Shet.... Sobrang trafic. Sana makaabot pa ako. Sobrang excited na ako para sa 2nd baby namin. Haiz... Tatlo na ang baby ko....
"Jovs..."kaway ni aly na naghihintay sa nurse station. "San ka ba galing?"
"San na si Chel?" hingal ko.
"Nasa delivery room na!"
"Tara... Puntahan na natin!" agad na kong kumilos.
"Teka.. Teka Jovs!" pigil ni Aly sa braso ko. "Huli na..."
"Anong huli na?... Nanganak na si Chel?"
"Hi...hindi pa... Kaso..." napailing ito. "Kaso... Andun na si Peter sa loob.."
"Ano?... Anong ginagawa ni Peter dito?" gulat kong tanong.
"E kasi... Tinawagan ng Papa ni ate chel.... Ang tagal mo kasi! Kanina pa ko tumatawag sayo."
"Pero kelangan kong makapasok parin... Kelangan ako ni chel." agad akong tumakbo papuntang delivery room.
"Nurse.... Baka pwede akong makapasok." nagpumilit ako sa pinto.
"Sorry po... Nasa loob na po ang mister nya." sagot ng nurse.
"Anong mister?"
"Di po ba sya ang ama ng bata?"
"Jovs.... Tama na... Wala ka ng magagawa..." sabi ni Aly at hinila akong palayo. "Jovs... Huminahon ka nga."
Maya maya pa. Lumabas narin ang doctor. Bigla namang nakabalik na ang ama ni chel.
"Doc kamusta na ang anak ko?" sabi ng papa ni chel.
"Okey na po. Healthy baby girl ang apo ninyo." ngiti ni doc.
"Sa wakas!" tuwa nito.
"Doc, si chel po pwedeng makita.. " singit ko.
"Ililipat naman sya sa private room... Pero kelangan na muna nyang magpahinga."
Bigla nalang bumukas ang pinto sa likuran namin at nakahigang inilabas si chel.
"Chel..." sabi ko. Pero hawak hawak ni Peter ang kamay nito.
"Anak... " sambit ng papa ni chel at biglang baling sa kin."Jovs... Kelangan magpahinga ng anak ko." at sumunod na ito sa mga nurse na kasama nya.
"Jovs... Hayaan mo nalang muna."
Para naman akong nanliit sa nasaksihan ko. Si Peter ang nakahawak sa kamay ni chel na dapat sana ay ako. At bakit ganon? Bakit ako pa ang etchapwera ngayon?
Isang oras na ang lumipas."Tito..." sabi ko ng maabutan namin ito sa labas ng kwarto ni chel. "Baka pwede pong makita si chel."
"Jovs... Bakit hindi ka nalang muna umuwi..."sambit nito.
"Ano?" inis ko. "Bakit sinasabi nyo yan?... Asawa ko si chel at me karapatan ako sa kanya!"
"Asawa?... At kelan kayo kinasal? Sigurado ka bang legal ang kasal nyo?..." sagot nito.
"Jovs... Tara na muna." pigil ni Aly.
"Bakit hindi nyo matangap na ako ang mahal ni chel!" diin ko. "Bakit sobra naman kayo para tutulan ang pag-iibigan namin!"
"Ikaw ang matigas ang ulo!" sagot nito. "Hindi pa annuled ang kasal nila ni Peter. At alalahanin mo rin si Peter ang ama ng bata.... Kung mahal mo ang anak ko... Hahayaan mo syang mabuo ang pamilya nya!"
"Jovs tama na." nagmatigas na si Aly dahil marami narin ang nakasaksi ng pagtatalo namin. Pilit nya akong inilayo sa Papa ni chel.
Di ko na napigilang umiyak. "Bakit ako pa ang walang karapatan... Eh kami ang nagmamahalan."
"Jovs... Bakit hindi nalang muna natin silipin ang baby." payo ni Aly. Kaya agad kaming nagtungo sa nursery station.
"Daquis... Daquis?... Bakit wala naman ang baby dito." pansin ni Aly at isa isang binasa ang name tag ng mga babies.
"... Baby P. Torres." turo ko na parang sasabog ng puso ko sa ngyayari ngayon. Napasandal nalang ako at naiyak.
"Jovs... Malamang pag gising ni ate chel... Ipapabago nya yan."
"Hirap pala ng ganitong feeling ano... Para ako singaw? " hikbi ko.
"Jovs... Di naman din ito ang kagustuhan ni ate chel..." bawi ni Aly.
"Sana nga mabago pa ang lahat."
Flashback....
Pagkalabas namin ng pinto, agad kong hinarap si Cha.
"So aaminin mo na ba kung sino nag- utos sayo?" tanong ko.
"Jovs... Ano bang sinasabi mo?" tangi ni cha.
"Narinig ko lahat ng sinabi mo habang nakaratay pa ako sa ospital... Itatangi mo parin ba?... Kala ko ba nagsisisi ka na?"
"Jovs.... Oo naman... " napayuko nalang ito. "Pero mahirap sa kin ang magsalita.... Ako ang mapapahamak."
"Sa tingin mo ba hindi ka pa dawit dito?" inis ko.
"Jovs..." napaiyak na si cha. "Alam mo mahirap sa kin ito... Dapat hindi na ako naniwala... Nadala lang naman ako sa sulsol... Believe me.."
"Tinatanong kita ngayon... Aamin ka na ba?"
"Jovs... Hayaan mo nalang kasi sila... Kahit pa malaman mo, hindi rin sila titigil...." pagmamakaawa nito.
"Hindi ko rin sila titigilan." banta ko.