Part 23

883 18 0
                                    

Chel's pov

"Morning ate chel!" bati ni aly ng makapasok ito sa bahay.

"Aga mo naman... Di ba mamya pa tayo?" sabi ko at hinayaan syang makaupo sa sofa.

"Bored na kasi ako sa bahay eh... Ipapasyal pala nila Jovs ang dalawa ano?"

"Ay oo... Nakasalubong mo sa baba."

"Yup... Cute nga nila."

"Cute talaga ni Jovs." napangiti ako ng bigla kong naalala ang pagdating ni Jovs para sunduin si baby pat.

"Bagay sila..." sabi ni Aly na sabay sandal sa sofa.

"Sinong sila?" taka ko.

"Si Jovs at Steph... Marunong sa bata si steph pala... Sya ang kumarga ke bunso."

"Ano?" napataas boses ko. "Panong kasama sya?  Kala ko si yaya?"

"Hahaha... Naku ate... Kung nakita mo lang sila kanina... Ang sweet nila!"

"Nakakainis talaga si Jovs. Kung alam ko lang na yung Steph pala ang kasama nya... Hindi ko na pinasama si baby pat."

"Chillax ate... Mukhang okey naman yung mga bata sa kanya."

"Kahit na... Mga anak ko yun at ako lang ang me karapatan sa kanila."

"Aba... Protective mother?... Yung mga bata bang inaalala mo o si Jovs?"

"Wala na kong pakialam sa kanya!"

"Uuyyyy.... Baket labas sa ilong?" biro ni aly.

"Hindi noh! Humanda sa kin yang Jovs na yan mamya!" banta ko.

--

Bakit parang hindi ako mapakali? Wala namang mali sa make up ko. Matapos lang itong presscon, tatawagan ko na talaga si Jovs!

Ilang minuto lang, natapos narin ang presscon ng PLDT ultera.

"Ate.... " sabi ni aly ng makalapit sa kin."Tumawag si Jovs... Di kasi nya macontact phone mo...Nasa ospital daw sila... Si baby pat..."

----

Halos liparin ko na ang edsa makarating lang sa makati med. Sabi na nga ba... Kasalanan to ni Jovs!

"Jovs..." tawag ko ng masilayan sya sa me nurse station. "Ano ba talagang ngyari? Bakit biglang nilagnat si baby at nagsuka? Ano ba kasing ginawa nyo ha?... Babawiin ko ng anak ko!"

"Chel... Sandali nga lang."

"Wala na kong tiwala sayo! Hindi mo naman pala kayang bantayan... Oo nga pala... Di ba nakipaghiwalay ka nga dahil sa anak ko... Kaya hinayaan mo lang!"

"Chel... Teka nga" singit ni Jovs.

"Kung makikipagdate ka lang... Wag mo ng isama mga anak ko!"

Natahimik nalang si Jovs. Biglang bumukas ang pintuan sa likuran namin.

"Doc... Kamusta po ang anak ko?"

"Okey na..." sagot ni doc. "Pero kelangan natin iconfine si baby."

"Bakit po?"

"Nilalagnat pa kasi... Dahil sa sipon." ngiti ni doc. "Kaya wag ka ng mag alala... Normal lang naman ito pero nahihirapan syang huminga kaya mas mabuting dito na muna ng isang gabi."

"Sige po doc... Salamat." sabi ko at nagpaalam na ito. Di narin ako umimik ng makita kong si Jovs na umupo nalang. Ikaw naman kasi chel! Overacting!

Kaya umupo nalang ako sa tabi nya.

"Hindi mo ba sasabihan si Peter?" tanong ni Jovs.

"Sya ang ama di ba?... Para me kasama ka dito."dagdag nito.

"Jovs... Nabigla lang ako." nahihiyang sabi ko. Mas gugustuhin ko sana na ikaw makasama ko rito...

"Oooopppsss.." hingal ni Aly." Andito lang pala kayo... Kanina ko pa kayo hinahanap."

