Part 22

896 21 1
                                    

Chel's pov

"Hhhhmmm... " hikab ko at minulat ang mata ko. "Jovs.." Naku.. Nakatulog pala ako na nakayakap ke Jovs sa sofa.

Ang ganda talaga ni Jovs. Di nakakasawang titigan. At ang labi nya.... Kaysarap halikan. Unti-unti kong nilapit ang labi ko sa labi nya....

"Chel?" nagising ito. "Asan yung dalawa?"

"Hmmnnn.. Ay!.....Asan na nga?" bigla akong napatayo at hinagilap sa sala.

"Buti gising na kayo." sabi ni yaya na napadaan sa sala. "Nasa kwarto na yung dalawa. Tulog na.... Lumipat narin kayo sa kwarto para makapagpahinga na."

"Hindi na po yaya.." sagot ko. "Uuwi kami... Asan na nga pala si Aly?"

"Kasabay ng umalis nila den."

"Ha?... Bakit hindi man lang nagsabi na umalis na sila?"

"Nag-alangan silang gisingin kayo kasi pareho kayong pagod at sobrang sarap na ng tulog nyo." sagot ni yaya.

"Dito na kayo matulog. Hatid ko nalang kayo bukas." sabat ni Jovs.

"Okey lang. Maaga kasi photo shoot ko bukas." tangi ko. Mahirap ng magkasama kami ni Jovs sa kwarto.

"Me guestroom naman. Dun kayo ni bunso." sabi ni Jovs at bumaling ke yaya. "Ya, pakiayos ng guestroom."

"Ha?... E... Bat di nalang sa...."

"Ya, sige na... Ang guestroom." diin ni Jovs. Kaya agad narin umalis si yaya.

"Jovs?"

"Tara na... Ilipat na natin si babypat." kaya sumunod nalang din ako.

"Sarap naman ng tulog ng dalawa." sabi ni Jovs habang pinagmamasdan  ang dalawa sa magkahiwalay na crib.

"San ba banda guestroom?"

"Sa pangalawang pinto lang mula dito."

"Madali kasing magising si bunso pag binuhat."

"Iwan mo nalang... Ako ng bahala sa kanila."

Nag-alangan naman ako, "Baka mahirapan ka?... Tawagan mo nalang ako pag parehong nagising."

"Sige... Me damit ka pa ata dyan sa cabinet... Para makabihis ka na at makapagpahinga na."seryoso lang ito.

Nanibago naman ako ke Jovs. Pinapaalis na ba nya ako? "O sige."


---
11pm....
Kaloka.. Bakit gising pa ako? Di kaya umiiyak si baby pat? Masilip na nga lang.

Agad na kong nagtungo sa kwarto ni Jovs. Buti bukas.

"Jovs?" naabutan kong karga karga nya si baby pat. "Sabi na nga ba. Ganitong oras kasi yan nagigising.

"Okey na... Pikit ng mata oh." mahinang sabi ni Jovs at dahan dahan nilapag sa crib. "Matulog ka na. Di ba maaga ka pa bukas?"

Bakit ba parati nalang nya akong tinataboy?

"Ah... Eh..." anong bang pumipigil sa kin. "Jovs... Umamin ka nga... Kayo na ba talaga ni Steph?"

Natawa ito. "Ano?....... Bakit... selos ka?"


Flashback....

"Wow... Bonga ng first bday party ni baby Jaz." tuwa ni Aly ng makarating kami sa bahay nila Jovs. "Super proud mommies ba?... Pero separated?"

"Tumigil ka na nga." saway ko na karga karga si baby Pat. "Ayun na si ate, baby!" at lumapit kami sa bday celebrant.

"Iha... Buti nakarating ka agad." bati ni tita belle na karga karga naman si baby Jaz. "Dumarami ng bisita pero si Jovs wala pa rin.. Ewan ko ba sa batang yon."

"Ha?... E asan po si Jovs?"

"Me sinundo daw."

"Sinundo? Bagong girlfriend?" singit ni Aly.

"Aba... Anong bagong girlfriend?" taka ni tita belle.

"A... Eh... Kasi..." biglang bawi si Aly.

"Kukutusan ko na talaga yang batang yan e... Mas gugustuhin ko parin na magkabalikan kayo chel."

Napalunok nalang ako. "eh.. Hindi na muna siguro tita."

"Iha... Hindi ko man alam ang pinag-awayan nyo pero alam kong kayo parin sa huli... Kaya pagpasensyahan mo nalang si Jovs... Isip bata kasi."

"Hahaha... Tama si tita!" sabi ni Aly.

"Eto na pala..." sabat ni tita ng masilayan si Jovs na palapit sa min. At me kasama nga... Si Steph???

"Tita... Si Steph po pala..." sabi ni Jovs at bumaling sa amin. "Kilala nyo naman si Steph di ba?"

Tumango nalang kami ni Aly. Bakit parang naninikip ata dibdib ko at nakahawak pa ito sa braso ni Jovs.

"Hello po tita." bati nito. "Happy bday baby Jaz."

"Hello iha... Maiwan ko muna kayo at dumating ng mga kumare ko." sabi nito at nilapitan ang ibang bisita.

"Steph san gift mo?" agad na tanong ni Aly. "Alam mo ba na anak ni ate chel at jovs si baby Jaz?"

Patago kong siniko si Aly. "Okey lang naman kahit walang gift."

"Actually meron." sagot nito at inabot sa kin ang envelop. Aba... Cash!!!!! "Sensya di na ko nakadaan sa mall kaya sana okey na ito."

"Hindi mo naman kelangan mag-abala." singit ni Jovs.

"Steph!" sigaw ni den at agad na lumapit sa min. "Andito ka rin pala... Teka..." sabi nito sabay turo sa kamay nyang nakahawak sa braso ni Jovs. "A-anong ibig sabihin nito?"

"Ha?... " taka ni Jovs.

"Ate chel... Di ba sa akin mo ibibigay si Jovs?"

Natawa nalang kaming lahat sa reaksyon ni den.

"Hoy!... Walang ganyang sinabi si ate." saway ni Aly.

Nahiya naman si Steph kaya agad  inalis ang pagkahawak nya sa braso ni Jovs.

"Tumigil na nga kayo." tawa ni Jovs pero halatang nailang ito.

Bakit? Sila na kaya?

"Oo nga... Pero ate sabi mo di mo pamimigay si Jovs!" alma ni den.

"Sinabi mo yon?" biglang lumiwanag ang mukha ni Jovs na nakatingin sa akin.

"Hindi ah,.." tangi ko. "Hindi naman kita pag-aari!"

"Ouch...." tukso ni Aly sabay hawak sa balikat ni Jovs. "Tagos hangang buto!"

"Hahaha... Aba ate chel... Denial queen ka talaga." biro ni den.

Nanliit naman mata ni Jovs na nakatingin parin sa  akin. "Inaasahan ko naman yan... Buti naman kung ganon... Kaya gusto ko sanang ipakilala sa inyo... Ang bago kong girlfriend..." ngiting sabi ni Jovs at inakbayan si Steph.  

"OMG..." bulong ni Aly.


Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon