Gising na ang diwa ko pero hindi ko maimulat ang mga mata ko. Kahit katawan ko hindi ko maigalaw. Ewan ko tamad na tamad ako ngayon. Gusto ko pang matulog kaya hindi ako gumagalaw. Pinagtataka ko lang kung bakit hindi ko mamulat ang mga mata ko.
Tinesting kong imulat pero wala talaga. Kamay na nga lang ang gagamitin ko malay mo, mano mano na pala mata ko. Pero ang sakit ng katawan ko nung pinilit kong gumalaw. Ano bang nangyayari sa akin? Mamamatay ata ako sa sakit ng katawan. Weh? Corny ko ata. Pero totoo! Ang hapdi ng katawan ko.
"Fuck! Kit Fuck! Gumising ka nga diyan! Gumalaw na si Angela!" sigaw niya
Jusmeyo marimar! Kahit sinong tulog magigising sa sigaw ni Jerome. Ano namang nakain nito at ang lakas sumigaw? Natulog lang ako makareact over!
"Tatawagin ko na ba yung doctor?" tanong ni Kit
"Malamang! Alangan namang titigan lang natin si Angela dito?" sabi naman ni Jerome
Yung totoo? Tsaka ngayon ko lang nalaman naka hospital dress pala ako. Ano bang nangyari sa akin? Una, wala akong maigalaw. Ngayon naman nasa ospitalako? Fudge.
"Teka lang! 'wag mo na pala tawagin yung doctor na 'yun! Mukhang may HD kay Angela. Diba sabi niya magiging stabe naman si Angela pag nagising siya? Okay na siya!" sabi ni Jerome
"Sigurado kang di na natin tatawagin yung doctor? Mamaya may masakit pa kay Angela eh. Tsaka ano ka ba? Pati doctor pagseselosan mo?" tanong ni Kit
What the fudge? Lokohin ko nga ang mga 'to ang o-oa masyado eh!
"Ouch! Ang sakit!" sigaw ko
Dali daling lumapit sa akin yung dalawa. Nakakaloko pero natatawa ako. Yumuko ako para di nila makita pero ang hirap pigilan ng tawa ko.
"Putang Ina Jerome! Kung sino-sino kasing pinagseselosan mo ayan!" sigaw ni Kit pero hinihimas yung likudan ko
"Angela okay ka lang ba? Saan masakit? Sabihin mo. Fuck!" sabi naman ni Jerome
Hindi ko na napigilan kaya tumihaya na ako at tumawa ng sobra. Naguguluhan sila pero ito ako tawa ng tawa. Kung makikita niyo lang yung itsura nila matatawa din kayo panigurado!
"Angela naman eh! Pinagalala mo kami! Ayos ka na pala" sabi ni Jerome
"Sabi na masamang damo ka din eh. Nakuha mo pang mag-joke ha? 'yan panget ka na ngayon" tawa ni Kit
Kaya ngayon ako naman ang naka simangot. O'sige na. Mabilis na nga karma. I admit. Pero sabihan akong panget?Diyan ako hindi papayag no?
"Anong panget? Ikaw 'yun no? Walang papanget pa sayo!" sabi ko at nag belat
"Ha! Sino bang may benda sa ulo na mukhang Genie? Ako ba?Pwede po pa wish Angenie?" asar ni Kit
Fuck what? Benda? Sa ulo? Ano ba talagang nangyari? Damn! Naaksidente ako?
"Naaksidente ba ako? Ilang oras na akong tulog?" tanog ko
Pero imbis na sagutin ako tumawa lang si Kit. Kaya ang tinignan ko si Jerome na lang.
"Wala kang naaalala? Naaksidente ka nga pagkatapos ng sagutan niyo ni Lourde. And you're not asleep for hours you've been fucking asleep for 4 days!" sabi ni Jerome
O.M.G. kaya pala ganon sila makareact kanina? Humupa na ang tawa ni Kit kaya kinuwento niya sa akin yung naabutan niya. Naalala ko dahil doon. Putek para pa ba talaga sa kumpanya iyon?
Nagkwentuhan muna kami bago dumating ang parents ko. Pagkapasok pa lang nila niyakap agad ako ni mommy.
"Goodness Angela. Buti gumising ka na. Kamusta ka na? Do you feel alright?" tanong niya
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?