Part 39

862 19 0
                                    


Chel's pov

"Aly... Basta kelangan mo maisama si Jovs dito." sabi ko ke aly sa kabilang linya. "Ano?... Basta gawan mo ng paraan. Wag kang magpahalata... Surprise nga di ba."

Advance birthday party ni Jovs ngayon at dito gaganapin sa coffee shop ni Aby. At gaganapin naman bukas sa bahay ang mismong kaarawan nya. Sigurado akong matutuwa yon. Kala nya siguro nakalimutan ko bday nya.

"O... Anong oras daw sila darating?" lapit ni aby ng matapos nyang maihanda ang mga pagkain.

"Siguro after an hour... Bagal kasi dumiskarte ni Aly..sabi ko nga abangan matapos ang practice."

"Tagal pa... Gutom na ako!" reklamo ni dindin. "Sarap nung cake!"

"Tumigil ka nga! Pigilan mo muna yang tyan mo!" saway ko.

"Teka nga pala... Nakita ko pala si Steph.." singit ni aby.

"E ano naman? Wag mo ngang mabangit bangit yang pangalan na yan!"

"Pero chel... Pinagsabihan ko nga na tigilan na si Jovs... Ang sabi naman ni Steph... Wala naman talagang namamagitan sa kanila ni Jovs." kwento nito. "Kelangan daw nya lang makausap si Jovs kaso di na nga sya sinasagot ni Jovs."

"Buti naman kung ganon!" irap ko.

"Kaya sabi nya ikaw nalang kakausapin nya." dugtong nito.

"Ano? Wala ako sa mood para makipag usap sa kanya ano!"

"Ha?... A eh..."

"O??"

"Pinapunta ko sya dito eh..."

"Ano? Gusto mo bang masira araw ko!" singhal ko.

"Chel.... Importante daw sasabihin nya... Para matapos na rin." kumbinsi nito.

"Ma'am aby... Me naghahanap po sa inyo." bungad ng isang waiter ni Aby at pinapasok ito sa kusina.

"Hi!..." bati ni Steph. "Hi... Ate chel..."

"Steph.." at nakipagbeso si Aby. "Buti nakarating ka."

"Ano ba kasing sasabihin mo?" diretsa kong tanong.

"Ate..." pigil ni dindin.

"Bakit di tayo sa labas... Papahanda ako ng coffee..." akay sa akin ni Aby papuntang resto.

Di makatingin ng diretso si Steph ng makaupo kami. Nakiupo narin si Dindin at aby.

"So ano? Sana bilis bilisan mo ha." kunot noo kong sabi.

"Ate chel... Lam kong galit ka... Pero sa totoo lang walang namagitan ni minsan sa amin ni Jovs." paliwanag nito.

"Ah talaga?... E anong tawag sa nyo? Fucking friends?"

"Ate naman... Pwede namang friends with benefits.." dagdag ni dindin.

"A... Eh.. . Pero... Di namin kasi sinasadya... Pareho kaming lasing.... Pe-pero..." balisang sabi nito.

"So inakit mo si Jovs?" inis ko.

"Ate... Kasi... Oo... Pero di naman... Kasi.... Di naman natuloy..." nauutal na sabi nito.

"Panong hindi natuloy? Sinasabi mo bang nagising nalang si Jovs na wala ng saplot!" nairita na ako. "Di maalala ni Jovs ang ngyari kaya ba ngayon sinasabi mong wala!"

"Naguluhan din ako nung una... Kasi nagulat si Jovs ng magising sya na nasa condo ko... Sa... Sa inis ko... Sinabi kong me ngyari nga sa amin..."nahihiyang sabi nito. "Pe-pero... Ate maniwala ka... Di naman natuloy... Naialis ko lang damit nya... Tapos bigla na syang nakatulog dahil sa sobrang kalasingan..."

"Haha... Nagpapatawa ka ba?"

"Ate... Totoo... Di nga natuloy... Pero ang...sinabi ko lang na yon... Pero pinagsisisihan ko na... " kumbinsi nito. "Kung alam ko lang na ganito ang mgyayari...Hindi ko rin alam kung paano nalaman ni... Ng boyfriend ko.. "

"Nagsisisi ka na ngayon dahil binugbog ka ng jowa mo! Ganon ba?"banat ko.

"Ate... " awat ni dindin. "Chill..."

"Sana kung ganon lang eh... Sana kung ako lang... Pero... Alam mo bang..."

"Ex ni Jovs ang jowa mo?!!" singit ko.

"Whattt?" nagkasabay pa sina dindin at aby.

"Ate.... Nagbanta si Alex... Na gagantihan nya si Jovs... " dugtong nito.

"Teka... Bakit naman ganon? Labas na dapat si Jovs sa problema nyo!" di narin nakapagpigil si Aby.

"Para kasing.... Dalawang beses natapakan ni Jovs ego nya... Una nung nakipaghiwalay si Jovs sa kanya noon... Tapos ngayon... Lalo pa syang nagalit nung kala nyang kami ni Jovs." napapaiyak na ito.

"E dapat kasi pinaliwanag mo sa kanya na wala naman talagang ngyari... Dapat kasi..."

"Teka nga.."awat ko ke dindin. "Na cacarried away ka na.."

"Ay... Hehe... Sori... " natawa nalang ito.

Mukha namang sincere si Steph kaya pinigilan ko nalang ang galit ko. "Tapos?"

"Ginawa ko naman yon... Pinaliwanag ko sa kanya... Hindi ko rin malaman kung sino nagsabi sa kanya...."patuloy nito.

Bakit bigla naman akong kinabahan? Yung... Yung inakala ni Jovs na nakita nya si Alex sa Tarlac... Possibleng si Alex nga yon!

"Ate... Ang huling text message sa kin ni alex..." at ipinakita sa amin ang phone nya..

'I will have my sweet revenge... Very soon..'

Krinnnggg... Kringgg...

"Hello... O aly... Di kita gaanong marinig... Ano?... Wala dyan si Jovs!"


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon