Part 27

876 26 1
                                    

Chel's pov

Hahay... Sobrang daming tao. Kainis naman si Aly. Sabi ko yung malapit sa pwesto nila Jovs. Pero bakit parang ang layo ko yata at hindi ko sila matanaw.

Lakas ng hiyawan sa Arena ng magsipagpasukan na ang dalawang teams.

Malabong makita ko pa sila dito.

"Chel!" tawag ng babae sa likuran. Kaya napalingon ako.

"M9... Nene... Buti nalang andyan kayo... Kasama nyo si Jovs?" halos sumisigaw na ako dahil di kami magkarinigan sa hiyawan ng mga tao.

Kaya sumenyas nalang sila at parating palang pala. Nasilayan ko naman agad si Jovs na karga karga si baby Jaz. Sobrang cute ng dalawang baby ko lalo ng makalapit na sila sa min.

"Baby ko..." sigaw ko ng makita ko si baby Jaz na tuwang tuwa ng makita ako. "Miss kong baby ko." at agad ngpakarga si baby Jaz. Miss din kita Jovs!

Napangiti nalang si Jovs. "Andito ka pala?"

"Oo naman..." aba ayaw ata akong makita... Teka... Shet naman oh... Si Steph pala yung nakasunod ke Jovs.

Kung awkward nga trending for the day, jusme eto na ang pinaka! San ka pa. Ako, katabi ang ex ko, na karga karga ang panganay namin. At katabi ng ex ko ang girlfriend nya. Kaloka! Ako na! Dapat pala hindi na ako pumunta dito!

"Hi chel." bati ni Steph kaya ngumiti nalang ako. Bilis talaga ng mata ko at nakita ko pang magkaholding hands sila. E ano naman!

"Punta lang ako restroom." rinig kong sabi ni Steph. At hinayaan lang cya ni Jovs.

"Lipat nalang kami ni baby." sabi ko.

"Ha?... Bakit naman? Ok na nga pwesto natin?" taka ni Jovs.

"Dyahe naman sa inyo ni Steph..." sabi ko nalang. Yoko maging OP dito no!

"Bakit naman? Naiilang ka ba?"

"Ayaw ko kasing makaabala."

Inilapit ni Jovs ang mukha nya, "Ikaw no... Para kang math problem.."

"Ha? Bakit?"

"Hirap mong isolve... Kaya tititigan nalang kita.." nakakalokong ngiti nito.

"Tse... Tigil tigilan mo nga ako!" irap ko. Mas lumikot pa si baby Jaz kaya inalalayan ako ni Jovs.

"Baby... Wag ka masyadong malikot.."saway ni Jovs at umakbay na ito sa kin habang ang isang kamay nya hawak sa likuran si baby Jaz. Hmmmnnn... Pabor naman pala sa kin... Bakit ba sobrang namiss ko to at hinayaan ko lang si Jovs at nagawa ko pang isandal ang ulo ko sa kanya.

"Jovs..." tinig ni steph na nakabalik na pala. At biglang naghiyawan na ang mga fans ng tinawag ang team ateneo. 

Napalingon lang si Jovs ke Steph. Maya maya pa, lalo pang hinigpitan ni Jovs ang paghawak nya sa min. Ooopppsss moment ko to.. Hahay at di pinansin ni Jovs si steph.

Ilang minuto ring nakaakbay sa kin si Jovs. Mukha namang iritable na si Steph sa sitwasyon namin.

"Jovs..." bulong ko na halos mgkadikit na ang pisngi namin. "Pansinin mo si Steph... Ok lang naman kami ni baby."

"Ha?..." kaya biglang umatras ito. "Oo nga pala... Baka makita tayo ni Peter."

Shet... Iniisip ba talaga nyang kami ni Peter. "Jovs... Hindi ako nakipagbalikan ke Peter." pag-amin ko.

"Jovs... "sabat ni Steph at humawak sa hita nya. "Ano bang pinagtatalunan nyo?"

"Okey lang naman.. Di ka naman aamin eh." pabiro nitong sabi at di narinig ang sinabi ni Steph.

"Hindi nga... Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Hindi sa ayaw kong maniwala... Pangarap mo na magkaroon ng isang buong pamilya... Ito na yon."

"Jovs.... " singit ni Steph..

"Bakit ba paulit ulit mong binabangit ang pangarap ko? Ikaw ang panga...."

"Masaya ako kung magkakabalikan kayo ni Peter.."sabat nito."At kung sakali man, hihilingin ko sana...na hayaan mo ng ampunim ko si baby Jaz... Para.... Magkanya kanya na tayo.... Ng landas..."

"Ano?" napataas ng boses ko dahil di narin kami magkarinigan.

"Hindi naman matatangap ni Peter si baby Jaz... Kaya hayaan mo na ako ang magpalaki sa kanya." sabi nito pero di ko gaanong naintindihan sa sobrang lakas ng hiyawan ng mga fans.

"Hindi... Hindi ako papayag!" at agad akong tumayo sa takot na ilayo nga ni Jovs ang anak ko...

"Chel..." pigil ni Jovs pero tinabig ko sya at agad akong tumakbong palayo.

--

Kung mangangarap lang din ako, bakit sa isang magulong pamumuhay pa? Pwede naman nga ako makipagbalikan ke Peter na ama ng anak ko. Pag ngyari yon, isang buong pamilya na kaming matatawag. At malamang maraming matutuwa. Isa na dun si Jovs.

Pero yun nga ba ang tama? Kahit hindi ko mahal si Peter?

Knock... Knock...
"Pasok..." sagot ko.

"Ate... Si Jovs po..." sabi ni Yaya. "Nagpumilit makapas..."

Di na natapos ni yaya ang sasabihin nya ng agad pumasok sa kwarto si Jovs.

"Chel.... Kelangan natin mag-usap."kunot noong bungad ni Jovs.

"Sige na yaya..." sabi ko ke yaya at iniwan na kami ni Jovs.

"Hindi ka na nakakatuwa ha?... Bigla ka nalang nawala kahapon at hindi mo pa sinasagot ang phone mo!" sigaw nito.

Bakit nga ba kelangan humantong sa ganito? Hindi naman namin kelangang mag-away. "Hinaan mo boses mo... Baka magising yung dalawa."

Napabuntong hininga nalang ito at lumapit sa kin. Dama ko ang galit ni Jovs kaya agad akong umiwas ng tingin pero hinatak nya akong palapit sa kanya.

"Bakit ba ang sarap mong tirisin?" Bulong nito at mariin akong hinalikan sa labi. Pumikit lang ako.

"Chel..." sabi nito at dalawang kamay na hinawakan ang mukha ko para halikan ulit.

"Jovs......."pigil ko sa kanya. "Ano na ba talaga tayo?.... Ano ba ako sa puso mo?"


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon