Chel's pov
"Yayaaaaa...." sigaw ko habang ngmamadaling magbihis. "Si baby umiiyak..."
"Ay... Oo andyan na... Kala ko naman kung anong ngyari." taranta ni yaya at agad kinuha si bunso.
"Censya na ya... Kelangan kong sumunod sa laro ni Jovs...." sabi ko pagkalabas ng banyo. "Nangako pa naman ako na susunod ako."
"Naku wala ka ng aabutan."
"Ha? Baket?"
"E tapos na..." sabi nito. "Nanuod ako sa online streaming habang nagliligpit ng damit kanina... Ang galing ni Jovs... Sya best player!" bida nito.
"Ha?... Patay... Naku magagalit na naman si Jovs nito." inis kong sabi. Wrong timing kasi si Peter, nagpumilit na bisitahin si baby patricia.
"Yun lang." sabi nito habang inaalo si baby. "Chel.... " natigilan ito.
"Ano po yon, yaya?"
"Ah... Eh... Hindi sa nangingialam ako." nahihiyang sabi nito. "Si Jovs kasi....kilala ko ng pag uugali nyan... Mabait si Jovs... Kahit noong kararating palang nya sa bahay nila madam belle... Di yan umiimik kahit nasasaktan na... Iba rin ang trato sa kanya ni Madame noon... Pero si Jovs yung di sasagot at magpapasensya nalang.... Kaya nga nagawang ituring na rin na parang anak si Jovs ni Madame kasi nga sa pasensyosa ito."
"So ano pong sinasabi nyo?"
"Chel.... Kelangan mo sigurong kausapin si Jovs... Lalo na tungkol ke bunso.." napayukong sabi nito. "Napansin ko lang na parang malayo loob nya sa bata."
Napaisip tuloy akong bigla. Di parin ba tangap ni Jovs ? Hindi ko nga rin nakitang kinarga nya ito ng matagal. Lagi kasing si baby Jaz ang inaasikaso nito.
"Chel... Pano pag nalaman pa nya na pumayag kang pumunta si Peter dito para bisitahin ang anak nya."
"Yun nga rin yaya... Pero ayaw ko naman din kasing lumaki si baby na hindi kilala ama nya." paliwanag ko.
"Pero pano si Jovs?" tanong ni yaya. "Dumaan na ako sa ganyang sitwasyon...na iniwan ako ng asawa ko... Kaya naiintindihan ko kung pano magpalaki ng anak na walang ama... Mahirap at mas mahirap sa bata..."
"So tama naman ginagawa ko yaya diba?" pag-aalala ko.
"Tama naman pero... Pero pano si Jovs?"
"Sige yaya... Kakausapin ko si Jovs." sagot ko. Maiintindihan kaya nya?
---
"Oh baby..."bati ko ke Jovs ng dumating ito pasado alas dyes na. "Sino na naghatid sa inyo?"
"Si Chris..." sagot nito habang karga karga si baby Jaz na mahimbing ng natutulog. "Tuwang tuwa si baby kanina sa game... Ang likot nga daw sabi ni papa kasi sya kumarga nung game na namin." ngiting sabi nito.
"Baby... Sorry... Hindi ako nakasunod." sabi ko sabay yakap sa kanya matapos nyang maihiga si baby sa crib.
"Ok lang." mahinang sabi nito.
"Eh... Jovs... Di mo ba tatanong kung bakit?"
"Baket nga ba?" napataas kilay pa ito.
"Eh... Jovs... Pumunta kasi si Peter para... Para bisitahin si baby patricia."
Napakunot noo lang ito at biglang tumalikod.
"Jovs... Teka... Galit ka?" lambing ko.
"Pagod ako chel... Saka na natin pag usapan yan." sagot nito at kinuha ang towel nya.
"Jovs..." pansin ko ng biglang hinimas si baby Jaz habang natutulog ito. At agad ng dumiretso sa banyo. Tama nga si yaya. Di man lang nagawang silipin ang isa pang crib kung nasan si baby pat. Kakaibang kirot ang naramdaman ko. Pano naman ang baby ko?
Makalipas ang thirty minutes, natapos narin maligo ni Jovs.
"Jovs... Kelangan natin mag-usap..." sabi ko sa kanya ng makaupo ito sa kama.
"Tungkol saan?"
"Ke bunso natin.... Di mo man lang sya pinansin pag dating mo kanina... Hindi mo parin ba sya tangap?.. O hindi mo parin ako mapatawad sa ngyari noon? Ganon ba?"
Napailing nalang ito. "Bukas na natin pag-usapan yan chel."
"Jovs naman..." biglang tulo nalang ng luha ko at lumuhod ako sa harap nya. "Jovs... Nasasaktan ako... Nasasaktan ako dahil hindi mo magawang mahalin ang tunay kong anak."
Natawa ito na napapailing. "Tinatanong mo ba sa kin yan?... Bakit?.... Binigyan mo ba ako ng karapatan chel? Pinaramdam mo ba sa akin na parte ako ng buhay nya? Pangalan palang nya..... tinanong mo ba ako?... Apelyido nya... Apelyido ni Peter.... E annulled na nga kayo!...." napaluha narin ito. " Tapos tinanong mo rin ba ako kung okey lang sa kin na dalawin ni Peter ang anak mo?.... Tinanong mo ba ako, chel?" napataas ng boses nya.
"Jovs.... " napahawak na ko sa tuhod nya. "Ayaw kong ipagkait sa anak natin ang ama nya... Sana maintindihan mo... "
"Syempre naman.... Hindi ko ipagkakait yon....sa anak mo." biglang tumayo ito at lumabas ng kwarto.
