigat naman ng pakiramdam o? Di ko na kaya to! Kaya kinuha ko ng bag ko sa likuran...

"Totoo ba?" sabat nito. "Totoo ba... Yung sinabi mo kanina?"

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong.... Hindi ko ginusto yon?"

"So totoo nga." diin nito at sa malayo parin nakatingin.

"Nagseselos ka ba?"

"Nagbibiro ka ba?"

"Hindi.... Kala ko kasi... Magseselos ka?"

"Bakit naman?.... Ano ba tayo?"

Napapikit nalang ako. "Oo nga... Wala namang ibig sabihin ang lahat...." sabi ko nalang at tuluyang lumabas ng sasakyan.

Ano nga ba tayo?

Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon