Part 38

972 18 0
                                    

Chel's pov

Hmmmnnn...."Jovs....... "ungol ko habang patuloy akong hinahalikan ni Jovs sa labi. Ramdam ko rin ang init ng katawan ni Jovs na nakadagan sa akin.

"Baby.... " bulong ni Jovs at gigil na gigil ang paghalik sa kin habang dahan dahan itong dumidiin.

"Jovs..." pansin ko ng natigilan sya. "Pagod ka na?" haplos ko sa mukha nya.

"Ma-masakit ulo ko... Biglang sumakit..." at hinawakan ang ulo nya kaya dalawang kamay kong hinawakan ito para masahiin.

"Me dala yata akong gamot mo..."sabi ko at inayos ang pagkahiga nya. Agad kong sinuot ang pantulog at underwear ko. "Teka... Kunin ko.." at agad ko tong hinagilap sa bag ko.

"Argghh... "daing nito at tila lalo pang sumakit ang ulo nya.

"Jovs eto na..."abot ko ng gamot at bottled water. Matapos nitong inumin ang gamot, nahiga ulit ito.

"Di ba tumama ulo mo kanina?" pag-alala ko sa ngyari sa kanya.

"Di naman... Napaupo lang naman ako."sabi nito at hawak parin ang ulo nya. Tumabi na ako sa kanya para itaas ang underwear nya at kinumutan ko ang katawan nya.

"Daya mo... Bakit ikaw lang tong nagdamit? Asan tshirt ko?"

Napangiti nalang ako."Wag na..." at agad ko syang niyakap.

"Ikaw ha... Nabitin ka ba... Sorry ha..."

"Wala yun... Slight lang..." tangi ko. Bitin nga ako! Kaloka! Mukhang addict narin ata ako. "Baby... Bakit ka nga ba lumabas kanina ng hotel... Sabi ni aby me hinabol ka..."

"Namalikmata lang siguro ako... Kala ko kakilala ko yun kaya pinuntahan ko." sagot nito.

"E sino palang inakala mo na yun?" sabi ko habang hinihimas ko ang ulo nya.

Napapikit muna ito bago humarap sa kin. "Baby..." at mariin akong hinalikan sa labi kaya bigla naman nag-init ang katawan ko at pumatong ako sa kanya. Di parin naghihiwalay ang mga labi namin habang hinihimas nya ang likuran ko. Ang sarap lang. Kaloka!

"Aaahh... Teka..." daing ni jovs at nakakunot ang noo nito.

"Sorry... Masakit parin ba..." kaya bahagya akong umatras.

"Medyo... " pero inangat nya ang ulo nya para mahalikan akong muli.

"Baby... Baka di mo pa kaya..." pigil ko.

"Kainis naman... Wrong timing!" himutok nito. "Pero chel... Yung... Yung kanina... Yung hinabol ko kanina sa labas....kala ko si alex.." pagtatapat nito.

Bigla akong naguluhan. "Sinong Alex?"

Hinalikan nya akong muli. "Si alex na boyfriend ni Steph.."

"Ha?" gulat ko. "Andito rin si Steph?"at agad uminit ang ulo ko. Si Steph na naman!

"Hinde... "sabi nito at pinakalma ako ng halik nya ulit sa labi. "Umiinit naman agad ulo mo eh."

"Panong hindi iinit ang ulo ko?... At bakit andito yang boyfriend ni Steph!"

"Teka nga..."at niyakap nalang nya ako ng mahigpit na nakadagan parin ako sa kanya. "Baby...si alex na boyfriend ni Steph... Sya... Sya yung Ex ko."

"Ano?" napalakas ang boses ko sabay bangon at napaupo nalang ako sa kanya. "Yung alex mo noon? Naging kayo ba talaga?"

"Oo... " agad din itong napaupo at kandong ako. "Baby... "

"Bakit hindi mo sinabi sa kin?" irita ko pero nakayakap parin sya sa akin.

