Part 7

1K 25 0
                                        

Set point - NU

Makakahabol pa ba kami? Bigla nalang kasi ako nawindang ng matanaw si Aly at denden na nanonood. Hindi parin ako makamove on sa nangyari sa cruise party. Si aly nga ba? Haiz! First time ko nga makasiping ng babae pero di ko naman sigurado kung sino.

"Yeheyyyyyy!" sigaw ng kabilang court.

Natapos na pala. At talo kami in straight sets.

Nakipagkamay na kami sa Nu at dumiretso papuntang locker room.

"Jovs!" sigaw ng babae sa likuran ko.

Lumingon ako. Shet! Si aly. Bigla ko lang kasi sya inawan sa party ng magising ako na sya ang katabi ko.

"Jovs... Nice game... Pero halatang wala ka sa ayos ah." pansin nito. "Bakit mo nga pala ako iniwan agad kahapon?"

Ano bang sasabihin ko? Sya nga ba? Nakapalda din sya nung gabing yun.

"Kainis kayo ha... Pare-pareho kayong nang-iwan." daing nito.

"Ha?" bakit nauna bang umalis si denden at ate chel sa kin?"

"Oo kaya... Diba naiwan kami ni denden sa party. Tapos pumunta si denden sa kwarto nyo tapos di na bumalik. Tapos ng pumunta ako sa kwarto, wala na yung dalawa. Ikaw nalang dun ang tulog."

"Mga anong oras ka bumalik ng kwarto?"

"Umaga na yata yon. Marami na nga yung nagsiuwian ng makadock sa port. Kaya saglit lang yung tulog ko."

Nabunutan naman ako ng tinik. Haiz! Buti nalang. So possibleng si denden or ate chel?

"E si denden? Ano sabi nya kung bakit sya umalis agad?"

"Yun nga gusto kong itanong sayo? Ayaw akong kausapin."

"Baket naman?" Jusme.... Wag mong sabihin si denden yon. Shet!!!! Nakapalda din sya nung gabing yon.

"Ano ba kasing ginawa mo?"

"Ako?" patay malisya nalang ako. "Na-natulog lang naman ako ah."

"Eh anong ginawa mo bago ka matulog? Bakit biglang nawala yung  dalawa?"

"Di ba sinamahan ko si ate chel sa kwarto dahil nagsuka."

"Tapos?"

"Tapos.... Tapos... Nakatulog na ko."

"E si ate chel?"

"Si ate chel?...."

"Oo si ate chel...."

"Natulog din."

"Magkatabi kayo?"

"A... Eh oo."napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Tapos di nyo namalayan na pumasok si denden don?"

"Tulog nga ako di ba?"

"Nakausap mo na ba si ate chel?" tanong nito.

"Hindi parin..."

"Jovs.... Naguguluhan ako.... Mas lalo pa yatang di ko mapapasagot si denden... Ayaw na kong kausapin."

Sasabihin ko ba? Pero..... Haiz Jovs ano ba kasi. Di ko gaanong maalala suot ni denden noon pero posible kasi....

"Aly.... Jovs..." tinig ng pamilyar na babae.

"Ate chel!" nabuhayan si aly. "Ate nanuod ka rin pala."

Tumango ito at bumaling sa kin. "Jovs.... Okey lang... Bawi nalang next tym." at bigla akong niyakap.

Agad ko rin syang niyakap ng mahigpit. Ganitong ganito ang yakap na nadama ko nung gabing nasa cruise party kami.

"Ehemmm.... Ehemmm.." singit ni Aly. "Meron yata kayong hindi sinasabi ah."

"Ano?" sabi ni ate chel at biglang bumitaw.

"E bakit namumula ka?"biro ni aly.

"Hindi ah... Rosy cheeks kasi ako."sagot ni ate chel. "Walang ibig sabihin yon."

"Aba... Defensive... " tawa ni Aly.

"Tumigil ka na nga.... Walang ibig sabihin yon." depensa ko.

"Hhhmmmm.... Protective gf... Hahaha." lalo pa tong tumawa.

"Ewan ko sayo!" irap ni ate chel at agad tumalikod.

"Pero ate... " habol ni aly."Anong oras ka pala umalis sa cruise party? Di na kasi kita naabutan. Magkasama ba kayo ni denden na umalis?"

"Ha?... E... Hindi nauna ako." agad na sagot ni ate chel.

"Mga anong oras ka umalis?" tanong ko.

"Mga.... Maaga pa yon...Na-nakita ko sila ,... Sila Cha kaya sumama ako sa kanila."

"Pero ate chel...." sabat ko.

"O sige mauna na ko" agad na sagot nito.

"Teka ate chel..." pinigilan ko sya sa braso. "Me hindi ka sinasabi...."
Itatanong ko ba kung sya ang kasiping ko nung gabing yon? Pero pano kung itanggi nya?

"Ano naman ang hindi ko sinasabi?" napatingin nalang ito.

Napalunok nalang ako. Malakas ang kutob ko si ate chel ang kasama ko noon. Pero bakit.... Bakit parang balewala sa kanya?

"Wala.... Wala pala..." sabi ko nalang.

Ngumiti ito. "Sige... Nood pa ko ng second game." at tuluyan ng umalis.

"Hmmmnnn... Ikaw ang me hindi sinasabi Jovs..." ngiti ni aly at inakbayan ako. "Ano ba talagang meron dyan sa puso mo?... Ikaw ha...."

"Loka... Hindi no!" tangi ko.

"Inluv ka eh..." biro nito. "Inluv ka na ke ate chel."

"Ano ka ba?" sabay tabig sa kamay nya sa balikat ko. "Me boyfriend ako at mahal ko si Alex."

"Pero mahal mo rin si ate chel... Pwede naman yon."

"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin." sabi ko.

"Jovs..." biglang lapit nito sa akin. "Ayun si denden... Kausapin mo naman.."

"Ha?" bigla akong napalingon sa kinatatayuan ni denden. "A-anong sasabihin ko?" Eh pano kung sya pala? Lagot kang bata ka Jovs!

"Sige na...kausapin mo lang..." tulak nito.

"A...ehhh... Sige na nga!" sabi ko at dahan dahan akong lumapit ke denden. Bakit nga ba nya di kinakausap si aly? Ke aly lang ba sya galit? Pano kung sya pala yon at natawag ko pangalan ni ate chel? Pano na?

"Hi den..." bati ko.

Napatingin lang ito at binaling sa malayo ang tingin.

"Okey ka lang?"

"Kinakamusta mo ba ako dahil nakokonsensya ka?"

Shet!!!!!! Sya nga!

"Ano... Anong ibig..."

"Hindi mo naman kelangan ipamukha sa kin!" diin nito.

Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. "Hindi ko sinasadya..."

"Tanggap ko na.... Na si ate chel ang mahal mo.... Kaya kalimutan mo nalang na na..."

"Den.... Sorry.... Kala ko kasi..."singit ko. "Hindi ko sinasadyang saktan ka..."

"Okey na... Kalimutan mo nalang."


 

Just a dream (Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon