Part 30

923 23 0
                                    

Chel's pov

"Ate... Me sasabihin sana ako..." tulirong sabi ni den.

"Ano ba kasi yon? Nag-away na naman kayo ni Aly?" tanong ko.

"Hi-hinde... Hinde sa min ni Aly..." napakamot ito sa ulo. "Ayoko kasing ipatagal pa... Kasi si Jo..."

"Ate chel." kaway ni Aly na lumapit sa amin. Ang baby ko nandito narin

"Baby... " ngiti ko at agad ko syang niyakap. "Buti nalang nakahabol ka kundi kukutusan talaga kita. Di ka nga sumipot kagabi."

"Ha?.... A eh... Sa bahay ako nakatulog diba... " sagot nito.

"Jovs... Kinakabahan ako... Hindi kaya matalo kami?"

"Ano ka ba?" hawak nito sa mukha ko. "Kaya mo yan."at hinalikan ako  sa pisngi.

"Tara na daw... Sabi ni coach.." sigaw ni dindin.

"Baby... Dun ka umupo sa me ringside ha..." bilin ko.

"Oo ba..." sagot ni Jovs at lumabas na kami ng locker room.

Bakit ba sobrang kinakabahan ako. Di ko naman first time maglaro. Nawala na to kanina nung mayakap ko si Jovs.. Baka kelangan ikiss ko din sya. Kaloka... Asan na ba sila at hindi pa puwesto sa ringside.

"Ate chel... Okey ka lang?" pansin ni dindin.

"Ewan!" taas balikat na sabi ko. "Teka ha... Balikan ko lang si Jovs." dali kong sabi.

Andun parin ba sila sa locker room? Hay buti nalang at agad kong nakita si Jovs. Parang nagtatalo pa tong tatlo.

"Alam mo kung anong sinasabi ko." walang kurap na sabi ni den.

"Sabihin mo na kasi..." rinig kong sabi ni Aly ke den.

"Bakit hindi mo itanong ke Jovs kung san sya natulog kagabi?"

"Stop it den!" inis na sabi ni Jovs.

"Natatakot ka bang malaman ni ate Chel?" sambit nito.

Ano ba't?...

"Teka nga..."singit ni Aly. "Sinasabi mo bang hindi sa bahay nila natulog si Jovs?... Kundi.... " napaisip ito. "Ke Steph?"

"Hindi ganon okey."diin ni Jovs.

"Eh ano ba talaga?" singit ko ng di nila napansin na nasa likuran na nila ako.

"Chel?..." gulat na sabi ni Jovs.

"Nung sinabi mong hindi kayo ni Steph... Naniwala ako... " kunot noo kong sabi. "Tapos ano ba talaga Jovs."

"Chel..." lapit niti at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Maniwala ka... Ikaw lang.."

"Ikaw ha... " nakakunot parin ako kaya agad nya akong niyakap.

"Baby... Baka hinahanap ka na..." sabi nito. At agad na akong inakay palayo kina Aly at den.

Chel... Kalma ka lang... Ayaw kong mag-away kami dito ng dahil lang sa walang kwentang narinig ko.

"Jovs... Sana nagsasabi ka ng totoo." bulong ko ng makalapit na kami sa teamates ko.

"Chel... Hindi ko magagawang magsinungaling sayo. " sabi nito. Nagsasabi ka nga ba ng totoo Jovs?

Napangiti nalang ako. "Tiwala naman ako sayo, baby." at nagsimula na kaming magwarm up.

-------
Napakaganda talaga ni Jovs kahit tulog. Mahigpit itong nakayakap sa beywang ko. At bakit tumitiklop ako pag nilalambing na ako ni Jovs. Pero hindi ko parin makalimutan yung narinig kong alitan nila kanina. Kaya nga siguro natalo kami. Di ako nakapagfocus. Kaloka talaga... Chel ano ba? Magpapakamartyr ka nalang ba? Pero mahal ko si Jovs... At alam kong mahal din ako ni Jovs... Kaso... Kaso... Bakit kasi ang daming nagkakagusto sayo?

