Chel's pov
"Baby... Kala ko bukas pa tayo uuwi sa inyo?" sabi ko ng makapasok sa loob ng sasakyan. "Kala ko ba... Gusto mo pa akong masolo?"
"Ha?... A... Eh... Miss ko na si baby Jaz." sagot nito at sinimulan ng paandarin ang sasakyan.
"Hmmmppp... Kala ko pa naman.." tampo ko.
"Kasawa na eh." sambit nito.
"Ah ganon!... So nagsasawa ka na sa akin!..."singhal ko. "Dahil ba hindi ka makahirit at sobrang laki na ng tyan ko!"
"Hmmmnn... Medyo... Ganun na nga." natawa ito.
"Talaga lang ha... Ikaw ha?... Mailabas ko lang tong si baby... Hindi ka parin makakahirit ano!"
"Okey lang." simpleng sagot nito.
"Baket?... Meron ka ng iba?" angas ko. "Kaya siguro dadalhin mo ko sa bahay nyo para makahanap ka na?"
"Ah.... Oo nga no...." ngiti nito.
"Jovs..Ganon nalang ba?... Talaga bang maghahanap ka?"
"Ano naman ba kasi gusto mo?... Maghihintay ako... E isang buwan pa bago ka manganak... Tapos... Malamang aabutin pa ng isang buwan bago bumalik kaseksihan mo..." seryosong sabi nito. "Pano naman ako?... Six months na nga kong tulog... Tapos matitigang lang naman din pala."
"So maghahanap ka nga!" bigla akong kinabahan. "Ganon nalang ba yon?... Alam ko naman na mahirap sayo... Pero..."
"Wag kang mag-alala... Sayo parin naman ako uuwi."
"Jovs!..." sigaw ko.
"Huminahon ka nga... "Sabi nito. "Di naman nga kita iiwan eh... Intindihin mo naman ngyari sa kin... Sobra sobra ng dinanas ko."
Pinigilan ko nalang galit ko. Alam kong kasalanan ko lahat kung bakit ngyari ito. Sobrang laking sakripisyo na rin ang nagawa ni Jovs para sa kin.
"So... Payag ka na?" tanong nito.
Lumingon nalang ako sa bintana para di nya makitang pumatak na ang luha ko. "Pano kung hindi ako pumayag?"
"Pag-isipan mong mabuti... "Sabi nito. "Kung ayaw mo.... Pwede naman na maghiwalay nalang tayo.."
"Ah ganon!... E di sige... Maghiwalay na kaya tayo ngayon!"
"Okey..." sabi nito at di man lang nagawang tingnan ako.
Di na ako umimik.
Makalipas ang thirty minutes. Nakarating narin kami sa bahay nila.
Bakit parang me party?
"Oh... Okey kalang?" baling ni Jovs ng maipark na nya ang sasakyan.
Di parin ako umimik.
"O... Umiyak ka ba?" pansin nito ng pinahiran ko luha ko. "Me pawelcome party ata sa kin... "
"Paki ko..." irap ko.
"Halika... Baba na tayo."
Bakit parang balewala na ko sa kanya?
Lumabas na sya ng sasakyan. Nanatili parin akong nakaupo.
"Chel... Tara... Naghihintay na sila." sabi nito ng binuksan ang pintuan ng sasakyan. Kaya lumabas narin ako.
Napangiti ito. "Ikaw no...cute mo parin kahit maga ng ilong mo."
Di ko parin mapigilan ang luha ko. "Ewan ko sa yo!..."
"Sshhhh..." sabi nito at hinalikan ako sa labi. "Tahan na... Baka sabihin nila, pinaiyak ko ang buntis."
"Ate chel!" sulpot ni tin. "Andyan na pala kayo... Tara na at magbibihis ka pa." dugtong nito at agad akong hinila papasok ng bahay.
"Teka... Ano naman sama sa suot ko?" tanong ko ke tin ng makalapit kami sa kwarto.
Naabutan namin sila M9 at ate Ging sa loob.
"Teka..."
"Chel... Dali na... Bihis ka na.." sabi ni ate ging.
"Bakit ba?"
Pilit nilang inalis ang damit ko. At tila naguguluhan parin ako sa ngyayari.
"Bagay sayo.." ngiti ni M9 ng maisuot ko na ang puting dress.
"Ate.... Ang ganda mo..." tuwa ni tin. "Dapat me make up."
"Ako ng bahala dyan..." sabi ni ate ging at sinimulan na akong lagyan ng blush on.
"Teka... Welcome party naman ke Jovs bakit kelangan ko pang magbihis. Sobrang pormal naman nito at para akong ikakasal."
"Chel naman... Ikakasal ka nga!" ngiti ni M9. "Wag mong sabihin hindi ka excited."
"Ha?.... Paanong?"
"Tin.... Me kulang... Asan ang bouquet?" napapailing na si ate ging. "At ang kwintas!"
"Teka.... " nagsimula ng mamuo ulit luha ko. Hindi ko akalain....
"Ate... Wag mo patuluin.... Masisira ang make up mo!" sigaw ni tin.
---
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sobrang kaba na sobrang tuwa. At kahit anong gawin kong pigil, tuluyan paring pumapatak ang luha ko. Hindi ko akalain na ikakasal ako ngayon.... Sa taong nagpaiyak pa sa akin kanina. Jovs... Nakakainis ka!
Ngiting ngiti naman si Jovs na naghihintay sa harapan. Nakasuot rin sya ng puti kaso maikli ang cut nito na bumagay naman sa kanya.
Eto na ba? O nananaginip lang ako?
"Chel...." sabi ni Jovs ng magkaharap na kami. "Tahan na... Galit ka parin ba.... "
"Yan na ba wedding vow mo?" singit ni pastor.
Kaya nagtawanan ang lahat ng bisita.
"Eh... Hehe... Hindi po." kabadong sabi ni Jovs. "Chel.... A e... Nakalimutan ko ata... " kagat labing sabi nito.
"Uhmmm... Chel..
You are the strawberry to my jam...
You are the star to my bucks...
You're the ice to my cream...
You're the best to my friend....
In this world... There is no heart for me like yours...
And there is no other love for me but yours...
I promise to love you until the end of my days... " napaluha na ito.
"I love you, chel.... Ikaw lang..."
"Jovs...." di ko na mapigilan ang sarili ko kaya napayakap nalang ako sa kanya.
"Teka... Hindi pa tapos..." singit ulit ni Pastor.
"Sorry po..." natawa nalang ako at nagtawanan narin ang mga bisita.
"Hindi po kasi ako ready... Nakakainis ka Jovs.."Hiya kong sabi.
"Hahaha..."tawa ni pastor. "Eto nalang..." at inabot sa amin ang singsing.
"Jovs... With this ring... I pledge to be faithful... I will make sure you eat breakfast everyday... I will cherish and love you for all the days of our lives."
Titig na titig lang si Jovs at di na magawang magsalita.
Kisss.... Kissss.,..
"You may now kiss..." pagtatapos ni pastor.
Sobrang saya ko lang. At agad ng lumapit si Jovs at hinalikan ako sa labi.
"Baby... Akin ka na talaga ha." hikbi ni Jovs at niyakap ako ng mahigpit.
