Ang aga naman ng tune up game namin. Biruin mo 630am. Naudlot tuloy panaginip ko. Haiz! Sino naman kaya makakalaro namin ngayon?
"Ate Jovs!" tawag ni pons. "Andito na sila." turo nito.
Agad akong napalingon. Takte! Petron team... Sila ate chel! Kung minamalas ka nga naman. Ano pa bang mukha ihaharap ko sa kanya? Baka isipin pa nyang assuming ako at magseselos sya sa nangyari sa amin ni Denden. Haiz! Wala nga syang gusto di ba?
"Jovs...." sabi ni Genevieve ng makalapit sa kin. "Totoo bang lumipat na si ate chel sa Petron at di na sa Army maglalaro sa PSL?"
"Saan mo naman nasagap yan?" sabi ko habang nakatingin sa kinaroroonan nila ate Chel.
"Dami ng nagsasabi... " sagot nito. "Di ba close kayo ni ate Chel?... Di nya nabangit sayo?"
Napaisip akong bigla. Ako ba ang dahilan kung bakit lilipat ka ng team? Ako ba?
"Jovs.... Okey ka lang?" pansin nito.
"Jovs!" kaway ni Aby at lumapit sa amin. "Hi! Musta?" bati nito sa kasama ko. "Namiss kita fren!!" sabay yakap sa akin.
"Hi!.... Kayo pala kalaro namin?"
"Oo kaya!..." singit ni Dindin. "Humanda ka Jovs! ... Hahaha!" biro nito.
Nabati ko na halos lahat ng Petron team. Maliban ke ate Chel. Umiiwas ba sya?
"Okey... Game na tayo!" sigaw ni coach Shaq.
Makalipas ang dalawang oras na laro at di parin kami nag-iimikan ni ate Chel. Oo ganon na nga. Pano mo naman iimikan, e ayaw ngang tumingin. Haiz!
"I smell something something ha..." biro ni Dindin habang nagpapahinga kami.
"Me too sistah!" sunod ni Aby. "Parang me wall sa gitna ano?"
"Hahaha.... Anong wall?.... Para ngang nasa ibang planeta eh... Di magkakilala." biro ni dindin na katabi si ate chel sa bench.
Tahimik lang akong nakaupo sa dulo ng bench katabi si honey Royce.
"Aba... Alisin kasi ang mga nagkalat na planeta sa tabi tabi." sabi ni Ivy sabay tayo at lumipat sa dulo para iusog ako.
"Ano ba't?" sabi ko.
"Ang panget tuloy pag sobrang daming nakaharang...." ngiti ni honey royce at tumayo.
"Pwede naman kasing hawiin ang iba pang mga planeta."ngiti ni Dindin at tumayo narin.
"Aba.... Gora nalang tayo para sa kwek kwek dyan sa labas!" sigaw ni Aby at tumayo na rin.
"Sama ak...ko..." habol ni ate chel.
"Ooopps... Dyan ka lang!" banta ni Dindin.. "Buy nalang kita." bilin nito at nagsialisan na sila.
Takte naman to. Bakit pa kasi dito pa ako napaupo? Naiwan pa tuloy kaming dalawa ni ate chel.
Ano naman sasabihin ko???? Sorry at assuming ako???? Dahil iniisip kong type mo ko? Haiz!
Di rin umiimik si ate chel. Kaya palihim akong tumingin sa kanya. Busy sa pagtetext.... Me katext nga ba?
Ano ba Jovs? Magsasalita ka ba? Ano naman ang sasabihin ko?
"Ate chel...." sabi ko at tumayo ako sa harapan nya.
Kabado? Oo naman... Malamang ang putla ko na.
"Ate..... "
Nakatingin lang sya at halatang di rin mapakali.
Napalunok nalang ako.
"Na.... Na...namiss kita..... " nadulas kong sabi. Haiz talaga! Bakit mo nasabi yon?
Napangiti ito. "Miss din kita...."
Ano daw????? Jovs naman... Walang ibig sabihin yon!
"Ate chel!" sigaw ni Pons at dali daling lumapit ke ate chel. "Ate pafan sign kung ok lang... Mga kaklase ko kasi..."
"Ate... Ako pa autograph din para sa pinsan ko..." sumunod pa si toni rose.
Haiz! Takte naman tong mga batang to... Basagan ba ng trip?... Yun na yon oh!
Hinayaan ko nalang sila. Sino ba naman di hahanga sa yo? Maganda na... Magaling pa.... Sana... Akin ka nalang...
--
Haiz! Bakit sobrang super too the max malas ko ngayon? Ayaw magstart ni Atom! Haiz talaga! Nakaalis na ata mga kasama ko.
"Jovs... " boses ng babae na sumulpot nalang kung saan.
"A...ate chel... Ikaw pala."
"Me problema car mo?" pansin nito.
"Ah eh... Ayaw magstart..."
Lumapit ito at tiningnan ang makina. "Try mong istart ulit..."
Agad akong sumakay sa driver's seat.
Vroooommm vrooommm....
"Aba... Galing mo ah..." ngiti ko at lumapit ako sa kanya.
"Pinag aralan ko yan no!.. Hirap masiraan kaya."
"Pano mo ginawa?"
"Eto lang oh..." sabi nito at tinuro sa kin.
"Ahhh... " sabi ko pero bigla akong naconscious. Sobrang lapit na kasi namin sa isa't isa. Napapikit nalang ako habang nakadikit na ang baba ko sa balikat nya.
"Oy... " ngiti nito at napalingon sa kin.
"Ah... Eh... Hehe..." dyahe naman. Napansin kaya nya.
"Jovs.... "
"Hmmmnn...."
"May gusto ka ba.... Ah... Eh.... Me gusto ka ba ke Denden?" nahihiya nyang tanong.
"Ano naman ngayon?" irap ko.
"Tinatanong ko lang naman..."
"Ano ba kasi gusto mong marinig?"
"Wala!"
"Wala?.... E bakit namumula ka?"
"Hindi ah..." at ibinaling sa malayo ang tingin.
"Sabihin mo na kasi..." biro ko at pilit hinawakan ang baba nya. "Sasabihin mo o ako ng magsasabi sayo."
"Ewan ko sayo!" iwas nito at tinabig ang kamay ko.
"Teka.... Me sasabihin pa ako kaya makinig ka muna."
"O ano?"
"Namiss kita." ngiti ko.
Pigil ang ngiti nito. "So?"
"Sabi ko... Namiss kita." ulit ko.
"Tapos?"
Bahagya akong lumapit at hinawakan ang kamay nya. "Aaminin ko na.... Na gusto kita..."
"Jovs...."
"Wala na rin akong pakialam.... Basta gusto kita... " at lumapit pa ako lalo sa kanya. "Mahal na nga kita eh..."
"Jovs!"
"Mahal kita ate chel... Mahal mo ba ako?"