Napadilat ito. "O... Bakit gising ka pa?" mahinang sabi nito.

"A... Eh... Matutulog na..." sabi ko nalang.

"Hhmmnnn... Baby... Solo natin ang kwarto." ngiti nito na parang me balak gawin.

"Tumigil ka nga..." saway ko."Nakita mo ng pagod ako... Bakit ba kasi me bagong kwarto yung dalawa? Di tuloy ako mapakali."

"E anong magagawa ko... Pinaayos ni Papa yung kabilang kwarto para sa kanila.. At sila na daw at yaya magbabantay pag nagising."

"E kahit na... Mas gusto kong nakikita yung dalawa." dabog kong sagot.

"Sshhhh.... O sige bukas... Ililipat na natin dito..." sabi nito at hinalikan ako sa leeg. "Bago mo talaga..."

"Jovs naman eh..." saway ko. "Matulog ka na at me game ka pa bukas."

"Ikaw ang matulog na at maglalaro pa tayo bukas.." duro nito.

"Hindi na ako maglalaro sa Army."

"Ano?" gulat nito at napaupo.

"E... Jovs... Nagsabi na ko ke coach kungfu..."

"Kelan?" kunot noong tanong nito. "Malamang hindi papayag yun."

"Bago lang... Tumawag ako... Pumayag naman sya.."

"Tapos ngayon mo lang sasabihin sa kin?" napataas ng boses nito. "Dahil ba ito kanina?... Nagdududa ka parin ba sa kin?"

"Jovs wala tong kinalaman sa ... Sa kung ano man yung kanina... Nakakapagod lang na dalawang liga ang sasalihan ko." paliwanag ko.

Alam kong mahirap ipaliwanag...pero mas mabuti ng hindi kami magkasama sa team ngayon.

"Chel naman... " napailing na sabi nito.

"Jovs... Mabuti narin yon para hindi ako masyadong pagod... Tapos magrereklamo ka pag hindi kita naaasikaso..." palusot ko nalang.. Mahirap mapagod at kelangan kitang bantayan.

Hindi parin ito kumbinsido. "Jovs... Gusto ko lang na maasikaso kayong tatlo.. Okey? Kaya wag ka ng magalit."

"Kasi naman.... Ginaganahan ako pag nakikita kita..." tampo nito.

"Lagi naman akong manonood ng game mo para mabantayan ka." ay shet... Bakit ko ba nasabi yon?

"Bantayan?" taka nito.

"Hi-hinde..." utal kong sabi. "Sabi ko lagi akong manonood para icheer ka!" ngiti ko nalang at niyakap sya. Hay... Kaloka... Humanda kang Steph ka!

"Talaga?" pacute na sabi nito.

"Syempre naman baby!"

"Halika nga dito..." at agad akong hinatak palapit sa kanya.. "Pampabwenas para bukas.." at siniil ako ng halik.

"Jovs..." pigil ko pero kusang malakas sya kaya di ko magawang umiwas.

"Baby... Saglit lang..." at agad syang pumatong sa kin at pinugpug ako ng halik sa leeg.

"Jovs..." nakikiliti kong sabi. At agad ko nalang naramdaman ang kamay nya sa loob ng sando ko at dahan dahan hinimas ang dibdib ko.

"Hmmmnnn... Nakakabaliw ka talaga..." at biglang inangat ang suot kong pang itaas.

"Teka... Teka...Jovs naman..." awat ko pero nagawa parin nyang maalis ang sando ko. "Jovs!"

At tumigil sya at napatingin lang sa akin.

"Ayaw mo ba??" tanong nito.

"Jovs... Pagod ako..." dahilan ko nalang pero... Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko.

Kaya umayos na ito ng higa. "Sorry..." nahihiyang sabi nito. "Tulog na tayo." at tumagilid ito na nakatalikod sa akin.


 

Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon