C34

21 1 0
                                    

Nagising ako ng dahil sa gutom. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagutom. Siguro dahil ilang araw na din akong hindi kumakain. Isa pa, kahit na pinipilit akong kumain ni Kit ay wala talaga akong gana.

"Buti naman at naisipan mo ng bumaba. Kakain ka na ba?" Tanong niya

Tumango na lang ako bilang sagot at agad na kumuha ng plato naming tatlo.

"Wala si Auntie. Nagpunta sa kumpanya, may aayusin daw..." dagdag niya

Kaya ibinalik ko yung isang plato. Pagkatapos ay naupo na ako. Nananatiling walang imik.

"Namumugto na yung mata mo... kung iniisip mo naman kasi yung sarili mo... hindi mo hahayaang umabot ka pa na kakain ka lang kapag wala ka ng bituka. Angge madami pang lalaki diyan, hindi lang siya." Sabi ni Kit

Tumango lang ulit ako. Alam ko naman 'yon. Iba lang talaga kung siya.

"Paano ako mapapanatag kung ganyan ka? Baka hindi na lang din ako umattend ng kasal kung hanggang bukas eh ganyan ka... sa makalawa na ang uwi ko diba?" Sabi niya

Ano naman kung hindi ako kumain? Ako naman yung magugutom, buti kung siya eh hindi naman.

"Para akong nakikipagusap sa bato. Kumain na nga tayo." Sabi niya

Nanatili lang ang tingin ko sa mga kanin at adobo na inilagay niya sa plato ko. Tama lang naman pero feeling ko ang dami.

Bakit kapag nasa taas ako nagugutom ako. Pero kapag kaharap ko na yung pagkain, parang nauumay ako.

"Tititigan mo lang ba 'yan? Umayos ka nga... di ko alam na kaya mo pa lang di kumain para sa lalaki..." Sabi niya

"Kakain na nga... nauumay lang ako." Sabi ko

"Nauumay, wala ka ngang kinain eh tapos sasabihin mo nauumay ka? Hibang ka na ba?" Tanong niya

"Kumain na nga lang tayo..." sabi ko

Sa wakas ay nagawa ko na ding kumain matapos ang 3 araw. Sa totoo lang hindi ko din alam kung paano ko nagawa na hindi kumain ng ganoon katagal. Hibang na nga siguro ako.

Pagkatapos kumain ay naghugas na ako. Hindi pwedeng ganito na lang ako. Dapat ay ayusin ko ang sarili ko, tama si Kit.

Umakyat ako sa kwarto ko. Pagkatapos ay naligo at nagayos ako ng sarili ko. Papasok ako ngayon, nakakahiya kay auntie 3 araw akong hindi pumasok.

"Papasok ka? Nandoon naman na si Auntie eh." Sabi ni Kit

"Nakakahiya kay Auntie. Ilang araw na akong hindi pumapasok. Pinapunta ako dito para mamahala, pero binabalewala ko lang." Sabi ko

"Buti alam mo... Nga pala, aalis din ako, may bibilhin lang ako." Sabi niya

"Anong bibilhin mo?" Tanong ko

"Bibili akong kotse. Nakakabagot dito." Sabi ni Kit

Napailing na lang ako. Sabi na eh. Kilala ko ang pinsan ko. Magwawaldas nanaman siya para sa luho niya.

Lumabas na ako. Nagsimula na akong maglakad papuntang opisina. Sigurado akong tambak na ang ilang paper works na kailangan kong pirmahan.

Pagkadating ko ay nandoon si Auntie. Tinitigan muna niya ako bago napailing.

"Aunt, I'm very sorry for my wrong attitude. I -"

Hindi pinatapos ni Aunt Loe ang sasabihin ko ng nagtaas siya ng kamay. Alam ko. Galit si Auntie.

"Let's go to the office." Iyon lamang ang sinabi niya

Pagkadating namin sa loob ng opisina ay umupo siya sa pwestong inuupuan ko. Natural, acting CEO lamang ako siya pa rin naman ang may ari ng kumpanya.

Someday (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon