Part 41

887 22 0
                                        


Chel's pov

"Sasama ka?" agad kong tanong ke Jovs na nagmamadaling inaayos ang bag nya. Ano naman kaya nakain nito at gustong manood ng laro ko kalaban ang meralco. Aba? Teka....

"Madali nalang to... Hindi ko mahanap powerbank ko." agad na sagot.

"Teka... Manood ka ba dahil andon si Steph?" napamewang nalang ako.

"Aysus... Selos naman agad ang baby ko.... Hay sa wakas nahanap ko rin!" bulalas nito ng makita ang powerbank nya.

"Eh... Bakit ka nga sasama?... Kala ko ba ikaw magbabantay sa dalawa?"

Biglang lapit nito sa kin at hinalikan ako sa labi. "E syempre... Para mapanood ang baby ko."

Hmmmnnn... "Teka bakit sobrang bango mo?" at inamoy ko leeg nya. "At parang...parang nagpafacial ka pa ah?"

"Eto naman....bawal ba maging maganda pag kasama ka?"

"Ikaw ha.... Makita ko lang na lalapit lapit ka ke Steph... Tingnan mo lang!" irap ko.

"HaiZ!... Tara na nga!" inakbayan ako palabas ng kwarto. "Baby... Hmmmmnnn... Ikaw lang ang aking mahal... Ang pag-ibig mo'y aking kailangan..." kanta nito.

----

"Uy ate.... Sumama si Jovs ah." ngiti ni dindin habang ngwawarm up kami. "Kaingit naman... Yung asawa ko...hindi makakasunod."

"Hay... Di ko nga maintindihan kung bakit biglang sumama... E kaninang umaga...ayaw naman tapos biglang ngbago isip." kwento ko.

"Ate... Mabuti nga nakasama eh."


Jov's pov

Ang tagal naman magsimula... Bakit kasi dito pa nya gustong makipagkita? Haiz di dapat mapansin ni Chel na me kakausapin ako dito.

"Jovs?" boses ng lalaki sa likuran ko.

Napalingon nalang ako. "Bu-buti nakarating ka na."

Bigla itong lumipat sa tabi ko. Buti nalang sa me patron seat ako nakaupo kahit gusto sana ni Chel ay si ringside ako pumuwesto.

"Kamusta ka naman?" sabi nito pero di tumitingin sa akin. Usapan kasi namin na dapat walang makapansin na magkasama kami.

"Okey lang ako... " sagot ko."Tapusin na natin to! Ano ba talagang kelangan mo?"

"Ikaw naman...parang wala tayong pinagsamahan."

"Pwede ba.." seryosong sabi ko."Tigilan mo na ako... Pati palayain mo na si Steph... Kung galit ka dahil iniisip mo niloko ka... Pwes ako ng humihingi ng dispensa."

"Hahaha..." tawa nito. "Sa tingin mo ganun nalang yon?... Ginago mo ako Jovs... Pinaniwala mo akong mahal mo tapos... Babae din pala hanap mo!... Tapos pati jowa ko... Pinatos mo!"

Napapikit nalang ako sa galit. Sana pala... Dinala ko nalang baril ko para patayin nalang tong hayup na to! "Hindi kita ginago... Gago ka naman talaga!"

"Aba!" inis nito.

"Sige... Subukan mong kantiin ako... Alalahanin mong maraming tao dito..." banta ko.

Napasuntok nalang ito sa hita nya.

"Maganda pala pinagpalit mo sa akin ano?" sarkastikong sabi nito. "Quits na tayo... Kung papayag kang makasama ko sya ng isang gabi."

Aba! Biglang sumirit ang dugo ko. "Subukan mo lang lapitan.... Papatayin talaga kita!"

"Uuuyyyy... Oo nga pala sundalo ka... Talaga? Kaya mo kong patayin?  Alalahanin mo...me dalawa kang anak."

Tama nga hinala ko... Minamanmanan nya pamilya ko. Nagsimula na ang laban ng petron at meralco.

"Biruin mo... Magkalaban pala ang dalawang babae mo ano?"

Napahawak nalang ako sa noo. Jovs! Ano ba kasing ginagawa mo? Upakan ko na kaya ito? "Nakakatuwa nga ano... Biruin mo... Magaganda silang pareho... At nainlove sa kin... Syempre mas pipiliin naman nila ako kesa sa isang hamak na lalaki... Wala namang binatbat."

"Ako ba!" napalakas ang boses nito kaya nagsipaglingunan ang ibang nanonood na katabi namin.

"Idol... Hi..."Bati ng lalaki sa harap at napalingon narin ang babae na katabi nya.

"Hello..." bati ko sa kanila. Kala siguro ng mokong nato eh walang makakakilala sa akin. Napilitan tuloy syang kumalma.

"So?" sabi ko. "ito lang masasabi ko... Wag na wag mong subukan na lumapit sa pamilya ko... " matalim ko syang tiningnan. "Subukan mo lang..." at agad akong tumayo at lumayo sa kanya.

---
Ramdam ko parin ang pangangatog ng tuhod ko sa kaganapan kanina. Buti nalang tapos na ang game. Mapuntahan na nga si Chel. Kelangan ko yata ng yakapsul.

"Abby..." bungad ko ng makapasok ako sa locker room. "Si Chel?"

"Hindi pa ba kayo nagkita?"taka nito habang inaayos ang gamit nya. "Di nga sumabay pumasok dito at sabi puntahan ka muna daw nya."

"Ano?... Hindi pa nga kami nagkita." bigla naman akong kinabahan. "Kanina pa ba yon?"

"Ah... Eh...oo..nakaligo na nga ako."

"Shit!.... Kelangan natin sya mahanap..."Taranta ko.

"Teka... Anjan lang yun..."

"Please abby..."sabi ko at dalawang kamay kong hinawakan ang braso nya. "Andito si Alex!"

"Ano?" at nataranta narin ito. "Sige..."

Di ko na sya pinatapos at kumaripas na akong tumakbo. Chel.... San ka ba?... Wag naman sana... Inilabas ko ng phone ko para matawagan sya. Takte naman oh... Ring lang ng ring.

Pinuntahan ko narin ang locker room ng Team Meralco.

"Steph!" sigaw ko ng masilayan sya. "Si chel nakita mo?"

"Teka... Bakit parang..."

"Andito si Alex" sabat ko. "Baka me gawin sya ke Chel!"

"Ano?" bigla rin itong naalarma. "Wala ba sa locker room nila."

Kring... Kringgg..

"Abby?... Hindi nyo parin nakita?... Sige... "

"Baka me... Teka... Nakita ko sila ni Mika kanina... "

"Saan?"

"Kasama ng mga fans... Nagpapapicture..."

Kaya dali kong tinakbo ang hallway kung saan madalas nag aabang ang mga fans... Si Mika.... Si Mika nga yun....

Hindi ako makalapit sa sobrang dami ng tao... Pero... Pero bakit wala si Chel?

"Jovs...." si dindin at agad lumapit sa kin. "Di mo parin nahanap?"

"Wala pa nga..." sobrang nag-aalala na nga ako.

"Galing na nga ako sa court baka sakaling andun pa sya kaso wala rin." natataranta narin ito.

Kringgg.... Kringgg...

Phone ni dindin.

"Abby?... Kasama mo na?... Sige pupunta na kami jan!"

"Kasama na ni Abby?" agad kong tanong.

"Tara sa locker room!" at kumaripas na kami ng takbo.

"Chel!" bungad ko ng madatnan namin syang nakaupo sa bench katabi si abby.

Tinakpan nito ang mukha nya. "Abby... Din... Pwede bang iwan nyo muna kami?"

"A... E... Sige..." sagot ng dalawa at lumabas ng locker room.

Agad akong lumapit sa kanya at lumuhod sa harap nya. "Baby.... Okey ka lang?" hawak ko sa kamay nya.

"Totoo ba?" mahinang  tanong ni chel sa akin. "Totoo ba?.... Na kasal ka sa kanya?" nangingilid na luha nito.

"Ano bang sinasabi mo?"

Pinipigilan nito ang luha nya kaya hinaplos ko nalang ang mukha nya.

"Kayo ni Alex.... Totoo ba Jovs?" pumatak ng luha nito.

Just a dream (Book 4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon