Chel's pov
Ang sarap naman ng tulog ko. Napadilat nalang ako. Ang baby ko at hinalikan ko sya. "Ganda naman ng panaginip ko." at pumikit ako ulit."Chel..."
"Jovs!" nagulantang ako. "A-anong ginagawa mo dito?"
"A... Eh... Me naiwan kasi ako..." napakamot ito.
"Ano naman naiwan mo?" agad na tanong ko. Iniisip siguro ng mokang na ito porket me nangyari samin kanina, okey na ulit kami?
"A eh... Yung charger ko." sabi nya. "Hi-hinanap ko kagabi kaso di ko mahanap kaya nakatulog nalang ako."
Sinungaling! Gusto mo lang makascore ulit! Pwede naman... Hay chel! Maghunus dili ka!
Napakunot nalang ako. Nakakainis naman o... Kala ko panaginip pero bakit bumibilis na naman tibok ng puso ko. at agad akong bumangon at sinuot ang robe "So hindi mo rin pala nahanap... Baka pwede ka ng umalis..""Ha?... A oo... Aalis na ako." kaya nagmadali na ito pumunta ng banyo.
Napangiti nalang ako. Tampo naman agad. Masundan nga....
Ding... Dong....
Kaaga naman. Si yaya na ba ito?
"Peter?"
"Hi chel... "
"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko hindi ka pwede pumunta dito!" singhal ko.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" paawa epek nito.
"Sandali lang ha!" at hinayaan ko nalang syang makapasok.
Biglang lumabas ng kwarto si Jovs.
"Hi Jovs..." bati ni Peter. "Mu-musta.."
"Okey naman." tumango lang ito. "Alis na ko."
Di man lang tumingin sa akin at dumiretso ng lumabas ng unit.
Iniisip ba nyang kami na ulit ni Peter? Kaloka! Wrong timing talaga tong si Peter!"Ano ba kasing sasabihin mo?"
"Gusto ko lang sana magpasalamat dahil alam kong hindi mo hahayaan na makulong ako."
"Wag ka sa akin magpasalamat! Dun ke Jovs at kusa nyang inatras ang demanda sayo!" sagot ko. "Magkalinawan nga tayo... Di ba sabi ko wag ka ng pupunta dito... Tumawag ka kung gusto mong makita si baby at ipapasama ko ke yaya."
"Chel... Alam ko pero nabalitaan ko kasi na break na ka.."
"Hindi!... Hindi kami break ni Jovs!... Iniisip mo bang makikipagbalikan ako sayo?" kunot kong tanong. "Hinding hindi kita mapapatawad sa ginawa mo ke Jovs!... Kaya makakaalis ka na."
---
"Ate... Manonood ka ba sa sabado?" tanong ni aly ng makapasok ako sa sasakyan nya."Bakit anong meron?"
"Eto naman... Syempre finals ng svl... Laban namin ng Nu."
"Aahh... Oo nga pala... Di ko sure..."
"Ha?... Hindi ka pala kasama?"
"Kasama saan?"
"Sapilitang humingi sa kin si Jovs ng ticket... Isasama nga nya dalawang anak nyo... At sigurado akong sinabi nya na kasama karin.. Ring side ba naman yung hiningi." kwento nito.
"Aba... Hindi ko alam... Kelan sya humingi sayo?"
"Kahapon ng hapon... E... Excited nga yon at sabi nya pupuntahan ka kagabi."
"Naloko na!" napahawak nalang ako sa noo ko.
"Bakit?"
"Bigla kasi syang umalis ng makita si Peter."
"Ano?... Bakit nasan si Peter? Nasa bahay mo rin?...teka... Kayo na ba ulit ni Jovs?"
Napailing nalang ako
![](https://img.wattpad.com/cover/45573600-288-k771731.jpg)