Part 51

776 18 1
                                    


Pasko..... Lumipas ang pasko na hindi kita kapiling..... Ilang araw nalang bagong taon na. Miss ko na kayo pero bakit wala akong magawa? Bakit ko nagawang pumayag para sa ikabubuti ng career mo? Ni hindi tayo pwedeng makitang magkasama.. Ni hindi ka sumipot sa christmas party ng army pero nagawa mong sumama sa outing ng petron. San nga ba ako lulugar sa puso mo ngayon? Kahit ang dalawa nating anghel, di ko na nasisilayan. Pag nakikita ko ang mga post mo sa facebook, ang saya saya mo. At ako? Ano pa nga ba tayo?

"Jovs..... Iha... Ang layo ata ng isip mo?" boses ng lalaki sa likuran ko. Si tatay jhun.. Ang step father ko na nagpalaki sa kin. "Di ka ba nasisiyahan dito sa pinagbakasyunan natin?"

"Hindo po tay.... "sabi ko. "Nag-aalala lang po ako sa.... " natigilan ako.

"Magiging maayos din ang lahat... Bigyan mo lang ng konting panahon.. Malinaw naman ang pag-uusap nyo di ba... "

"Pero tay... Pano...pano kung wala na pala akong babalikan?"

"Ikaw naman... Wag kang mag-isip ng kung ano-ano... Mahal ka ni chel... Mahal ka ng mga anak mo.." pagkumbinsi nito.

Napangiti nalang ako. Pero hangang kelan pa ko maghihintay?

Kringggg.... Kringggg....

"Chris?" sagot ko sa kabilang linya. "Oo... Syempre namiss ko kayo nila papa... Hayaan mo uuwi ako sa bagong taon."

---

Naia terminal 2

"Chris!" kaway ko ng masilayan syang nag-aabang sa arrival area.

"Jovs..."at agad akong niyakap. "Sobrang namiss kita sister!"

"Talaga lang ha!" kabig ko sa kanya.

"Wag ka me surprise pa nga ako sayo!" angas nito. At inakay ako sa nakapark na sasakyan.

"Iha... " bungad ni tita belle karga karga si baby Jaz.

"Tita!.... Baby..." at nagmadali na akong pumasok ng van. "Baby miss you sobra!" at agad tong nagpakarga sa kin. Di ko napigilan ang luha ko.

"Miss na miss ka na nyan." alo ni tita. "Hindi nga lang namin naisama si baby pat." napapailing na sabi nito.

"Nagkita kayo ni Chel?" agad kong tanong.

"Hindi... Si miko lang naabutan namin... Nasa photoshoot daw si chel." sabat ni chris ng makaupo ito sa harapan. "Wala pa ngang paalam yan ke chel pero pumayag narin si miko nung sinabi kong pauwi ka na."

"Ganon ba?... Pwede kayang dumiretso tayo sa bahay nila chel?"

"Jovs...." nag-aalangang sabi ni tita belle. "Hindi siguro makakabuti kung gagawin natin yon... Mabuti sigurong tawagan mo nalang muna si chel."


Hangang kelan ba ang ganitong setup namin? Hangang kelan ako magtitiis?


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon