Chel's pov"Oh?... Bakit ang sama ata ng gising mo?" tanong ni fille. "Si Jovs nga pala? Bat di mo kasama? Pinagod mo siguro ano?"tukso nito.
"Hindi noh... Biglang umuwi sa Pinas." tangi kong nasabi.
"Ha? E di ba kararating lang nya kahapon?" gulat nito. "Wag mong sabihin nag-away kayo?"
Napakamot nalang ako sa ulo. "Ano pa nga ba.... Fille... Ikaw ba?.... Gagawin mo lahat para sa anak mo?"
"Oo naman no."
"Kahit mag-away pa kayo ng asawa mo?" sunod kong tanong.
"Oo... Pero hindi ata mangyayari yon kasi pareho naming mahal si baby.... Teka... Yung anak mo ba ang pinag-awayan nyo ni Jovs?"
"Hindi naman... Pero syempre mas priority ko anak ko... " naiiling kong sagot. "Nagkataon lang na.... Na di kami magkasundo sa... " natigilan akong bigla.
"Magkasundo saan?"
"Ganito kasi... Nahuli na yung nangblackmail ke Jovs... At napatunayan din na sya ang dahilan kung bakit naaksidente noon si Jovs... Sinira yung break ng sasakyan ni Cha."
"Ganon?... E attempted murder nga yon!" bulalas nito. "Dapat syang makasuhan at makulong!... Pero sino nga pala?"
Napapikit nalang ako. "Si Peter."
"Ano?" napatayo tuloy ito sa kinauupuan nya. "Ang ama ng anak mo ang gumawa non?"
Tumango nalang ako.
"Iniisip mo bang mahirap para sa anak mo na lumaking nasa bilanguan ang ama nya?"
"Hindi kasi ako makapaniwala sa ngyari..." hikbi ko at di ko mapigilan ang kirot sa puso ko. "Mabuting tao naman si Peter. Yun ang pagkakaalam ko... Pero .. Pero..."
"Mahal mo ba si Peter?" sabat ni fille.
"Ama sya ng anak ko... Ayaw kong maging masamang ama sya at nagawa nya yon. Kasalanan ko rin at nadamay sya nung nagpakasal ako sa kanya kahit hindi ko sya mahal."
"Pero ate Chel.... Si Jovs ang biktima sa ngyari... Sinasabi mo bang hiniling mo ke Jovs na iatras ang kaso?"
Napahawak nalang ako sa noo ko. At di ko na napigilang umiyak.
"Ate chel.... Hindi... Hindi ko malaman kung anong sasabihin ko..." natigilan ito. "Pero.... Pano naman si Jovs?"
"Yun nga eh... Sobrang sakit na ang binigay ko sa kanya... Kaya minsan hindi ko na alam kung ano ba talaga."
"Ate.... Unfair para ke Jovs kung hahayaan nyang makalaya si Peter... Halos ikamatay ni Jovs ang ngyari..." napaakbay nalang ito.
"Pero pano ang anak ko?"
"Ikaw ang makakasagot nyan ate... Maiintindihan naman ng anak mo na me ginawang mali ang ama nya."
"Alam mo minsan... Naisip ko nalang kung ano bang kasalanan ko at nangyayari ito. Dahil ba sinuway ko si Papa at pinili ko parin si Jovs? Na kahit alam kong hindi magiging buo ang pagsasama namin ni Jovs pero itinuloy ko parin. Dahil ba nagmahal ako ng isang.... babae?"
"Ate chel..." pag-alo nito at hinimas ang likod ko.
"Na minsan inakala ko na ang pag-iibigan namin ni Jovs ay isang panaginip lang... Na nagkatotoo...." hikbi ko. "Pero di naman kami tantanan ng problema."
"Ate Chel.... Pagsubok lang naman lahat ng yan.... Nasa iyo parin ang kasagutan kung ano ba dapat mong gawin."
--
One week after...
Hindi man lang ako tinawagan ni Jovs. Kamusta naman kaya sila.
"Ate chel!" kaway ni Aly na sumalubong sa airport. "Oy pasalubong ko ha?"
"Eto naman... Kararating ko pa nga lang pasalubong agad!" beso ko.
"E syempre ako sumundo sayo!" ngiti nito at tinulungan ako sa gamit ko. "Nga pala... Bakit hindi si Jovs ang sumundo sa yo?"
"Nasa Bagiuo daw... Sabi ni Chris."
"At si Chris pa talaga nagsabi... Wag mong sabihin e... LQ kayo ni Jovs?" sabi nito at nilagay ang maleta ko sa compartment.
"Hindi ko rin alam..."
"E kasama ko nga sya nung laban namin ng Ust. Kasama nga yung dalawang anak nyo."
"Talaga?... Isinama nyang manood?"
"A eh hinde..." tawa nito."Kasama nga... Pati yon hindi mo alam?"
Napabuntong hininga nalang ako ng makasakay na kami sa sasakyan.
"So malamang hindi mo rin alam na inihian ako ni baby Jaz?"
Napangiti nalang ako. Nakakatuwa lang na inilabas ni Jovs ang dalawa naming paslit. "Magkwento ka pa nga... Hindi ba nag-iiyak yung dalawa?"
"Ako ang umiyak kamo. E pano ba naman yung jersey ko pa ang naihian. Nakalimutan ni Jovs lagyan ng pampers si baby Jaz. Kaloka talaga!... Yang asawa mo... Me sakit parin ng kalimot!"
"Hahaha.." tawa ko. "Ang baby ko nga naman..." bigla nalang akong natigilan. Ni hindi man lang sya tumawag para ikwento ang pamamasyal nila.
"Eto pa... After ng game... Ginawa pa kong yaya ni baby Jaz...sobrang likot ng batang yon... Sarap ibato... Mas gusto ko pa si baby pat kasi behave... Kaso ayaw bumitaw ke Jovs." kwento nito habang nagmamaneho.
Hindi ko man lang nakita na malapit na pala si baby sa kanya.
"Ate... Okey ka lang?" pansin nito. "Nakakaiyak ba ang kwento ko?"
"Ha?" hindi ko namalayan na tumulo ng luha ko."Sobrang nakakatuwa lang."
"Hmmmnnn..., teka... Magtapat ka nga... Nag-away kayo ano? Pero wala namang nakwento si Jovs.. "sabi nito. "San pala tuloy natin?"
"Sa bahay nila Jovs."
Makalipas ang thirty minutes, nakarating narin kami sa bahay nila Jovs.
"Iha..." bungad ni Tita belle at nakipagbeso. "Kamusta naman ang byahe... Halikayo... Pasok kayo." at inaya rin si Aly.
"Ok naman po ang byahe. Yung mga bata po?"
"Nasa garden kalaro ang lolo nila." ngiti nito. "Yung mga gamit mo... Ipakuha natin."
"E hindi na po..." pigil ko. "Dun na po kami sa Condo.
"Ganon ba?... Hindi mo man lang hihintayin si Jovs at darating na bukas?"
"E sa condo ko nalang po sya hintayin tita... "
"E isama mo na si yaya."
"Okey lang po. Nakakuha na po ng yaya si Papa. Yung yaya ni Inaki.... Nasa condo na nga po at naglinis na." sagot ko.
"Ikaw... Pero pwede mo parin hiramin si yaya anytime." sabi nito at isinama na kami sa garden.
Laking tuwa ko ng masilayan ang dalawa na naglalaro sa crib.
"Ate chel... Sigurado ka?" bulong ni aly.
"Sigurado saan?" lingon ko sa kanya.
"Hindi mo man lang hihintayin si Jovs?"
"Chel... " bati ni Tito at lumapit sa min. "Buti nakauwi ka na. Sa wakas matatahimik narin tayo. Mabibigyan na ng hustisya ang ngyari ke Jovs. Kwento nga ni Jovs na natuwa ka... Sabi ko nga sa kanya hindi man lang nagtagal don kasama ka. Eh lam mo naman... call of duty at pinatawag ni coach Rico."
Napalunok nalang ako. "Oo nga po."
"Salamat iha... Hindi ka sumuko sa anak ko. Malaking pasasalamat ko sayo at matutuloy na ang totoong kasal nyo." ngiti nito. "Masaya ako at ang tita mo...na nagkakaintindihan kayo."