"E di mo nga ako pinatapos noon diba... " alo nito. "Baby... Wag ka naman magalit." pansin nito ng bigla akong nagpumiglas sa yakap nya. "Baby... Sasabihin ko naman pero... Bilis kasi uminit ng ulo mo eh..."

"Panong hindi iinit ulo ko... E ang sinasabi mo sa akin ay mga ex mo!... Nakailang Ex ka ba ha!"

"Alam mo... Matulog nalang tayo... Lagi nalang mainit ulo mo!" nainis narin ito at nawala ang lambing.

"O sige na... Makikinig na ako..." pinigilan ko nalang inis ko at niyakap sya. "Nakakainis lang kasi... Me nauna pala sayo... Kala ko... Ako ang first mo."

"Aysus... Yun ba... Baby ikaw naman ang one and only ko." ngiti nito. "And my last..."

"Hmp... Totoo ba yan?"irap ko.

Tok...tok...tok...

"Chel?...Jovs?" tinig ni aby.

"Anong oras na ba?"taka ko.

"Shet!... 6am na!" gulat ko ng matingnan ang relo ko. Di pa kami nakakatulog!

"Bakit naman sobrang aga naman nila?" sabi ni Jovs at bumalik sa paghiga.

Nagmadali na akong bumangon at pinulot sa sahig ang tshirt ni Jovs at inihagis sa kanya. "Magdamit ka... Maaga alis natin at me practice pa kami bago ang game mamya." lumapit na ako sa pinto para pagbuksan si aby. "H...hi!"

"Di pa kayo bihis?" bungad nito at napalingon nalang ako ke Jovs na biglang nagtalukbong ng kumot.

"A eh... Sige magbibihis na... Una na kayong magbreakfast... Pakitake out nalang kami ng breakfast."

"Uhm.... Ganon?..."ngiti ni aby. "Natulog ba kayo?"

"A... E... Oo... Nagising na nga lang kami sa katok mo." tangi ko.

"Okey... Fine... Whatever..." kantyaw nito. "Sige itatake out nalang namin kayo ng sandwich... "

Halata bang wala kaming tulog?
----

"Chel... Asan na si Jovs? Di ba nag Cr lang yon?" pansin ni ate terese ng makasakay na kaming lahat sa shuttle maliban ke Jovs.

Napatingin ako sa labas. "Teka... Sundan ko nalang.." at agad na akong bumaba ng sasakyan.

San na naman ba nagsuot yon. Bakit wala sya dito sa CR sa me lobby ng hotel. Kaya minabuti kong lumabas.

"Manong..." lapit ko sa guard na nakatayo sa labas. "Nakita nyo ba yung kasama namin."

"Ah... Yung maganda... Si Gonzaga?" sabi nito.

"Oo... Si Gonzaga nga... Nakita nyo po ba? Paalis na kasi kami." maganda rin naman ako ah.

"Lumabas na pero... Pero hindi dyan pumunta...  Ayun pala oh!" turo nito sa kinatatayuan ni Jovs. Tila me tinitingnan sa malayo.

"Jovs!" tawag ko pero di ata ako narinig kaya nilapitan ko na.

"Jovs?" hawak ko sa braso nya.

Lumingon ito. "Chel...."

Balisang balisa ito ng makaharap sa akin.  "Baby... Bakit?... Anong ginagawa mo dito? Paalis na tayo."

"Ha?... Oo... Ka-kala ko dito nakapark..." nauutal na sagot nito.

"Okey ka lang ba?" bigla tuloy akong nag-alala at masakit ulo nito kanina. "Tara na..." at hinawakan ko na kamay nya.

Agad narin kaming sumakay ng shuttle. Di parin mapakali si Jovs at tila me hinahanap sa labas.

"Baby... Ano bang hinahanap mo?" pansin ko. "Me naiwan ka ba?"

"Wa-wala... Kulang lang ako sa tulog... Idlip na muna ako." umakbay ito at isinandal ang ulo nya saka pumikit.


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon