2 weeks later.....Ang buhay parang life. Ang life me past, present at future. San kaya ang forever dun? Kaso sa TV nalang ata yon. Sa kaso ko, hangang panaginip nalang ata yon. Parang elevator, kung hindi mo pipindutin, hindi aandar. Ang tanga lang ano. Siguro nga, parang coke lang yan. Habang tumatagal, di na malamig. Eh di magtubig ka nalang. Parang pandesal, pag di mo kinain agad, titigas. E di monay nalang. Haiz! Jovs naman. Tao ka ba? Oo naman. Eh puso? Tumitibok pa ba ang puso mo? Oo naman... Pag nakikita ko ang aking dalawang anghel.... At si... Chel...
Ding dong......
"Jovs..." bungad ni yaya ng mabuksan ang pinto. "Ready na kami." at hinayaan akong makapasok sa unit ni chel."Kiss naman dyan oh.." luhod ko para mayakap ang aking mga anghel. "Miss nyo ba si mama?"
Nag-uunahan pang magpakarga ang dalawa. "Teka... Teka... Bibigat nyo na!" sobrang namiss ko talaga sila.
"Licelle..."tawag ni yaya sa isa pang yaya. "Halika na at aalis na tayo." dagdag nito at kinarga na si baby pat.
"Yaya.... Si Chel?"
"Nasa kwarto... Kaso nagbilin na wag syang istorbohin... "Napayukong sabi ni yaya. "Hayaan mo nalang muna. "
Napapikit nalang ako. "Hindi ko na kasi kayang maghintay pa."
"Jovs... Lilipas din yan... "kumbinsi nito. "Magkakabalikan din kayo."
"Si tita belle... Naghihintay sa sasakyan... Sya muna sasama sa inyo para ipasyal yung dalawa."
"Jovs... Hindi nga..."
"kelangan na talaga namin mag-usap." sabat ko. "Sige na.... Umalis na kayo."
"Jovs...." nag-aalangang sabi nito.
"Akong bahala... Sige na..." pilit ko na silang pinalabas at isinara ang pinto.
Eto na talaga! Sundalo ako at hindi basta basta sumusuko. Pano kung batuhin naman ako. Haiz jovs! Kaya mo yan!
Dahan dahan akong lumapit sa pintuan ng kwarto at ipinihit ang door knob.
Bukas... Tulog kaya?... Hmmmnnn....
Itinulak ko ng bahagya ang pinto at dumungaw.. Baka natutulog nga....
"Di ba sabi ko ayaw ko ng istorbo?" nakapamewang ito sa likuran ng pinto. "Jovs pwede ba... Wala ako sa mood para makipag-usap sayo!"
Napakamot nalang ako. "Chel... E kelan pa? Pinagbigyan na nga kita na mag alsa balutan at kasama yung dalawa... Ano pa bang gusto mo?"
"Gusto kong umalis ka na... Please lang." diin nito.
"Ano ba kasing problema mo? Bakit kung kani-kanino ka naniniwala? Magtiwala ka naman sa kin... " pagmamakaawa ko. "Kung anu man ang sinabi sayo ni Alex, di ko naman idedeny... Chel naman... Hindi ko na kaya ang ganitong set-up natin.."
"E di sige... Maghiwalay na tayo!" giit nito.
"Yan ba talaga naiisip mong solusyon sa problema natin ha?... Hindi ba pwedeng cool off muna?... Chel naman..."lapit ko sa kanya at hinawakan ang kamay nya. "Sobrang miss na kita..."
"Hindi kita namiss!" irap nito.
"Ows... Bakit di ka makatingin?" biro ko.
"Tigilan mo nga ako!" hampas nito sa kamay ko at ngtungo ng banyo.
"Chel..." sabi ko habang nakasunod sa kanya. "Hindi ka pa ba napapagod sa kakaiwas?"
"Pagod na pagod na ko sa mga kalokohan mo!" sambit nito. "Kaya pwede ba... Umalis ka na."
"Sige... Aalis ako.." banta ko. "At hindi na ako babalik!... Wag mo kong hahanapin ha?"