Biglang tumayo si Jovs."Buti andito ka. Uuwi ko na si baby Jaz.." sabi nito at naglakad palayo.

"Ha?... Anong ngyari don?" pansin nito at umupo sa tabi ko.

"Hay... E kasi... Inaway ko..." napayuko nalang ako. "Eh sipon lang pala kaya nilalagnat si baby."

"Jusme ate... Nagsorry ka ba?"

"Ehhh... Kasi naiinis ako at kasama nya si Steph." pag amin ko.

"Yun na!... Sabihin mo... Nagseselos ka... Kaya bigla mo nalang sya inaway."

"Sa totoo lang.... Feeling ko... Hindi na talaga kami magkakabalikan ni Jovs. Ako naman tong tanga... Na umaasa."

---
Mahirap pala maging single mom. Lalo na sa pagkakataong me sakit ang anak mo tapos nag-iisa ka lang. Hindi ko na tinawagan si Peter... Para ano pa? Si Jovs? Hindi ko alam....

"Baby.... " sabi ko ke baby pat na nakatulog narin. "Tayong dalawa nalang talaga.. At si ate Jaz...."

Bigla nalang bumukas ang pinto. Si Jovs.... Bumalik ba sya dahil hindi rin nya ako matiis?

"Me dala akong pagkain... Kumain ka muna." aya nito at nilapag sa lamesa ang dala nya. "Nakatulog na ba?"

"Bago lang din... Medyo nahihirapan kasing huminga." sagot ko. "Si baby Jaz?"

"Si tita ang katabing matulog ngayon.... " sabi nito at lumapit sa kin. "Sorry... Kung hindi ko nasabing kasama ko si Steph kanina... "

"Wala naman yon..." sabi ko nalang. Talaga lang ha?

"Itaas nalang natin ito para hindi mahulog si baby" sabi ni Jovs at inayos yung kama. "Kumain ka muna...." aya nito at hinila ako sa sofa.

Bakit ba ang bait mo? E inaway na nga kita kanina. Di ko naman maiwasan pagmasdan si Jovs habang inilalabas ang pagkaing dala nya.

"O... Tititigan mo nalang ba ako?..." ngiti nito. "Binili ko yung paborito mo sa KR... Side sampler with muffin."

"Salamat..." at sinimulan ko ng kumain. "Ikaw..."

"Ok lang ako... Kumain na ko sa bahay.." sabi nito at napasandal nalang sa sofa.

"Jovs... Sorry ha... Hindi ko sinasadya yung mga nasabi ko kanina."

"Wala yon... Sanay na ako... Lalo na... Pagnagseselos ka." nakapikit na sabi nito.

"Hindi ako nagseselos noh!"napalakas ang boses ko.

Nanatili parin syang nakapikit. "E di hindi."

"Bakit naman ako magseselos? E wala na tayo!"

"Hmmm.... Oo nga naman... Wala na tayo." ulit nito.

"Lakas din ng tama mo ano? Para isipin na nagseselos ako." irap ko. Kainis!

Napangiti lang ito pero nakapikit parin. "Okey..... So okey lang ba talaga sayo na kami na ni Steph?"

Bakit ba kelangan nyang itanong yan? "Oo naman!"

Dumilat ito at bumaling sa kin. "Sure?"

Sure nga ba???? "Oo nga!"

Lalo pa itong lumapit sa akin. "Sabihin mo lang kung gusto mong hiwalayan ko si Steph... Gagawin ko."

Napaatras nalang ako. "Bakit ko naman gagawin yon?"

"Baka lang.... Hindi ka boto sa kanya..."

"Bakit me say ba ako kung sino dapat maging girlfriend mo?"

"Oo naman..."

Dahil ba... Ako parin ang pinipili mo Jovs?

"Me say ka... Kasi... dapat matatangap nya ang mga bata..."ngiti nito.

Ouch.... Ganun nalang ba talaga?


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon