Part 50

1K 26 1
                                    


Chel's pov

"Okey lang... Bawi nalang sa next conference..." kumbinsi parin ni Dindin sa amin matapos kaming talunin ng Foton sa PSL finals.

"Hindi ka parin nakakamove on ano?" tawa ni Abby ng makapasok kami sa coffee shop nya.

"Kukutusan ko talaga si Jaja." natawa nalang si dindin ng makaupo na kami sa upuan. "Me game pa pala kayo bukas" tukoy nito ke Abby.

"Oo nga... Dapat pala ako makatulog ng maaga..." sabi nito. "Si Jovs nga pala di nanood?"

"Buong araw nasa training...pero susunduin ako nun dito." sabi ko ng makasandal ako sa upuan. Sobrang bigat lang ng pakiramdam. Hindi dahil sa talo kami kundi sa dalawang photoshoot ko na ang nacancel.

"Nasabi mo na ba ke Jovs?" sabat ni abby.

"Ang alin?"

"Tungkol sa nangyari sa photoshoot mo.... Lam mo kikitid ng mga utak nila teh!" sabi nito.

"Hindi pa naman ako sigurado kung yun nga ba ang dahilan."

"E ano pa nga bang dahilan? Di ba pinagpilitan pa na mgsama kayo ni John arvin sa photoshoot para lang d daw maging tsismis... E loko rin sila ano... Naku.. Boboycotin ko talaga yang mega magazine na yan!" alma ni abby. "Eh pano yan pag lumabas na yung magazine at makita ni Jovs?"

"Nasabi mo na nga ba?" tanong ni din.

"Di ko pa nasabi..."

"Ayan ka na naman..."duro ni abby."Kayong dalawa... Hilig magsecreto... Tapos mag-aaway dahil hindi nagkaintindihan."

"Me game pa si Jovs bukas... Ayaw ko munang problemahin nya mga bagay na walang kwenta ano."

"Walang kwenta?... Pero apektado ka!" singit ni din.

"Korek ka jan sistah!"

"Matatapos lang din ito."

"Bakit di kaya aminin mo na? Kayong dalawa ni Jovs! Ipamukha mo sa kanila... Di ba?" kumbinsi ni din. "Hirap din magpangap ano?"

"Mahirap kasi biglain."

"Teh.... Teka nga.... E anu naman pala ngyari sa photo shoot?" katyaw ni Abby. "Sinasabi mo ba yan dahil possible bang?...."

"Tumigil ka nga!" sabat ko.

"Aysus... E bakit namumula ka?" tawa ni Abby.

"Hindi noh... "

"Haiz... Pwede naman... Rachel Anne... John Arvin..." biro ni Abby.

"Ikaw!" hampas ni din ke Abby.  "Impossible mangyari yon!"

"Aray naman" reklamo ni abby.

Natawa nalang ako. "Buti pa si din kampi ko!"

"What a small world!" boses ng lalake na bigla lang sumulpot kung saan. "Pwedeng makijoin?"

"Hi John!" ngiti labas gilagid naman tong si Abby. "Sure.. Buti nalang natunton mo to."

Naloko na... Baka abutan pa ako ni Jovs dito at kasama pa ito. Hay kaloka!

"Actually, napadaan lang ako.. Nagbabakasakali..." biglang baling sa kin. "Bukas na daw lalabas yung magazine... Can't wait." ngiti nito. "Sana maganda kalabasan."

"Ha... Eh... Cr lang muna ako." at agad akong tumayo at nagtungo sa Cr. Mas mabuti ng maagap at makaiwas agad. Kesa abutan pa ko ni Jovs. At pag-awayan lang namin to.

Ilang saglit lang, lumabas narin ako ng CR.

"Chel." biglang hawak ni John sa braso ko.

"Teka ano ba?" nagpumiglas ako sa hawak nya.

"Sorry... Pero iniiwasan mo ba ako?"

"ha,... Hindi... Ang kulit mo kasi!" pilit akong dumistansya sa kanya.

"Dahil ba sinabi kong gusto kita?" humakbang ito palapit sa akin.

"John... Di ba sabi ko taken na ako!"

"Oo... Pero... We're destined to be together chel... At kung ano man yung tsismis na kumakalat ngayon... Wala akong pakialam... Dahil alam kong kaya kitang baguhin."

"Sira ka rin ano! Walang mali sa kin... Kaya pwede ba!" diin ko at sabay talikod.

Shet! Tanaw ko ke Jovs na nakikipagkwentuhan na kina Abby at din. Kung mamalasin ka nga naman.

"Hi!" ngiti nito ng mapansin akong palapit. Pero di nagtagal, kumunot noo nito.

"Jovs...." at agad akong tumabi sa kanya. Kainis bakit ba nakasunod si John.

"Hi John..." gulat kong bati ni Jovs sa nakatayong si John.

"Hi!" ngiti nito. "Kararating mo lang?"

"Oo eh..." nakakalokong ngiti ni Jovs. "Tatayo ka nalang ba dyan?."

Ramdam ko ang tensyon sa boses ni Jovs pero minabuti kong hindi umimik. Kahit sina Abby at din, tahimik lang na nakaupo.

Kaya naupo narin si John sa tabi ni Abby.

"Good luck pala sa game bukas ha." naiilang na sabi nito. "Lam ko naman kaya nyong bumawi."

"Talaga?..." nakangiti parin ito. "Sana nga lang hindi kami malingat ano... Lam mo na... Mahirap maunahan.."

Kaloka! Bakit hindi pa kasi umalis si John.

"Ganun talaga... Pag hindi meant to be... Pwedeng masilisihan." bawi ni John.

Alam kong naaasar na si Jovs pero pilit itong di nagpapahalata,

Bigla nalang itong tumawa. "Tama ka jan! Lalo na pag ang kalaban e pursigido... Yung gustong... makascore!"

Pilit ang ngiti ni John. "Wala naman masama kung mag asam ng panalo."

Hangang kelan ba sila titigil na magparinigan. Kaloka iteh!

"Syempre naman... Lahat naman gustong makatikim ng tagumpay... Ang mahirap lang yung ipipilit pa... Yung pipiliting agawin kahit alam nyang hindi para sa kanya."

"Gusto nyong umorder?" sabat ni Abby at nakahalata narin sa alitan ng dalawa.

 "Hindi na..." biglang baling ni Jovs sa kin. " Me take out na ko eh."  kinilig naman ako sa hirit ni Jovs.

"Ahay..." nagkaboses na rin si din. "Mas mabuti pa ngang itake out mo na yan!"

Napakagat labi nalang ako sa titig ni Jovs. Loves ko talaga ang baby ko.

"O sige na nga... Me muffin to go pa yan!" dugtong ni Abby ng biglang tumayo na si Jovs. Hawak hawak na nito ang kamay ko.

Pamatay talaga ang ngiti ni Jovs. "Aba... Bonus!" kaya agad narin akong tumayo at kinuha ang bag ko.
"Una na kami.." natatawa kong sabi.

"O sya... See you tomorrow!" kaway ni din.

"Sige... " sabi ni Jovs at huling baling ke John. "Nga pala... Ingat sa pagtawid ha... Nakamamatay." pang-asar nito.

Pinigilan ko nalang tawa ko at agad ko ng hinila si Jovs palabas.

"Ikaw ha.." sabi ko na nakaangkla sa braso nya.

"O bakit?" ngiti nito at ninakawan ako ng halik sa pisngi kaya na pahawak nalang ako sa beywang nya.

"Wala..." ngiti ko at di parin ako makaget over sa kaganapan kanina. Di ko inaasahan ang palabas ni Jovs. Madalas kasi nagagalit ito at magwawalk out.

"Hmmmnnn... Kala mo uupakan ko na ano?"

"Hindi no... Ikaw?" biro ko ng makasakay na kami sa sasakyan. "Baby... Lalo ata akong nainlove sa yo... "

"Aysuss... Pakiss nga..."


 


 


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon