Part 21

910 29 0
                                    

Chel's pov

"Break ... Break!" sigaw ni coach Tai matapos ang 1st set ng tune up game ng Ateneo vs Petron.

"Te chel..." lapit ni Aly at tumabi sa kin sa bench "Lamya ng tira mo... Okey ka na ba talaga?"

"Oo naman... Nakamove on na ako..." tangi ko kahit dama ko parin ang sakit ng paghihiwalay namin ni Jovs.

"Anong move on?" biglang sulpot ni Den. "Break na kayo ni Jovs!"

"A... Eh... Hindi.."Sabat ni Aly. "Alam mo ikaw para kang mushroom na bigla nalang susulpot kung saan."

"Ano ka ba?" saway nito. "Totoo ba ate chel?"

Tumango nalang ako.

"Talaga..." napangiti ito. "Sorry ha..."

"Kunyari ka pa dyan..." duro ni aly."Tingnan mo nga yang ngiti mo... Mapupunit na!... So masaya ka at maaagaw mo na si Jovs?"

"Wag ka!... Konti lang... Lam mo naman good things come to those who wait."

"Wish mo lang... Di mahilig si Jovs ng di sya abot... In short... Hindi sya mahilig sa bansot!"

Biglang hinampas ni den si Aly. "Ikaw ha... Kung makalait ka... Wagas ha!.. Basted ka kasi lagi!"

"Tse!"

"Magtigil na nga kayo.... "sabi ko ng marinig kong tumunog phone ko. "We chat lang pala."

"Me we chat ka?... Luma na yan!"

"E ano naman... Natutuwa lang ako sa kachat ko."

"Me kachat ka?... Taga saan?"

"Taga pinas lang din..." sagot ko. "Weird nga e... Matagal ko na syang di nakachat... Timing lang din na ngmessage sya at pareho pa kami ng problema."

"Ano namang problema? Pareho kayong brokenhearted!" tawa ni aly.

"Tama..." napangiti nalang ako. "Wala lang basta magaan syang kausap."

"Gwapo ba?" singit ni den.

"Di ko alam... Wala naman syang profile pix."

"Ate naman... Makikipagchat ka nalang... Dun pa sa walang mukha!"

"Di naman ako makikipagdate sa kanya ano... Masaya lang akong kachat sya... Kung humirit kasi sya... Parang..."

"Parang si Jovs?" baling ni Aly.

Natahimik nalang ako.

"Si Jovs ka pa me we chat? Asa ka pa don na me time yon!" sabi ni Den.

"Ate... Pano nga pala custody ng mga anak nyo?" tanong ni Aly.

"Syempre sa kin si baby pat... Pero hiniling nya na sa kanya si baby Jaz kahit ako ang ngadopt dito.... Pero 3 times a week, nasa akin naman si baby Jaz kaya okey na rin. At hinihiram din nya si baby pat para ipasyal kasama si baby Jaz."

"So nagkikita parin pala kayo."

"Hindi rin... Yung yaya nila lang ang umaakyat sa condo pag hinahatid si Jaz. Kahit nga pag hinihiram nya si bunso, yaya parin ang kumukuha."

"Aba... Iwasan talaga ang peg." sabi ni den.

"Mabuti narin yung ganon na hindi muna kami magkita..."

"Kaya ka ba hindi na maglalaro sa Army sa PSL?" tanong ni Aly.

"Ganun nga."

"See... I told you..." baling ni den ke aly."Napakalaki ng chance ko ke Jovs."

"Bakit?... Pumapayag na ba si ate chel ha?"

"Papayag ka naman di ba?" tanong ni Den.

Napangiti nalang ako. "Kung saan masaya si Jovs."
Pinapalaya na nga ba kita? Bakit parang ang hirap?

"Hahay... Ate.. I love you." sabi ni den at bigla akong niyakap. "Huwag kang mag-alala... Mamahalin ko rin ang 2 anak nyo."

"Sus... Assuming... Di ka pa nga sinasagot ni Jovs."

"Gusto mo pustahan?" hamon ni den."Sali ka narin ate chel sa pusta... Mapapasagot ko si Jovs!"

"Hahaha... Para kang bola... Sarap hambalusin!" tawa ni Aly. "Call... 5k!"

"Make it 10k!"

"Pag untugin ko kaya kayo!" sa tingin mo makukuha mo si Jovs sa pusta pusta lang... Pwes hinde! Kasi hindi ko na sya ipamimigay!"

"Ate... Kala ko ba nakamove on ka na?" napakamot sa ulo si den.

"Nagbago isip ko eh!... Bakit bawal? Babae ako kaya fickle minded!"

"Hahaha..."tawa ni Aly. "Sabihin mo in love ka parin ke Jovs!"


---
Hay... Ang sama naman magparking talaga oh... Bawal ngang magpark dyan... Nagpark parin. Kaloka.

Kaya minabuti kong lapitan ang sasakyan at eksaktong bumukas ang pinto.

"Jovs..."

"Chel..." gulat nito. "Ah... Eh... Hi?"

"Hi..." napalunok nalang ako.

"Hinihintay ko lang si yaya... Hinatid na si bunso sa taas." halatang nanibago ito. Dalawang lingo narin kasi kaming hindi nagkita.

"Si baby jaz..." pansin ko sa loob ng sasakyan na nakaupo sa car seat nya.

"Nakatulog na nga. Ang likot kasi sa park kanina."

"Kiss ko lang.." at binuksan ko ang likuran para makapasok sa loob. "Baby ko... Love you." at hinalikan ko ito. Sarap kurutin kaso mahimbing itong natutulog.

"Ah... Chel..." sabi nito ng makalabas ako."Di ba next week bday ni baby Jaz... Baka nasa baguio kasi ako nyan... Kung ok lang na icelebrate namin ng advance bday nya sa bahay... Hiramin ko sana si bunso... Kahit isang gabi lang... Tapos sabay ko ng ihatid kinabukasan yung dalawa."

Aray naman... Hindi man lang ako ininvite sa bday ng anak namin. Kaloka to ah.

"Bakit hindi nalang natin isabay celebration?"

"Ha... A...eh naisip ko rin yon... Baka kasi di ka pumayag na magkasama tayo sa bday ni baby Jaz."

"Bakit naman hindi ako papayag? E nakamove on na ko!" irap ko. "Baka ikaw?"

"A-ako?" utal nyang sabi. "Hindi no. Wala na sa kin no!"

"Talaga lang ha?" ngiti ko. "E di sabay natin icelebrate bday nya... "

Chel... Ano ba kasing iniisip mo?

"Chel..." bati ni yaya ng makalapit sa min. "Tulog agad si bunso."

"Salamat ya..." sabi ko at pumasok narin ito sa likuran katabi si baby Jaz.

"A... Eh... Sige.. Alis na kami." ngiting naiilang ni Jovs. Pero ang cute nya parin. Kainis!

"Sige..." akmang magbebeso lang sana ako. "Jovs!" gulat ko sa halik nya sa labi ko.

"Sorry..." kamot nito sa ulo. "Hehe... Nabigla lang ako."

"Ikaw ha.." sabi ko at hinayaan na syang makasakay. Sarap sanang pigilan. Sobrang miss na kita Jovs...


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon