Chel's pov"Anong gusto lang? Kung pwede lang maghiwalay na tayo!" galit ko. Sobrang inis na inis na ako lalo na pag naaalala ko yung mga text messages ni Steph.
"Oooppps..." Awat ni Din. "Wag naman dito girls...!" at inakay na ako ni dindin sa elevator.
Ng makapasok kami sa kwarto. "Ate chel.... Okey ka lang?"
Di ko na napigilang maluha kaya tinakpan ko nalang ng dalawang kamay ang mukha ko.
"Ate...." alo nito. "Siguro dapat nyong mag-usap."
"Ano pang pag-uusapan namin... Huli ko na sya!"hikbi ko.
"Pero ate... Ano ba kasing nakasulat sa text?"
Pinahiran ko muna luha ko."Ang...ang text ni Steph... Na kelangan daw nilang mag-usap."
"Yun lang?"
"Tapos... kung pwede magkita sila..."hikbi ko.
"E me sagot ba sa text si Jovs?"
"E yun nga nakuha kasi ni Jaz yung phone kaya ko nabasa."
"E nabasa mo ba yung mga previous texts?"
"Oo... Meron pa nga dun.. Na me tinanong si Steph... Bakit hindi daw sinabi... Parang ganon."
"Tapos me sagot ba si Jovs dun?"
"Wala..."
"E wala naman pala eh... Baka si Steph lang tong mapilit." sagot ni dindin.
"Pero kahit na... Kasi puro tawag naman kasi ginagawa ni Jovs... Sa call list nya... Puro ke Steph!" at lalo pa tuloy akong naiyak.
Natawa pa ito."Tamad kasi magtext si Jovs eh."
"Nakakainis ka!"tapik ko sa braso nya.
"E joke... Kasi ate... Ganito... Ganyan din ngyari sa min ng asawa ko... Nagduda akong me kalaguyo sya. Tapos nung nahawakan ko phone nya.. Nagalit ako at tinanong ko mismo kung sino tinatawagan nya.." kwento nito."E yun pala... Yung Lola nya. Kakaloka di ba."
"E si Steph... Hindi pa naman Lola!" bulyaw ko pero natawa nalang din ako.
"Haha... Yun nga... Kasi dapat tinanong mo si Jovs kung bakit nakikipag usap pa sya ke Steph."
"Ginawa ko yun."
"Tapos?"
"Nginitian lang ako."
"Hahaha... Kahit kelan talaga Jovskie!" tawa ng tawa si dindin.
"Nakakainis diba?"
"E anu naman ginawa mo matapos ka nyang ngitian?"
"Ha?"
"Naku... Yun na!... Dale ka na naman!... Hahaha!"natatawa na napapailing ito.
"Hindi..." alma ko. "E kasi... " pano ko ba sasabihin. Kaloka! Bakit ba nauuto ako ni Jovs! "Yung tumatawag sa kanya kanina na hindi nya sinagot.... Sigurado ako...si Steph yun?"
"Ate... Lam mo sobrang selos ka lang..."
"Alam mo hindi ako magagalit ng ganito kung walang ngyari sa kanila... Pero meron!... Meron!...at masaklap... Inamin pa nya!"napatayo na ako.
Kringgg.... Kringggg...
Phone ko pala. Si aby...
"Hello.. Aby?... Ano? Si Jovs?"
----
"Asan na si Jovs?" hangos ko ng makarating kami sa labas ng hotel.
"Pabalik na... Inayos lang nila ate Terese..."sagot ni Aby." O ayan na pala sila."
"Ano ba kasing ngyari?" sabat ni dindin ng makalapit na sila ate terese at yung driver.
"Tindi nito ni Jovs." nakangiting sabi ni ate terese. "Buti di nya napuruhan..."
"Kesa sya ang muntikan... Napuruhan pa yung isa..." dagdag ng driver namin.
"Bakit ba kasi?" nag-alala na ko.
"Me humarurot na motor dito kanina... E biglang tumawid si Jovs... "kwento ng driver. "Maagap na nakabig ni Jovs at naitulak nya yung nakamotor...bagsak silang pareho.."
"E si Jovs..."
"Okey lang... Yung nakamotor ang napuruhan."
"Heto na pala..." kaway ni aby.
"Ano na naman ginawa mo?" sigaw ko sa kanya ng makalapit ito sa min.
"O bakit ka na naman nagagalit?" nakakainis at nakangiti pa ito. Pero sobra talaga akong nag-alala.
"Bakit kasi di ka tumitingin pag tumatawid! Nakakainis ka na!"bulyaw ko."Magpapakamatay ka ba?...Gusto mo na talaga akong iwan!"
"ssshhh... Ito naman... Pakamatay agad... Pwede bang magkasakit muna..." nagawa pa kong lokohin pero agad naman akong niyakap ng mahigpit. "Syempre ...ako?.. iiwan ka?.... Never!"
"Ay sus!!!!... Bati na naman kayo!" kantyaw nila dindin.