'Anong gagawin mo kung mahal mo pa ng ex mo?' Sent!
Sasagot kaya tong kachat ko?
"Jovs" pansin ni steph. "Kanina ka pang tahimik dyan.. Okey ka lang ba?"
"Okey lang ako..." baling ko sa kanya.
"Iniisip mo parin ba si Chel?" tanong nito.
"Iniisip ko lang mga anak namin." diretso kong sagot.
"Gusto mo na bang makipagbalikan na sa kanya?"
"Wala naman akong sinasabing ganon." tangi ko.
"Hay Jovs... Sige deny pa. Hindi halata?" tawa nito.
Di nalang ako umimik. Hindi ko rin alam. Ano ba talaga?
"Jovs... Hindi sa ayaw kong sakyan ang drama mo... Pero sa ginagawa mo.. Di ko alam kung gusto mo ba talagang makalimot." pag-amin nito.
"Just give me time..." sabi ko nalang. "Alis na muna ako."
---
Kanina pa ako tumatawag ah. Bakit hindi sumasagot si Chel? Nag-aalala na ko.
Di na ko nagdalawang isip na pumunta sa bahay ni chel. Buti me susi pa ako ng condo nya.
Bakit parang walang tao? Tulog na ba sila?
Dahan dahan akong pumasok ng kwarto. Tulog na nga si baby sa crib. At si Chel... Mahimbing naring natutulog.
Umupo nalang ako sa gilid ng kama.
"Chel.... Sorry..." bulong ko. "Hindi ako kasing tatag mo... Mahal kita pero...pero nasasaktan ako." at pumatak nalang luha ko.
Nakakapagod na....
---
"Hmmmmnnn..." unat ko. "Chel..." nagising akong nakayakap ke chel. Kaya mas sumiksik pa ako sa kanya.
Biglang napadilat si Chel. Ngumiti lang ito at bigla akong hinalikan sa labi. "Ganda naman ng panaginip ko." at pumikit ulit ito.
"Chel..."
Dumilat ulit ito. "Jovs!" nagulantang ito. "A-anong ginagawa mo dito?"
"A... Eh... Me naiwan kasi ako..." napakamot nalang ako.
"Ano naman naiwan mo?"
Ang puso ko. "A eh... Yung charger ko." tangi ko. "Hi-hinanap ko kagabi kaso di ko mahanap kaya nakatulog nalang ako."
Napakunot nalang ito at agad bumangon at sinuot ang robe "So hindi mo rin pala nahanap... Baka pwede ka ng umalis.."
"Ha?... A oo... Aalis na ako." kaya nagmadali na ako pumunta ng banyo para maghilamos. Bakit parang nag-iba ihip ng hangin?
Ding... Dong....
Aga naman.. Sino kaya yon? Baka si yaya.
Ng nakapag-ayos na ako, agad na akong lumabas ng kwarto.
"Hi Jovs..." si Peter pala. "Mu-musta.." Ang hayupppp!
Aga naman. Si baby pat ba dinadalaw nya o si Chel?
"Okey naman." tumango nalang ako. "Alis na ko." di na ko tumingin ke chel at dumiretso na akong lumabas ng unit.
Bakit bigla nalang uminit ang ulo ko ng makita si Peter? E syempre parang wala lang sa kanya at malaya sya ngayon. Tapos ngayon... Ibig bang sabihin me pagkakataon na magkabalikan sila? Kaya ba nya ako pinapaalis agad dahil darating si Peter? Haiz Jovs! E ano naman ngayon! Jovs naman... Wag kang umiyak...
