Part 12

1K 27 0
                                    

Chel's pov

Ang aga namang bisita o.... Kagabi team army inabot ng hatinggabi dito. Ngayon naman si Aly...

Ding dooonggg...

"Andyan na" sigaw ko ng makalapit ako sa pintuan.

"Ola!" bati ni denden ng mabuksan ko ang pintuan. "Morning ate, me dala akong pasalubong."

"Oy salamat..." sabi ko at kinuha ang dala nya. "Si aly?"

"Hay... Sinumpong kung kelan andito na kami." sagot nito at diretsong pumasok. "Si Jovs?"

"Nasa kwarto..." at nilapag ko sa lamesa ang dala nya. "Teka... Si al.... Aba..." pansin ko at bigla nalang pumasok ito sa kwarto.

"Oh my...." gulat nito ng maabutan si Jovs na nakadapang natutulog. Nakapanty at sando lang kasi si Jovs. Halos nakalislis pa nga sando nito kaya kitang kaseksihan nito.

"Ay... Teka..."

"Ang ganda pala ng katawan ni Jovs..." nabighani ito sa nakita nya.

"Hehe..." at agad ko syang hinatak palabas ng kwarto. "For my eyes only lang yan."

"Teka naman ate.... " nagpumilit pa ito.

"Ano ka ba?... Si aly nalang pagpantasyahan mo ha!" sabi ko, "Asan nga ba si Aly?"

"Ewan ko dun... Napikon kaya di na sumamang umakyat dito."

"Napikon? Baket?"

"Ganon naman yon... Ate... Pwede bang gisingin ko na si Jovs?"

"Kulit mo rin ano... Ako ng gigising sa baby ko!" diin ko. Aba't parang me balak pa tong akitin si Jovs.

"To naman.... Ate ang swerte mo ke Jovs..."

"Syempre naman..." sabi ko nalang at pumasok na ko ng kwarto para gisingin si Jovs.

"Baby.... Gising na..." haplos ko sa likod nito. "Me bisita tayo."

"Hmmmnn..." unat nito at humarap. "Chel antok pa ko..."

"Mamya mo nalang ituloy ulit tulog mo... Si denden andito."

Biglang napakunot ito. "Si denden?... E si Aly?"

"Ewan ko nga ba... Di umakyat... Sige na... Bangon ka na." pilit ko syang pinaupo.

"Kiss muna." nguso nito.

"Aba.... Tong baby ko talaga..." at hinalikan ko nalang. "magshorts ka ha... " bilin ko at lumabas na ako ng kwarto.

Ding dooong...

"Ako na ate... Baka si Aly na to." sabi ni den at binuksan ang pinto. "O... Buti nagbago isip mo."

Dinedma lang nito si denden. "Hi ate chel.." bati nito at nagbeso. "Musta na si Jovs?"

"Palabas na... Ano ba kayong dalawa ha?" sabi ko na nakaturo sa kanila. "Kaaga namang LQ yan"

"Anong LQ?... Matagal na kaming break." pag-amin ni Aly.

"Oy... Morning..." bungad ni Jovs ng makalabas ng kwarto. "Walastik din kayo ano... Aga nyong bumisita."

"Jovs.... " dali daling lumapit si den at niyakap ito. "Buti naman at okey ka na."

"Me lahing pusa ata ako.. Hehe." sabi nito at agad kumalas sa yakap ni den. "Aly... Next time ha... Wag ganito kaaga. " biro nito at niyakap ng mahigpit si Aly.

"Pusa ka talaga... Matinik... Hehe..." tawa ni aly at niyakap rin si Jovs ng mahigpit. Sobrang nag-alala rin kasi si Aly ng macoma si Jovs.

"O... Baka mag-iyakan pa kayo ha." kantyaw ko at inakbayan ang dalawa.

Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon