Chel's pov
"Mahal na mahal kita Jovs." bulong ko sa kanya. "Gumising ka na... Hindi ko kakayaning mawala ka..." at nagsimula ng pumatak ang luha ko.
"Ate chel.... " sabi ni Aly ng makapasok sa kwarto. "Hay,.. Ayan ka na naman.... Di ba sabi ko wag kang iiyak sa harap ni Jovs.... Dapat kinukwentuhan mo nalang sya ng mga kaganapan ngayon." dagdag nito.
"Pasensya... Hindi ko kasi makayanan na makita syang ganito... Bakit hindi parin sya nagigising?" iyak ko.
"Ate chel...." alo nito. "Lahat naman tayo nahihirapan. Pero alalahanin mo, makakasama sa yo yang pag iyak, buntis ka pa naman. Isang buwan na lang at manganganak ka na."
"Yun na nga eh.... Gusto ko sya ang kasama ko sa delivery room." patuloy parin ako sa pag-iyak.
"Ate...." lapit nito at niyakap ako. "Tahan na.... Pati ako, naiiyak na. "
Kringggg kringggg.
"Teka...." sabi ni Aly at sinagot ang phone nya. "Hello.... O Cha... Ha.... Andyan ka sa nurse station... Saglit.. Kausapin ko lang..." pagtatapos nito.
"Ate chel... Si Cha... Nasa labas... Kung pwede ka daw makausap..." tanong ni Aly.
Tumango ako at pinahiran mga luha ko.
Flashback....."Ate san ba talaga tayo pupunta." sabi ni Aly na nakasunod sa akin at karga karga si Baby Jaz.
"Masama ang kutob ko..." sabi ko at kinuha ke Aly ang susi ng kotse nya. "Susundan natin sila." sabi ko at sumakay sa driver's seat.
"Teka...." habol ni Aly at nagmadali na ring sumakay sa kotse. "Pero ate chel... Chillax ka nga muna.... Wag kang padalos dalos."
"Hindi ko isusuko si Jovs... Hindi kasi ako mapakali at bakit magkasama sila ni Cha." diin ko at pinaandar ko na ang sasakyan.
"Selos na naman ba ang peg?"
"Hindi ako nagseselos!... Basta masama lang ang kutob ko.... " sabi ko. "Nakita mo reaksyon ni Cha matapos naming mag-usap ni Jovs kanina?... Kinakabahan ako."
"Paranoid ka lang!... Ganyan siguro pag buntis." natawa ito.
"Ewan ko sayo! Basta kelangan maabutan natin sila... Malakas ang kutob ko... Si Cha ang nangblackmail ke Jovs!" paliwanag ko.
"Ate naman.... Di ganon si Cha... Di ba Papa mo na nga? Huli na sya sa plate number nya."
"Kahit na. Pero wag natin isantabi na 219 rin ang condo unit ni Cha." dugtong ko. " Hindi rin kaya gawin ni Papa ang magsinungaling sa kin."
"Ate.... Labo mo... Sinasabi mo bang hindi parin alam ni Jovs kung sino talaga nangblackmail sa kanya?" napaisip ito. "Para nga ring kakaiba si Cha kanina.... Habang nghihintay kasi kami ni baby jaz nung sumunod ka ke Jovs... Narinig ko syang me kausap sa phone... Parang sabi nga nya...'Hitting two birds with one stone daw'... Tapos tumatawa pa sya... Tapos nung nakita nya ako.... Agad na syang umalis at nagtungo rin sa parking lot."
"Kaya nga.... Kelangan talagang masundan natin sila."
"Kaso.... Super duper traffic!" bulalas ni Aly. "Teka.... Skyway na nga traffic pa din?"
Bakit lalo akong kinabahan? "Parang me ngyari ata sa banda dun." turo ko sa bandang unahan. Minabuti ko ng lumabas ng sasakyan ng marami na rin ang nagsibabaan ng mga sasakyan nila para makisagap.
"Kuya.... "Tanong ko sa driver ng taxi na nakatayo sa unahan ko. "Me nangyari po ba?"
"Aksidente daw...." sagot nito. "Nahagip yung babae... Biglaan nga.... Pero ang labo." napakamot nalang ito.
"Hindi.... Gumegewang daw yung sasakyan kanina." sabat ng lalaki. "Parang nag-aaway sa loob at itinulak nung isa yung babae..."
"Ha?.... " Wag naman sana....
"Sikat ata yon.... Artista ba?" tanong nung babae ng isang van.
"Hindi artista... Athlete ba yon... Oo tama mga players ata yung sakay... " singit nung taxi driver.
"Jovs!"
