Part 45

738 17 0
                                    



"Yes!" hiyaw ko ng matalo ng Petron ang Cignal. Galing talaga ng baby ko. Walang sinabi si Usher!

Sobrang lakas din ng hiyawan sa arena ng tinanghal na player of the game si Chel.

"Tara na jovs... Puntahan na natin si te chel." agad tumayo si aly at nagmadaling nagtungo sa exit.

Sobrang dami ng tao na sumalubong sa team petron sa me hallway kaya di ako nakalapit agad ke Chel. Di ko naman mahagilap si Aly.

Ilang saglit pa, nakalapit narin ako sa locker room. Si Aly talaga... Ang bilis. Ayun na pala si chel.... At me kausap......

"Uy... Ang bagal mo..." bati ni Aly ng namataan akong palapit sa kanila. Pero parang di naman ako nakita ni chel. Busy sa kausap nya kaya agad na kong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nya para mapansin nya ako.

"Jovs..." mukhang nagulat pa ito ng nakita ako. At biglang bumaling sa kausap nya. Ngayon ko lang nakita si Chel na wiling wili sa kausap nya at biglang bumitaw sa pagkahawak ko. Kadalasan niyayakap nya ako pag tapos ng game. Pero ngayon.... Parang iba lang....

Bakit parang me kirot sa puso ko? Teka... Sya ba yung naghatid sa kanya nung isang gabi?... Hinatid lang naman... Walang ibig sabihin yon. Umatras nalang ako ng bahagya sa kanila.

"Jovs..." tawag ni aly. "Di ka papasok dito." sabi ni aly na nakatayo sa pintuan ng locker room.

"Ha?" hindi maaring mangyari yun. Mahal ako ni chel.

"Jovs!" tawag ulit ni Aly.

"Ah... Me tatawagan lang ako." dahilan ko nalang at naglakad ako palayo. Bakit parang kinakabahan ako? Nagkulang ba ako? Jovs naman... Hindi ako nagseselos no!

Di ko namalayan sa kakalakad ko, nakarating na pala ako sa parking lot.

---
"Jovs...." tinig ni chel.

"Jovs... Andyan ka lang pala...." sabi nito at sinamahan ako sa veranda. "Bakit ka naman naunang umuwi?"

Ano bang sasabihin ko?

"Okey ka lang ba..." tanong nito at hinawakan braso ko. "Buti nalang hinatid ako ni Aly."

"Si Aly ba talaga ang naghatid sayo?" mahinang sabi ko. Gusto kong magsisigaw... Gusto kong awayin sya. ...pero minabuti kong kumalma nalang.

"Jovs...." pansin nito at hinawakan ang mukha ko "Oo naman... Baby... Me problema ba?"

Napayuko nalang ako. Di ko kasi maisip kung tama ba na pag isipan ko ng masama si Chel.

"Jovs..." at hinalikan ako sa labi. Napapikit nalang ako. Bakit parang wala na kong nararamdaman? Bakit di ko maramdaman ang init sa halik ni Chel.

Napatingin nalang kami sa isa't isa ng maghiwalay ang mga labi namin. Wala narin ba syang nararamdaman?

"Jovs.... Me dinaramdam kaba?" haplos nito sa pisngi ko.

Tatanungin ko ba sya? Pano kung unti-unti ng nahuhulog ang loob nya sa lalaking yun? Anong laban ko? Hindi ko kayang iwan ako ni Chel.... Pero mapipigilan ko ba sya kung sakali mang umibig sya sa iba?

"Jovs.... Di ba promise natin... Sasabihin natin sa isa't isa nararamdaman natin... Bakit napakatahimik mo?"

"I-ikaw me sasabihin ka ba?" nauutal kong tanong.

"Ha?.... Wa-wala... Masaya ako dahil nanalo ang Petron..." naiilang na sabi nito.

Tama ba ang kutob ko? Na hindi mo rin kayang aminin na posible ngang mainlove ka sa isang lalake. Ibang iba kasi nung sila pa dati ni Peter, ramdam kong napasubo lang sya. Pero ngayon.... Hindi ko na alam...



Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon