One week after
Chel's pov
"Yaya... Pakipalitan naman ng diaper si baby pat." sabi ko at inabot si baby sa kanya. "Ako ng magpapaligo ke baby Jaz." at lumapit na ako sa crib kung nasan si baby Jaz.Ding...dong... Ding... Dong....
"Ako na ate..." sabi ni yaya karga karga si baby pat at nagtungo sa sala."Hello baby..." dinig ko sa pamilyar na boses. Si Jovs at umuwi rin. "Akin na muna"
"Ah... Ehh... Basa kasi..." sabi ni yaya.
"Ay... Palaihi kasi baby ko... Sige... Balik mo sa kin pagnapalitan na ha."
Hinayaan ko lang sya at di ko sya pinansin ng makapasok sa kwarto. Naramdaman ko nalang ito ng biglang yumakap sa likuran ko.
"Baby ko... " sabay halik sa batok.
"Buti at naisipan mo pang umuwi...." inis kong sagot. Bigla naman nagtatalon si baby Jaz ng makita si Jovs.
"Ay... Ang baby ko..."at agad kinuha ito sa crib. "Miss mo si mama no?...Mommy mo kaya... Namiss rin ba kaya ako?" parinig nito.
"Paliliguan ko pa yan." inis kong sabi. Sino ba naman hindi maiinis? Simula ng dumating ako galing Vietnam, ngayon lang nagpakita ang mokang na to.
"KJ talaga tong mommy mo ano." sabi nito habang pinanggigilan si baby Jaz.
"Kung gusto mo ikaw ng magpaligo dyan at marami pa kong gagawin... Tutal ngayon ka lang naman umuwi... Baka bukas wala ka na naman."
"Chel... Aga aga... Mainit na ulo mo." sabi nito.
"Sino bang hindi iinit ang ulo sayo!" napataas ng boses ko."Tama nga talaga si tita belle... Isip bata ka parin.. Laro lang ba ito sayo ha!"
"Chel... Tama na." mahinahong sabi nito ng makita si yaya papasok ng kwarto at iaabot sana ke Jovs si baby pat. "Sayo na muna..dalhin mo nga rin itong crib" at tinulungan si yaya nailabas ang crib ni baby Jaz.
Ilang saglit lang at bumalik ito sa kwarto at isinara ang pinto.
"O sige na... Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin.." sabi nito at halatang pinipigilan ang sarili."So sa tingin mo ganun lang yon... Jovs naman eh.. Alam kong galit ka pero wag naman ganon... Bigla ka nalang magbaback out tapos d ka magpaparamdam... Tapos ngayon babalik ka parang wala lang!"
"Anong gusto mong gawin ko... Ipamukha sayo kung gaano ako nasaktan ha!"
"Jovs..." lapit ko sa kanya."Nagkamali ako... Pero sana hinayaan mo akong magpaliwanag... Binabawi ko na okey.." dalawang kamay kong hinawakan ang mukha nya. "Ituloy mo ng demanda mo ke Peter... Pumapayag na ko... "
Nakatingin lang ito.
"Jovs... Baby... Sorry kung hindi mo nagustuhan reaksyon ko nun... Syempre nabigla lang ako kaya hiniling ko sayo yon..."kumbinsi ko sa kanya.
Napayuko lang ito. "Okey na..."
"Anong okey na?"
Nakatitig lang ito at bigla akong hinalikan sa labi kaya agad akong napakapit sa kanya. Inis man ako pero namiss ko parin si Jovs.
Nang maghiwalay ang mga labi namin. "Mahal na mahal kita Chel... Lagi mong tatandaan ha."
"Baby... Ano ba kasi yon."Sabi ko at pinulupot kamay ko sa leeg nya."Anong okey na?"
"Inatras ko na ang demanda."
"Ano?... Jovs... " bigla akong kinabahan sa narinig ko. Me halong kirot dahil para sa anak ko ba kaya nya ginawa yon?.."Jovs... Alam ko ginawa mo lang yon dahil hiniling ko pero kasuhan na natin si Peter... Hindi ako papayag na makalaya sya sa ginawa nya sayo."
"Tama na...." sagot nito. "Pagod narin ako." at tumalikod ito.
"Jovs..."bigla nalang pumatak ang luha ko. Masama ang kutob ko. "Magsabi ka nga ng totoo."
Nanatili parin itong nakatalikod. "Tutal... Ilang araw din akong wala...masasanay ka rin..."
"Anong bang sinasabi mo?" hatak ko at pinaharap sya. Bakas sa mata nya ang lungkot. "Sinasabi mo bang...."
Di ko na napigilan ang luha ko. "Jovs... Kung yun dahil sa kaso... Kahit ako pa ang magsampa ng kaso laban ke Peter... Gagawin ko yon para sayo... Huwag ka naman bumitaw..."
"Chel.... Matagal kong pinag isipan ito... Hindi naman ng dahil sa kaso... Ituloy ko man o hindi ang kaso... Wala namang pagkakaiba... " hikbi nito.
"Pero bakit Jovs?"
"Chel...hindi ko kayang mamuhay sa araw araw na nangangapa kung san ba talaga ako dyan sa puso mo... Makulong man si Peter... Buong buhay naman akong uusigin dahil lumaking walang ama ang anak mo... Palayain ko man sya... Parang hiniling ko narin na sana hindi nalang ako nagising..."
"Jovs...."
"Mahal na mahal kita kaya ayaw ko ng magkasakitan pa tayo... Dahil kahit ako nalilito na... Ni ayaw kong itanong... Kung ako ba o ang anak mo... Dahil alam ko na ang sagot..."
"Jovs... Please...."
"Palayain na natin ang isa't isa...."
