C5

69 6 2
                                    

Wala akong magawa today. Wala naman akong kasama sa bahay kasi my appointment nanaman ang parents ko. Kaya eto nga nga

Napagisip-isip kong mag-movie marathon mag-isa. Ano kayang magandang movie? Wag na nga.

Magshopping kaya ako? O doon ako manood ng movie? O magbasa na lang ako sa may bookstore? Maka ligo na nga

Papunta ako ngayon ng Greenhills. Ano kayang gagawin ko dito? Maglaro kaya ako dito? No choice... Shopping talaga

Sa pagiikot-ikot ko dito biglang may batang humampas ng likod ko

"Kuya... bad yan. Masakit po" sabi ko sa bata

Kaso tinitigan niya lang ako. Na saan kaya ang mommy nito? Pinalo nanaman niya ako

"Kuya... Asan ba ang mommy mo?" tanong ko

"Wala po" sabi niya

"Ha? Naiwan ka ba? Ilang taon ka na ba?" tanong ko ulit

"Iwan ako" sabi niya tapos na ka-4 yung kamay niya

So 4 years old siya. Asan kaya ang mommy nito

Dinala ko yung bata sa may costumer service. Since sunod siya ng sunod dun ako pumunta

Tapos bumalik yung mommy niyang alalang-alala na

Umalis na ako. Papunta na sana ako ng bookstore ng may nadaanan nanaman akong batang umiiyak naman. Kawawa yung bata. Nilapitan naman ng guard at staff kaya nakaalis din ako agad. Grabe. Ilang bata pa?

Nandito ako sa fully-booked. Gustong-gusto ko talaga dito kasi ang laki talaga

Pumunta ako sa mga Sci-Fic na libro. Rick Riordan fan ako

Ikot doon ikot dito lang ang ginawa ko. Grabe ang dami pang magagandang libro. Buti madami akong dalang pera

Pagpunta ko sa kabilang shelf nakita ko si... Jerome. Is he into this things?

Pinagmasdan ko ang ginagawa niya. Horror books ang dala niya. Yun pala ang hilig niyang basahin. Iniisip ko ngayong regaluhan siya ng horror books, kaso baka nabasa niya na yung maibigay ko... Nakakahiya pa

Horror yung mga dala niya ng may mapansin akong isang libro yung nasa may gitna... Love story?

Nakita niya ata ako. Crap! Paano na to?

"Angela..." ang lamig talaga

"Uy... N-nandito ka pala" I'm not nervous. Not at all.

"You also read books" sabi niya.

So libro ang paguusapan namin? I understand. Di pa kami close para mag-open up siya. But when you look straight in his eyes. I swear... Pain is all what you see

"Yeah. I'm used to it eh" sabi ko

Unti-unti na akong kumakalma. Buti naman

"I see..." sabi niya at tinignan yung mga librong dala niya

"Are you... a-alright?" nagaalangan kong tanong

Saglit niya akong tinitigan. Para bang may dumi ako sa mukha. Ergh. Anyway... Baka iniisip niyang alam ko na pero itatanong ko pa

"No" diretsa niyang sabi at yumuko.

Baka maiyak siya dito kaya niyaya ko na siyang magbayad tsaka ang bigat din nito ano pa yung kanya

Sabi niya kumain daw muna kami napili kong kumain sa Bon Chon since lagi akong kumakain doon. Always chicken

Pumili na kami sa menu. Awkward silence kasi di naman kami close tapos dalawa lang kami at kakain pa. Really... sinong di makakafeel ng awkwardness nun?

Naisip ko yung sinabi niya kanina. Bakit ang bilis niyang nasabi na no? Nagtitiwala na agad siya sa akin ganon?

"Marami ka bang friends? Even before?" tanong niya

Well... He can see it right now. Yung before?

"Uhh... No. Lagi ko lang kasama yung mga pinsan ko. Di ako pinapayagang lumabas strict before si daddy. Pero ngayon he gives me freedom na" sabi ko at ngumiti

"So wala kang nakalaro kahit isang beses?" tanong niya

"Meron. Kaso di ko alam name niya. Pero alam ko itsura niya" sabi ko ulit

Para siyang si Jerome. Kaso ang layo ng ugali nila. Si Jerome kasi cold, tsaka mas pinipili niyang nasa isang tabi lang. Eh yung batang yun? Ang likot-likot nun, tsaka madaldal. Ewan ko pero kahit ganon kalayo ang ugali nila, nakikita ko yung bata kay Jerome

"Pag nakita mo siya maaalala mo kung sino siya?" tanong niya

All of a sudden naging curious siya sa akin. Pati sa batang nakalaro ko noon. Anong meron?

"Oo naman! Ugali pa lang niya makikilala ko na" sabi ko

Natatawa na ako. Nakalimutan kong nasasaktan pala itong kasama ko. Kaya tumigil ako. Nakakahiya

Natahimik naman siya at napili niyang kumain na lang. Tatanungin ko ba siya about Lourde para mapagaan yung loob niya? Baka magalit siya sa akin

"Jerome... are you..." di ako makahanp ng tamang salita paano ba to?

"If you're going to ask about Lourde... Don't worry... I'm going to be fine soon" patigil tigil niyang sabi

Ramdam na ramdam yung sakit na nararamdaman niya. Parang ang bigat ng bawat hangin na binubuga niya. Naisip kong itigil na lang

Magsasalita sana ako kaso may tinanong nanaman siya sa akin

"Paano kung... nagbago na pala ng ugali yung bata?" tanong niya

Bakit ba nacucurious siya doon? Yung batang yun ang una at huling batang nakausap ko sa village na yun bago kami umalis papuntang Korea. Kaya sobrang special sa akin ng batang iyon. Kung makikita ko siya ulit gusto ko sanang makausap siya ng mas matagal... Gusto ko ulit siyang maging friends

"Depende na lang siguro kung makita ko yung mukha niya" sabi ko

"Hmm... Paano kung nagbago kasi... Nagbinata na siya?" tanong niya ulit

"Ewan... Bahala na siguro" sabi ko

Kumain na lang kami. Silence... Naisip kong itanong kung bakit nacucurious siya sa batang yun

"Bakit ka na cucurious sa batang yun?" tanong ko. Ang awkward talaga

"Naisip ko lang. Para may topic tayo" sabi niya

Kitang kita talaga sa mata niya yug sakit na nararamdaman niya. Naiintindihan ko naman siya na pinipilit niyang ifocus yung sarili niya sa ibang topic. Ang saya ko din na ang pinili niyang topic ay tungkol sa akin. Pero siyempre dahil nasasaktan siya... May part pa din sa akin na naaawa siguro nasasaktan na din para sa kanya.

Gusto ko siyang maging masaya kapag kasama ako para naman kahit papaano ay may memory siyang masaya kasama ako. Sana di niya ako makalimutan. Sana magkasama kami lagi, kahit ngayong mga panahon lang. Magiging masaya na ako na naging parte ako ng buhay niya kahit sandali lang

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon