Part 15

969 26 0
                                        

Jovs.... All clear na." sagot ni aly sa kabilang linya. "Pumasok ka na dito.  Nagkasagutan si ate chel at papa nya kaya umalis na."

"Okay.... Eh si Peter?"

"Wala na rin... Takot lang nila ke ate Chel... Hahaha... Kaya dali ka na dito!"

"Sige sige..." pagtatapos ko at agad na kong kumaripas ng takbo. Sa kotse nalang ako kasi naghintay dahil nga binawalan ako ng papa ni chel na pumasok sa kwarto. Buti nalang andyan ang aking super friend Aly.

Pagkabukas ko ng pinto. "Baby!" at agad akong lumapit ke chel at hinalikan sya sa noo.

Napadilat ito at bigla akong hinampas. "San ka ba naman kasi galing?... At bakit di ka agad nakarating!"

"Aray naman." alma ko. "Sobrang traffic kaya... Eto na nga ako oh..."

Bigla naman akong hinatak para mayakap. "Takot na takot kaya ako kanina... Lam mo ba yon?... Ikaw kaya ang manganak!" sisi nito.

"Sorry na..." lambing ko at hinalikan sya sa labi. "E me pahawak hawak ka pa ke Peter!"

"E alangan sino hahawakan ko!... Yung doctor?"

"Eh kahit na!... Para kaya akong sinaksak kanina.." tampo ko.

"E sino bang me kasalanan?"

"Tama na nga..." sabi ko at niyakap sya. Hirap ako sa posisyon ko kaya sumampa na ako sa kama at tumabi sa kanya. Pinugpog ko naman sya ng halik.

"Hoy!"sigaw ni Aly na nakaupo sa sofa. "Me tao oh!... Hindi po ako painting!"

"Ay... Andyan ka pala.." tawa ko.

"Umayos ka nga." saway ni chel.

"Dito lang ako." pagpupumilit ko.

"Baby... Baka kasi pumasok yung mga nurse." sabi ni Chel.

"Hayaan mo sila.. Sunugin ko tong ospital eh." biro ko.

"Wag ka masyadong malikot, masakit pa sugat ko."

"Malaki ba hiwa sa yo?" tanong ko." Eh di hindi ka na nyan pwede mg two piece... Hehehe."

"Gaga... Normal naman ako... Hindi caesarian."

"Hahaha... Kala mo ha! Mapapagbawal mo si ate na mag two piece!" tawa ni Aly.

"Hmpp... Kaso wala ka ng abs!"

"Ikaw ha... "Saway ni ate chel. "Pag ako... Sumeksi ulit... Tingnan mo lang!"

"Hahaha... Isa lang ibig sabihin nun jovs!... Fasting ka.hahaha." tawa ni Aly.

"Fasting ka jan!"sabi ko at sumiksik ako sa leeg ni Chel. "Baby... Di mo naman ako ipapag fasting di ba?... "

"Umayos ka kasi .... Sa tamang panahon hehehe." ngiti nito.

Tok.. Tok... Tok...
At biglang bumukas ang pinto.

"Jovs!" napasigaw si Tita belle na karga karga si baby Jaz." Ikaw talagang bata ka... Nakita mo ngang kapapanganak lang ni chel." napapailing nalang ito.

"Hahaha... Huli!" tawang tawa si Aly. Kaya agad na kong bumaba ng kama.

"Tita..." beso ko sa kanya at kinuha si baby Jaz. "Me baby sister ka na baby!" at pinanggigilan ko ang paslit.

"Dalawa na ngang anak mo... Isip bata ka parin." sermon nito. "Iha... Kamusta ka naman?" at nagbeso ito ke chel.

"Okey lang po tita." sagot ni chel. "Medyo masakit lang nung una kasi di tumalab agad ang anesthesia."

"Ganyan talaga... At least naranasan mong umire." sabi nito at baling sa kin. "Nakita mo na... Hirap na hirap si chel... So ano?.. gusto mo parin ng limang anak?"

Natawa nalang ako. "Tatlo nalang naman." sagot ko at inilapit si baby ke chel. "Kiss mo si mommy para masundan pa ulit kayo baby."

"Tumigil ka nga... Sabi mo ikaw na magbubuntis?... Dali na kiss mo mommy, baby." lambing nito at hinalikan si baby.

"Kausap pala ng papa mo papa ni Chel." sabi ni tita.

"Ha?..."

"Hindi ko maintindihan ang papa mo iha... Noong una payag naman sya... Bakit yatang biglang nagbago." pagtatapat nito.

"Yun nga rin po tita." sabi nalang ni chel. "Pilit parin nya akong makipagbalikan ke Peter. E annulled na nga kami. "

"Bakit iba ang sinasabi ng papa mo? Hindi pa daw kayo annulled kasi mahina ang grounds mo for annulment."

"Hindi po." biglang nag-alala ito."Tatawagan ko nalang po abogado ko para macheck kung anong ngyari."

Tahimik lang akong karga karga si baby jaz. Pano nga kung hindi pa pala annulled ang kasal nila ni Peter? Lalo na ngayong me baby pa sila?

"Sana nga maayos nyo na yan. Hindi  naman sa nangingialam ako... Pero dehado ata lagay ni Jovs pag nagkataon."

"Tita..." singit ko."Maayos namin to."

"Sinasabi ko lang naman... Jovs... Alalahanin mong kagagaling mo pa rin sa ospital... Baka naman masaktan ka lang at bumalik na naman ang sakit mo."

"Pwede po bang... Wag natin dito pag-usapan..."

"Tita.." sabat ni chel. "Wag po kayong mag-alala... Mahal na mahal ko si Jovs... Hindi ko po sya iiwan kahit anong mgyari."


 

Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon