Part 31

936 26 1
                                        

Chel's pov

 "Baby...." katok ko sa banyo. "Hindi ka pa ba tapos?... Di ba me practice pa kayo before ng game mamya." dugtong ko at itunulak ko ang pinto.

"Jovs!" sigaw ko ng madatnan ko syang nakaupo lang sa gilid ng bath tub. "Jovs me problema ba?"

"Ha?" tulirong sabi ni Jovs kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Baby... Me masakit ba sayo?" pag-aalala ko.

"Wa-wala.... Antok pa siguro ako." nauutal na sabi nito.

"Jovs... Hindi ka naman ganyan..." hawak ko sa mukha nya.

"Chel...." hikbi nito. "Hindi ko na kayang....kayang itago pa sayo..."

"Ano ba kasi yon?" at bigla naman akong kinabahan.

Napatayo na ito at dalawang kamay na hinawakan ang kamay ko. "Hindi ko gustong saktan ka....pero...pero...hindi ko talaga maalala kung pano ngyari..."

"Chel...."

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Chel....me...me ngyari sa amin...ni St-steph..." pag-amin nito.

Di ako umimik... Ano bang sasabihin ko?
Magagawa ko bang magalit sa kanya... Alam ko naman na napakalaki ng kasalanan ko sa kanya noon.. Mahal ko si Jovs.... At kaya ko bang palampasin lang ito?

"Chel... Hindi mo ba ako sasampalin?"

"Para ano?" at ngsimula ng pumatak ang luha ko.

"Chel... Magalit ka....saktan mo ko... Tatanggapin ko lahat..."

Napayuko nalang ako at pinahiran  ang luha ko. "Maligo ka na... Baka matraffic ka pa at malate sa practice." sabi ko at lumabas na ako ng banyo.

-----
Hating gabi na at hindi pa umuuwi si Jovs. Mahimbing ng natutulog ang dalawang bata kaya bumalik na ako sa kwarto. Di ko na pinilit ang sarili ko na manood ng laro ni Jovs. Mukhang okey naman ang laro nya at nagawa pa nyang maging POG sa unang game nila.

Isang oras din ang lumipas ng marinig kong bumukas ang pinto. Maingat ito sa pagkilos at maya maya pa'y naramdaman ko nalang ng me tumabi na sa akin sa kama. Rinig kong napabuntong hininga ito at dahan dahan na yumakap.

"Baby...." bulong ni Jovs.

"O......" imik ko.

"Gising ka pa?"

"Hayaan mo nalang muna ako..." sabi ko nalang at ayaw kong pag-usapan ang kalokohang ginawa nya.

"Chel..."

"Jovs please..."at tinabig ko ang kamay nya na nakayakap sa beywang ko.

----
"So totoo pala?" tanong ni Aly ng makipagkita ako sa kanya sa isang coffee shop. "So anong plano mo? LQ kayo ngayon?"

"Gusto ko ngang bumalik muna sa condo kahit medyo mahirap sa pag-alaga sa dalawa. Isa lang ang yaya ko at madalas pa kong me training ngayon. Ang nakakainis kasi, pagnag-away kami ni Jovs...kadalasan nauuwi sa hiwalayan...Tapos...  Ang bilis makahanap ng kapalit ko!.. Sa huli.. makikipagbalikan naman."

"Isa lang ang ibig sabihin nun... Magloko man sya... Sigurado ka naman sayo uuwi...hehe."biro ni Aly."Pero ate... Hindi kaya bumalik yung sakit ni Jovs?... Hindi ko lang maintindihan kung bakit nya gagawin yun kung kelan nagkaayos na kayo."

"So dapat bang patawarin ko nalang sya... Hindi na nga pala sya nakabalik sa doctor nya."bigla naman akong nag-alala.

"Siguro dapat magpacheck up na ulit si Jovs... Hindi natin masabi..."

"Andun na ako... Pero naiinis parin ako!"inis kong sabi. "Minsan talaga gusto ko ng talian si Jovs! Kung sino sino kasi lumalandi sa kanya... Pati yang jowa mo!"

"Sinong jowa ko?" taka ni Aly. "Si denden ba? Paki ko sa kanya no!"

"Ewan ko ba.... Kung kelan maayos na sana... Problema na naman!"

"Ate.... Naniniwala parin ako na pagmahal mo ang isang tao, anumang problema...kayang lutasin." kumbinsi nito.

Oo.... Mahal ko nga si Jovs.... Pero hangang kelan naman ako magtitiis....


Just a dream (Book 4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon