Chel's povLahat ng ininvite ko na mga kaibigan ay nagsidatingan na. Pwera lang ke Jovs. Asan ka na ba?
"Ate pumasok na muna kaya tayo. Darating din si Jovs." alo ni dindin.
Di parin ako mapalagay. "Pano kung me nangyari ke Jovs? Pano kung kinidnap sya? Pano na?!!!"
"Ate... Tawagan mo ulit baka sumagot na."
"Kanina ko pa tinatawagan... Out of coverage" sobrang nag-aalala na talaga ako.
"O... Si Aly na yata yan." pansin ni dindin sa sasakyan na nagpark sa harap namin.
"Aly..." agad ko syang nilapitan."Bakit hindi mo nahanap?"
"Ate... Hinanap ko... Makailambeses pa nga ako bumalik ng gym... Pati sa quarters nila" paliwanag nito.
"Andito na team army kaso di rin nila nakita si Jovs." sabi ni din.
"Jovs naman... Asan ka na ba?" hikbi ko.
"Chel... " lapit ni ate tina sa amin. "Sinabihan ko na headquarters na hanapin si Jovs sa buong compound... Babalitaan nila agad tayo."
"Thanks ate.." sabi ko. Pero hindi parin mapanatag ang loob ko.
"Nakatawag ka na ba sa inyo?"tanong ni dindin.
"Oo... Wala rin sya don.... Hindi ata ako mapapakali na naghihintay dito..." sabi ko at pupuntahan ko na sana sasakyan ko ng pinigilan ako ni Aly.
"Ate... San mo naman sya hahanapin?... E hindi nga natin alam kung nasan sya.." saad nito. "Pero sigurado akong nasabi ko sa kanya na dito nga kami pupunta... Baka... Baka me dinaanan lang."
Sana nga...
"Teka... Sasakyan ba yun ni Jovs?" pansin ni din.."Si Jovs nga.."
"Jovs!" kaway ko ng makababa sya ng sasakyan. Sa kabilang kalsada kasi sya nakapark at puno na ng sasakyan ang harap ng coffee shop ni Aby.
"Uuyy.... Andito pala kayo..." ngiti ni Jovs na walang kamalay malay na lahat kami ay nag-aalala na sa kanya.
"San ka ba nggaling!" inis ko at hinampas sya sa balikat.
"Aray naman!" biglang iwas nito.
"Jovs!" biglang bungad ni steph at agad yumakap. Aba! Talaga lang ha! At inunahan pa ko.
"Excuse me lang ha..." hila ko sa braso ni Steph."Tao po ako..." at tumabi ako ke Jovs. "Ikaw naman... yumakap rin!"
"Hehe... Hindi kaya..."at agad akong niyakap at humalik sa pisngi. "Anong meron?"
At nagtawanan ang lahat at sabay sabay kami..
"Happy birthday Jovs!" hiyawan ng lahat at inilabas narin ni Aby ang gawa nyang cake.
"Make a wish, Jovs!" ngiti ni aby at nilapit ke Jovs ang cake. Lahat ay nag-aabang sa sasabihin ni Jovs.
Nakangiti ito at d malaman kung anong sasabihin. "Salamat sa lahat... Di ko akalain na me party pala dito... Uhmmm... Wish?.." Napatingin ito sa akin "Sana.... Sana hindi na ako magising sa magandang panaginip na ito..."
