Part 4

1K 25 2
                                        

Ang saklap pala sa totoong buhay kung umaasa kang magkakatotoo ang isang panaginip. Kahit balibaliktarin mo man, panaginip parin at malayong magkatotoo. Haiz... Bakit pa kasi ako nanaginip?

Beep.... Beep...
Kaloka naman tong celphone ko.

Beepp.... Beep..

Haiz!  Sus... We chat lang pala at nakasagap ng WiFi. Tindi naman nito hangang ngayon me sumasagot  pa sa binato kong message... Aba! Akalain mo at umabot ng 20 replies.  Hmmmnnn.. Karamihan naman sa ibang bansa... Wala bang pinas?. Aba... Teka... Lapit lang nito ah? 6km?...
' Yes.. Dreams are possibilities. Just believe. '
Hmmmnnn.... Masagot nga...
'Have you ever had a dream that came true?'..... Sent!

"Jovs!" sigaw ng babae sa likuran ko kaya bigla akong napalingon.

Si denden pala. Dumating narin ang ateneo team para sa tune up game. Haiz... Buong araw na naman ako dedeadmahin ni Aly.

"Jovs...." ngiti ni den. "Me dala akong freshly baked muffin. Para sayo."

Ngumiti narin ako. "Salamat... Ang dami naman nito." sabi ko ng maiabot sa kin ang muffin. "Bakit di mo bigyan si Aly?" dugtong ko at agad kong hinanap si aly na kakapasok lang din sa Army Gym.

"Wag na... Para sayo lang talaga yan."

"Ha?... Hindi ko kayang ubusin ito." binalikan ko ng tingin si Aly na palapit na sa amin. "Aly! Tara dito me dala si den!" aya ko. Pansinin kaya ako nito? Masama parin ata loob nito sa kin.

"Wag na... Para naman lang sayo yan." irap nito.

Agad ko syang nilapitan, "Aly.... " mahigpit ko itong niyakap. Masama parin kasi ang loob nito ng dahil sa selos. Di kasi sya nabibigyan ng pansin ni denden pag kasama ako. Ewan ko ba, patay na patay sa kin si denden kahit sinabi ko ng me boyfriend na ako. At malabo akong pumatol sa babae.

"Okey na..." sabi nalang ni Aly at agad inilapag sa sahig ang bag nya.

"Bakit labas sa ilong?"

"Jovs,..." lambing ni den at kumapit sa kin. "Di mo ba titikman ang dala ko?"

"Wow!... Ano yan?" singit ni ate chel na bigla nalang sumulpot kung saan. "Penge naman."

"Ah... Eto oh.." agad kong inabot sa kanya ang muffin. "Masarap yan. Galing ke denden."

"Ay patikim nga!" at agad naman akong hinatak paupo ni ate chel sa bench. Binuksan nya ang supot at agad kumuha ng isa at kinagatan. "Hmmmnnn sarap nga.... Tikman mo oh." bigla naman isinubo sa kin ang kinagatan nyang muffin. "Sarap di ba?"

Napangiti nalang ako. "Hmmmnn.. Sarap nga."

"Oh... Eto pa." at sinubuan ulit ako ni ate chel. Parang ewan lang ano na nagsusubuan kami.

"Jovs!" diin ni den. "Anong ibig sabihin nito?"

Napalingon kami ni ate chel sa kanya. "Ha?.... Ano bang sinasabi mo?" agad kong tanong.

"Sabi mo di ka magkakagusto sa babae... E bakit ngayon?... Si ate chel ba?" hikbi nito na parang batang inagawan ng laruan.

"Beh... Ano bang sinasabi mo?" sabi ni ate chel at hinawakan si denden sa kamay.

"Bakit kasi di nyo pa aminin?" singit ni Aly na nakatayo sa likuran ni denden.

"A-ano bat?" alma ko.

"I hate you Jovs!... I hate you!... How dare you! Two timer!" sigaw ni denden at agad tumakbo palayo.

"Teka....." habol ko.

"Yaan mo na..." natawang sabi ni Aly.

"Ano?... Sira karin ano... Pinaiyak mo yun?" sabi ko.

"E para makamove on na sya!... " sagot ni Aly.

"Teka nga..." singit ni ate chel. "Ano ba talagang ngyayari sa inyo?  Nag away ba kayo ng dahil ke denden?"

"Si Aly lang naman.... Sinabi ko naman na wala akong gusto ke denden. Nagseselos parin. Anong magagawa ko kung lumalapit parin sa kin?"

"Pag untugin ko kaya kayo!... Mag ayos na nga kayo! Pati ako dinamay nyo pa. Kaloka kayo ha!" galit nito.

"Teka...." nakakalokong ngiti ni aly. "Okey na sa kin pero sa isang kondisyon.... Panindigan nyo na."

"Panindigan ang alin?" kunot noo kong tanong.

"Ang magpanggap na magsyota kayo... Para mapansin na ako ni denden." ngiti nito.

"Ano?????" nagkasabay pa kami ni ate chel.

"Sige na... Ngayon lang naman... Sige na... Pagbigyan nyo na ako... Matagal na kong nagpapapansin ke denden... Pero sayo sya me gusto." pakiusap nito.

"Baliw ka ba?... Hindi pwede!" alma ni ate chel.

Okey lang naman.... Haiz! Ano ba kasing iniisip mo Jovs?

"Ate chel...." pagmamakaawa ni Aly.

"Hindi nga!" diin ni ate chel.

"Ate chel... Ngayon lang naman... Hangang mamyang gabi sa party."

"Aba... Abusado ka ah!" singit ko. "at inextend mo pa hangang gabi?"

"Me party kc mamya.. Cruise party... Invited kayo... " sagot ni aly. "Mapaniwala lang si den na me girlfriend si Jovs... Tuluyan na syang matuturn-off.... Ate chel... Pakiusap naman... Konting sweetness lang naman gagawin nyo... Katulad lang nung kanina... E natural lang naman sa inyo yon kaya di kayo mahihirapan."

"Hindi sabi e!" pilit ni ate chel.

"Wala naman mawawala kung gagawin natin." sabi ko nalang. Para tuluyan narin akong tantanan ni denden kasi nakakairita na.

"Anong walang mawawala?.... Pwedeng pag tsismisan pag me nakaalam na press." tangi ni ate chel.

"Walang press don... Private party yon.... Di naman kayo maghahalikan sa harap ng maraming tao eh."

"Ate relax... Harmless naman ako." ngiti ko.

"Tumigil ka nga!" baling nito sa akin.

"Ate ano bang ikinatatakot mo?... Baka mainlove ka ke Jovs?" biro ni Aly.

"Hahaha!" tawa ko. "Yun ba?... E baka nga! Sa ganda kong ito."

"Ako?... Maiinlove sa yo?... In your dreams!" sabi ni ate chel.

In my dreams nga.... In love tayo sa isa't isa.

"E yun naman pala eh... So payag ka na?" pilit ni Aly.

Napangiti nalang ako. "O ano? Game?" baling ko ke ate chel.

Nakakunot noo parin ito na nakapamewang. "Ngayon lang ha!"

Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon