"Mom I need to go. Wala ka na bang ibang sasabihin?" Tanong ko kay Mom
Kanina pa kasi siya sabi ng sabi tungkol sa dapat kong gawin kapag kasama si Jerome. Like I don't know. Duh?
"Wala na. Goodbye anak. See yah later~" tawa niya
Hindi ko alam kung anong nakain ni mom. Ang kulit lang? Hyper pa.
Nakarating na ako sa school while walking. Nagexercise nanaman ako. Okay na din pampapayat.
"Dude! Ganda mo lalo. Blooming?" Sabi ni Clyde Ian Visconde
Schoolmate ko siya nung elementary pa lang. Ang totoo ngayon ko lang napansin na nandito din pala siya.
"Salamat. Dito ka din pala nagaaral? Ngayon ko lang napansin na nandito ka eh" sabi ko
"Oo eh kaso dati lang. Grumaduate na ako. Nakatingin ka kasi sa iba. Hanggang ngayon di mo pa din ako nakikita" sabi niya
Naging crush ko din siya dati pero bata pa kami noon. Hindi naman dapat sineseryoso yun eh. Wala pa kaming alam. Gaya nga ng sinabi ko bata pa kami. Tsaka wala na yun ngayon.
Nakalimutan ko... mas matanda nga pala siya sa akin ng 3 na taon. Parang kuya ko lang. Basically graduate na nga siya.
"Hugot naman yun! Para sa akin ba talaga yan?" Asar ko
Syempre hinde no? Akala mo para sakin eh. Ang tagal na nun kamusta kaya 'to?
"Siguro dati elementary crush. Ngayon?... Wala pa eh. Pero wala pa din kasi sa isip ko yan eh." tawa ni Clyde
Nako naman! Akala ko nagbago na sa kakulitan itong lalaking ito. Hindi pa din pala. Sana may makatagal sa kakulitan niya. Well, kung mahal siyang talaga eh.
"Eh bakit ka pala nandito?" Tanong ko
"Dumalaw lang. Namiss ko yung school na 'to. Kasi lumipat ka graduating ka na. Kung pumasok ka dito agad ng first year edi nakasama pa kita kahit isang taon lang." Iling niya
Napatingin kaming dalawa sa mga babaeng tumawag sa kanya. Wala daw ngayon? Eh ano 'to? Nahiya pa siya.
"Paano napasobra na ata tayo ng kwentuhan. Next time na lang. Mga atat eh." sabi niya
"Sige. Ingat!" sabi ko
"Salamat"
Mabait, masayahin, gwapo, maputi, matangkad, matangos ang ilong, matalino, magaling sa sports. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya diba?
Umalis na siya kaya umikot na ako papunta sa room namin. Pagkadating ko si Jerome lang ang nasa loob. Pero nandito yung mga bag nila. Ano nanamang meron?
"Goodmorning! Kanina ka pa?" Tanong ko
Binati ko siya pero tinititigan lang niya ako. Ano kayang iniisip neto?
"Huy! Galit ka ba?"
Sa tingin pa lang niya kanina eh para akong batang may kinupit na barya sa bulsa ng tatay ko. May nasabi ba ako?
"Syempre good ang morning mo. Ako? Walang good sa morning" sabi niya at nagiwas ng tingin
Tss... nagdadrama nanaman ang mokong. Nakakainis! Akala ko kung ano nanamang ginawa ko.
"Tss. Bakit ba bad ang morning mo?" Tanong ko
Parang lalo pa siyang nainis sa akin. Ano ba 'to? Hindi ko magets.
"Mahal mo talaga ako no? Ang sweet mo kase" sabi niya at nagiwas ulit ng tingin
Ayun naman pala eh. Nagpapalambing lang. Nako nako. Pwede namang sabihin na lang ayaw pa diretsuhin.
![](https://img.wattpad.com/cover/46430282-288-k86976.jpg)
BINABASA MO ANG
Someday (Completed)
FanfictionTwo lovers who started happily in an ordinary college life. Graduating, at halos nasa tamang edad na. Hanggang sa may dumating na malaking problema. Nasa tamang edad na nga ba sila para lumutas ng ganitong problema?