"Wag kang mag-alala... Walang makakaalala sayo."
"Chel!" sigaw ko. "Ganyan ka na ba talaga katigas?... Pwede bang.... Pwede bang ipostpone ko muna pag-alis ko?" lapit ko ulit sa kanya.
Agad itong tumalikod.. Aba napatawa ko si baby ko. "U...umalis ka na kasi.."
"Chel... " bigla akong yumakap sa likuran nya. "Miss na talaga kita..." sabay halik sa batok nya.
Biglang iwas nito. "Ano ba?... Wag mo nga akong landiin!" sigaw nito at lumabas ng banyo.
"Eh ano ba talaga gusto mong mangyari ha?" inis kong habol sa kanya.
Bigla itong me kinuha sa drawer at sabay binato sa akin ang brown envelop. "Ipaliwanag mo nga kung anong ibig sabihin nyan!"
Ano ba kasi to? At bumungad sa akin ang litrato ng dalawa na nghahalikan. "O... Ano na naman to?" kunot noo kong tanong.
"Aba!" inis nito. "Eh ikaw yan eh! At ang kalaguyo mo!"
"Ano?" at tinitigan ko ulit ang litrato. Panong ako? E mukha lang ni steph ang malinaw.. Yung isa... E paside kasi ang kuha. "Hindi marunong kumuha ang nagpicture nito."
"So dinedeny mo pa!"
"wait..." awat ko. "Hmmmnnn.... Kelan ko naman sya hinalikan? At sa labas pa... Sa me parking ba ito?... Hindi ako to no?"
"Anong hindi! Malabo na ba mata mo? E yan yung relo mo oh... At yung tshirt mo... Me tatak army pa!"turo nito sa picture.
At binalikan ko ulit ang picture. Kelan ba ngyari to? Teka... Eto ba yung... Natawa nalang ako.
"Anung nakakatawa?" singhal nito.
"Hehe... Eto ba ang dahilan kung bakit ka nglayas?" natatawa parin ako.
"Ako ba talaga niloloko mo?" inis nito.
"Hindi... Kasi... Etong picture na ito... Ito yung umamin si Steph na me gusto sya sa kin... At bigla akong hinalikan..."
"So totoong nghalikan kayo?" angas nito.
"Anong naghalikan?... Sya lang humalik sa kin... Pero hindi ko sya hinalikan... Tingnan mo nga... Bigla lang akong sinunggaban ng halik dito."
"Kahit na!"
"Anong kahit na? Hinde!" diin ko."Si alex ba ngbigay nito?... Haiz chel... Ni hindi nga marunong kumuha ng angulo." at itinapon ko ang picture. "Chel naman... Kung magseselos ka lang ng dahil don... Aba! Mag-isip ka nga... Eh gusto lang nya sirain pagsasama natin... Baby naman." nilapitan ko na sya at niyakap. "Kung me kasalanan man ako ke alex noon... Inaamin ko naman... Pero hindi ko sadyang saktan sya... Kaya nga ko nakipaghiwalay kesa naman lokohin ko pa sya."
Tahimik lang ito at pinipigilan ang luha nya kaya dalawang kamay kong hinawakan ang kamay nya. "Kung anu man ang sinabi ni alex, di ko naman idedeny yon... Kaso pakinggan mo sana ako."
"Ano pa bang hindi ko alam tungkol sayo ha? Nasasaktan ako dahil hindi mo sinasabi sa kin." naiyak na ito.
"Sorry... Kung hindi ko nasabi.... Kasi nakaraan na yon... At masakit sa kin na balikan pa..." paliwanag ko. "Chel... Tao lang naman ako... Na minsan nagkamali... Pero pinagsisisihan kong nasaktan ko sya... Dahil takot akong aminin sa sarili ko noon... Iniisip kong me mali sa kin at iba ang tinitibok ng puso ko.... Pero ngayon sigurado na ako... Na sa iisang tao nalang tumitibok ang puso ko... At ikaw yun chel." hikbi ko.