Part 35

926 23 0
                                        


Bakit ganon? Bakit parang malabo parin? Sya nga ba talaga yon?

"Jovs...."

Namukhaan kaya nya ako? Naaalala pa kaya nya? Baka namalikmata lang ako.

"Jovs!" tawag nito sabay tapik sa balikat ko.

Kaya napalingon ako. "Aly... Ikaw lang pala."

"Layo naman isip mo? Nanonood ka ba? O nananaginip ka na naman ng gising?... Ano na bang score?" sabi nito at inabot ang mineral water na binili nya.

"Ha.... Lamang na ata...." naguluhan ako bigla kung sino na bang lamang sa pinapanood naming UAAP beach volleyball.

"Hay... Lumilipad na naman isip mo." biro nito. "Wag mong sabihin nag-away na naman kayo ni ate chel."

"Hi-hinde.... Teka Aly... Naalala mo ba yung dati?... Yung straight pa ako?" baling ko sa kanya.

"Hahaha... Anong straight?... E di ba gay ka since birth!" tawa nito.

"Hindi... Nung bago ko pa nakilala si Chel... Diba una naman tayong nagkakilala.... Dati pa sa Unigames... Tapos diba nung lumipat na ko dito sa manila... Me boyfriend ako..."

"Aahhh.... Yun ba? Yung boyfriend mong absent always... And sometimes present...in your dreams... Haha! Nu nga name nun?... Si Alex?"

"Oo.... Si Alex nga.... "

"O ano naman?" tanong nito.

"Nakita ko sya..."

"Talaga? Saan?"

"Kina Steph..."

Gulat nito. "Ha? Bakit kina Steph?"

"Sya yung boyfriend ni Steph." pag-amin ko. "Nagkita kami nung isang araw... Naisip ko lang... Kasi.... Kasi sinasaktan nya si Steph."

"Teka... Teka nga lang muna... Nakita mong sinaktan nya si Steph?" humarap na ito sa akin.

"Oo nga... Humingi ng saklolo si Steph kaya pumunta ako... Tapos naabutan kong kinakaladkad nya si Steph sa me parking lot."

"Shet... Tapos..." seryosong nakinig ito.

"E umawat ako... Kaso agad nya kong tinulak... " kwento ko. "Tapos nagsidatingan yung mga guards nung condo kaya nahatak ko si Steph.... Natigilan nga sya nung nakalapit sya ... Kaso hinila na ko ni Steph palayo... Kaya sinakay ko na sya sa kotse..."

"Teka... Alam na ba to ni ate chel?" tanong nito.

"Nasabi ko na.... Pero...pero hindi ko nasabi yung.... Ke Alex." Saad ko.

"Pero Jovs.... Teka..." napaisip ito. "So alam nya ba yung ngyari sa inyo ni Steph? Alam ni Alex kaya nya sinaktan si Steph."

"Ganon nga... Ang kwento ni Steph, me nagsabi daw... Hindi nga nya inamin... Dahil usapan namin na kalimutan nalang.."

"Jovs.... Ang sa akin lang... Labas ka na don... Hayaan mo na sila... Hindi ba nagalit si ate chel ng malaman nyang pinuntahan mo pa si Steph?"

"Nagalit..."

"Yun na nga eh... Baka magalit pa yon at makipaghiwalay pa sayo pag nakialam ka pa sa problema nila."

"Pero aly... Sasaktan nya si Steph!... Ng dahil sa kin..." diin ko.

"E di makipaghiwalay na si Steph sa kanya..." sagot nito. "Jovs naman... Hindi mo na problema yun... Kayo ba ni ate chel maayos ng nagsasama ngayon na inamin mo sa kanya ngyari sa inyo ni Steph... Di ba hindi pa... Iwasan mong magselos si ate chel kahit ang hangad mo  lang e tulungan si Steph."

"Hindi mo kasi naiintindihan..." sambit ko.

"Jovs..." natigilan ito. "Andyan na si ate..." sabay turo na palapit na sa amin.

"Hi... " ngiti nito at agad tumabi sa kin. "Sino na ang lamang?"

"Ha?... "agad kong hinanap ang score board.

"Feu..." agad na sagot ni Aly.

Hay buti nalang.

"Baby... Bakit ka naman natagalan?" iniba ko usapan sabay hawi sa buhok nya na hinipan ng hangin.

Agad naman itong umakbay sa akin. "E kasi nachange location pa kami.. Tapos nahirapan sila kunan ung ibang models... Pero sa kin..." ngiti nito sabay kibit balikat. "As usual... Maganda talaga ako sa camera eh."

"Aba... Syempre naman... Pakiss nga.." at hinalikan ko baba nya.

"Aba... Tama bang mag-ano kayo!" alma ni Aly. "Talagang PDA na kayo ha."

"Anong ano?" tangi ko. "Haha... Uwi na tayo baby."at hinalikan ko naman sya sa pisngi. Hmmmnnn.... Nakakagigil....

"Eto naman..." sabay alis ng kamay nya sa balikat ko. "Nakakarami ka na ha... Gusto kong manood no. Teka... Bakit?... Kala ko Feu lamang... E bakit LaSalle nanalo?"

----

Beep... Beep...

Cellphone ko ba yun? Takte asan na ba?

"Jovs!" sigaw ni Chel mula sa banyo.  "Kunin mo naman si Jaz dito!... "

"Oo.... "

Beep.... Beeppp..

Asan na kasi...

"Jovs naman!" sigaw nito.

Kaya kumaripas na ko ng takbo. "Baby.... Hay susme kang bata ka... Kahit saan gusto pasukan." agad kong hinatak palabas si baby sa  closet."

"Jovs... Nakalagay na towel sa bed?"tanong ni chel. "Bango na ni bunso."

"Oo..." at kinarga ko narin si baby Jaz palabas ng banyo. "Nilabas ko narin pajama."

Aliw na aliw naman si chel habang binibihisan si bunso.

Beep.... Beeppp...

"Cellphone mo ba yun?" pansin ni chel.

"Oo... Kanina ko pa nga hinahanap." at ibinaba ko na si Jaz kasi sobrang likot. "Hay tong bata to! Isisilid kita sa sako eh." loko ko.

"Hoy!... Wag mo ngang ginaganyan baby ko." duro ni chel. "Baby halika dito ke mommy."

Asan na ba kasi yung cellphone ko?

"Oi.... Baby... Ano yan hawak mo..." rinig kong kinakausap ni chel si baby Jaz.

Bakit wala dito sa bag ko? Haiz kaloka naman!

"Jovs..."

"O..."

"Bakit nagtetext sayo si Steph?"


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon